TSJL 3

28 1 0
                                    

IVO'S POV

MCA GYM 0400 PM

"Hey dude! Are you listening?" usisa ni Jet. He also flicked his fingers infront of my face to catch my attention.

Tumingin naman ako sa kanya. We were in the middle of an important meeting for the game next week pero preoccupied ako para makinig pa sa kanila. Hindi ko dapat dinadala yung personal kong buhay sa skwelahan pero I just can't help it. 

"Hu-huh?" wala sa sarili kong sagot sa kanya.

He just shook his head.

"Kanina pa ako salita ng salita dito, hindi ka naman nakikinig."

"Okay team, let's take a 15 minutes break!" sigaw nung coach namin, kaya nag-alisan naman sila.

Lumapit naman si Jet sa akin. "Ano ba yun? Hmm... or should I say sino?" sabay ngiti ng mapang-asar.

Shit! Kilala na nga talaga niya ako. Kahit na tatlong taon pa lang kaming magkaibigan di nga ako makakapaglihim sa lalaking 'to. Hindi na lang ako sumagot sa kanya, ayaw kong pati siya malaman pa 'to.

"Ivo, alam ko almost three years palang tayong magkakilala pero higit pa sa kaibigan ang tingin ko sayo, alam mo yun. Mas malapit pa nga ako sayo, kesa sa kapatid ko." medyo naguilty naman ako sa sinabi niya. Tama nga naman siya dun.

I take a deep breath and..

"Do you have any ideas para tigilan na ako ni Suarez?"

Alam ko namang alam na niya kung sinong Suarez yung tinutukoy ko no other than Anikka, nagparamdam na naman kasi siya sa akin, gusto na naman niya akong balikan.

And yes, she is my EX two years back then.

He just laughed. "Sabi na nga ba si Anikka na naman, di pa rin pala nakakamoved-on sayo yun, pre?"

We're not lovers anymore. Simula nung pinili niyang ikahiya ako sa mga magulang niya, almost 1 year naging kami pero illegal. Parents ko lang may alam samantalang sa family niya ni isa wala, can you just imagine? Tumagal kami ng almost 1 year na hindi niya man lang ako naipakikilala sa magulang niya? The heck!

"Wala naman sigurong mali kung balikan mo siya diba? Malay mo this time you're relationship would be better." kumunot naman noo ko sa sagot niya. Tch -__-

"No, I can't love her again!"

"Bakit may iba na ba?" mapang-asar na tanong niya.

May iba na nga ba? Honestly, hindi ko din alam. Pero ayaw ko ng balikan si Anikka, nadala na din siguro ako sa kanya. Nakakasawa din kasi, nung kami laging siya yung nasusunod, yes she almost controlled me about everything.

"How about A, do you still like her?" then I froze. 

Nagulat ako sa tanong niya, oo nga A. Paano na siya? I just like her before, siguro nga hanggang ngayon pa. Kaso natatakot akong mapalapit sa kanya, I can't afford to lose someone like her, if ever. Natatakot akong i-take yung risk para mapalapit ako sa kanya.

"No. I can't like her Jet."

Sa sinabi ko medyo nasaktan ako, kasi I still want to try but... still its a no.

"Yes. You can't like her kasi sa simula pa lang naman mahal mo na siya." napaawang na lang yung bibig ko sa sinabi ni Jet.

Naalala ko naman siya bigla, yung unang pagkakataon na nagkita kami. Yung ngiti niya, tapos yung mataray niyang attitude. Pero still, she is a fragile one. Madali siyang sirain pero hindi siya nagpapa-apekto. Yung unang pag-iyak niya, gusto kong ako sana yung magpatahan sa kanya pero I can't natatakot akong baka dahil dun mas lumalim pa 'tong nararamdaman ko para sa kanya. And I will never forget everytime she keeps her temper, she looks cute. She never fails to make me smile and complete my day, siguro nga I'm in love with her.

"I know you Ivo, alam mo kung saan ka lulugar if you don't love Anikka anymore then go, hayaan mo na siya, wag mo ng kulungin yung sarili mo sa past. Nandyan pa naman si A that never fails to make you happy, malay mo siya na pala." tsaka tumayo na siya at lumabas ng gym.

Naguguluhan na ko, pero may point naman si Jet diba? Kung ayaw ko na kay Anikka I just need to tell her, kahit na masaktan pa siya kesa naman umasa siya na pwede pa rin kami. Ayaw ko namang isakripisyo ko yung love ko kay A para lang sa kanya na walang ibang ginawa kundi saktan ako.

Bwiset talaga si Jet, napaisip tuloy ako sa mga pinagsasabi niya >_____< tsaka natatandaan niya pa din pala si A? Baliw talaga.

But one thing really bothers me..

Is it really possible that I love you from the very start A?

The Scholar's Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon