TSJL 15

8 0 0
                                    

ARA'S POV

Almost two weeks na yung nakalipas nung Acquintance Party. It turns out to be so fun! Lalo na't kasama ko yung mga kaibigan ko. Marami din akong nakilalang Freshmens, ok na din ako sa ibang Juniors they treat me normal hindi na yung mababa ako sa kanila except lang talaga sa grupo ni Lei :3

Late na ako sa third subject ko ngayon, pinatawag kasi yung mga scholar ng Principal, nagkaroon lang ng meeting para sa Freshmens.

Papasok na ko ngayon sa room namin, pero nagsisigawan sila nandun naman si Ms. Diones, TLE teacher namin.

"Bingo! It must be Ara, Miss!" sigaw ni Zam nung makapasok na ko.

"And Ivo would be her partner, what do you think Miss?" dagdag pa ni Alleyson.

"Tama! Ivo and Ara!" sabi pa ni Erina.

W-wait!? Ano bang meron? Atsaka anong si Ivo yung partner ko? Nawala lang ako may bagong kaekekan na naman pinapauso. Hayss

"Yes you're right Ms. Gloucester and Ms. Akiyama, they look good together?" sabi ni Miss sabay tingin sa akin.

Teka nga!?? Don't tell me pati teacher namin sasabay sa kabaliwan ng mga kaibigan ko? Ano ba talagang meron??

"Ivo! Ara! Ivo! Ara!" sigawan nung mga kaklase ko, nangunguna pa yung mga kaibigan namin ni Ivo. Samantalang sila Lei todo irap haysss

Tinitignan ko si Ivo pero umiiwas siya, ano bang problema ng mga tao diba? Muntanga na ako dito -___-"

"Uhm.. Excuse Miss, ano bang meron?" tanong ko nakakairita na kaya.

"Miss Fernansez, we will have the Eco Modelo by next week so that means we will also have the pageant."

O____o

Harujusko! Ako isasali nila dyan?? Nako! NO! NO! NO! Matatalo lang sila, at tsaka bakit hindi si Lei yung isali nila? Yun kaya yung mahilig sa pageant pageant na yan. Nako naman! -____-"

"A--ah e-eh ano kasi Mi---"

"Nakita mo na Miss? We told you papayag si Ara!" putol ni Shan sa sinasabi ko. Ayy! Letchugas!

"So, we will have Ivo and Ara for the pageant."

Hala!?? Pumayag na ba ako? Hahabulin ko sana si Miss kasi nagdismiss na din siya pero hinawakan ako sa braso nila Yuki at Lotlot.

Patay tayo dyan! >___

Hindi ko naman iniisip yung gastos kasi pag may ganitong event sa school namin yung mga estudyante yung gumagawa ng susuotin ng representative nila para mashowcase daw yung talents sabi ng school. Ang iniisip ko dito eh baka matalo ko nakakahiya yun sobra >.

***

"Whaaaaaa! Ivo naman eh! Dapat kumontra ka!" sabi ko habang naghuhugas may service kami ngayon.

"Bakit naman?"

"Eh hindi naman ako mananalo dun eh! Tapos pagsusuotin pa nila ako nung mga kaekekan nila, tapos magsusuot pa ng heels, alam mo namang ayaw ko nun!" sabi ko ng sabay kamot sa ulo ko.

Lumapit naman siya sa akin.

"You know what Ara? Its a simple pageant and besides ako naman yung kasama mo." sabi niya tapos pinunasan niya yung ulo ko. "May bula pa oh."

"Eh kahit na hindi ako mananalo dun sana si Lei na lang pinartner nila sayo."

"Edi nawalan lalo ng participants? Kung si Lei ipapartner sa akin I'd rather be a mascot for the upcoming meet."

Sumimangot na lang ako. Letche naman kasi eh! May rampa rampa pa naman yun pano kung madapa ako? Tapos pagtatawanan nila ako sympre, tapos aasar-asarin na ko sa buong MCA na lalampa-lampa ako. Huhuhu

"Ano ka ba Eli? Don't you have believe to your self? Mas maipapanalo mo naman yun kumpara kay Lei." tumingin naman ako sa kanya.

"How could you said that? Ang ganda kaya ni Lei kumpara sa akin."

"You know what Eli, sa pageant hindi palaging ganda ang basehan. Kasi mas lamang pa din yung may brains." sabay gulo niya ng buhok ko.

Err. Kapag si Ivo talaga nagsasalita wala kang magagawa ipipilit niya ng ipipilit yung gusto niya. Hayss! May magagawa pa ba ko? Tsaka final na yung decision, inaayos na nga yung schedule para sa practice bukas.

***
IVO'S POV

MCA AUDITORIUM 1000 AM

2nd day na ng practice namin para sa pageant, natutuwa nga ako kay Eli kasi obvious na obvious na napipilitan lang siya, nakasuot kasi sila ng heels para masanay daw sila. Ilang beses na nga siyang muntik matapilok pero sympre to the rescue ako.

Yung mga kaibigan na namin yung nag-aayos ng susuotin namin. Start from scratch yun, buti nga may talent yung mga kaibigan ni Eli sa ganun kaya nagagawa na nila. Yung mga kaibigan ko naman yung driver nila, tagabitbit, at laging sumasama sa kanila.

"Okay, 20 minutes break guys!" sigaw nung nagtuturo sa amin.

Hayyy! Finally naisipan din niyang magpa-break pagod na pagod na kaya lahat.

ZAM'S POV

Papunta ako ngayon kay Ara, sasabihan ko lang siyang hindi ko siya masasabayan umuwi mamaya kasi bibili kami ng materials para dun sa susuotin nila ni Ivo.

Pagpasok ko sa auditorium, wala ng tao sa stage. Napansin ko naman agad si Ivo na inaalalayan pababa ng stage si Ara. Grabi naaawa ako kay Ara, imagine napilitan siyang mag-suot ng heels para lang sa pageant na 'to. Pero thankful ako kasi nandyan si Ivo para tulungan siya.

Honestly, hindi ko na alam yung nangyayare sa dalawa na yan. After kasi ng Acquintance Party mas naging close sila madalas na silang magkasama, may times na hindi sila nagkakasundo pero nagbabati naman agad. May kakaiba na talaga sa kanila eh.

Tinititigan ko lang sila habang inaalalayan ni Ivo si Ara pababa ng stage. Tapos pinaupo niya si Ara dun sa upuan tapos lumuhod siya. May sinasabi si Ivo eh pero hindi ko maintindihan, ang layo ko kaya. Tapos nag-nod si Ara, tinanggal ni Ivo yung heels tapos kumuha din siya ng upuan tsaka siya umupo. Ipinatong naman niya sa lap niya yung paa ni Ara tsaka niya minassage, inabutan niya din si Ara ng bottled water. Whaaaaaa!!! Kinikeleg ako mukhang sila na nga sa kinikilos nila!

Medyo lumapit ako pero hindi pa din nila ako nakikita. Pakikinggan ko lang yung pag-uusapan nila. Bwahahaha!

"Aww. Masakit Ivo!" sabi ni Ara tapos medyo naiiyak na siya. May paltos na din siya tapos may konting sugat.

"Shhh.. Sorry Eli." sabi ni Ivo tapos medyo pinapatahan si Ara.

Alam niyo yun! Ang sweet nila sobra nakakainghit tuloy :3 tapos the thing na si Ivo lang ang tumatawag na Eli kay Ara!?? Whaaaaa! May heart hihihi.

Sila na kaya? Tingin niyo? Hihi.

The Scholar's Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon