TSJL 8

43 2 0
                                    

ARA'S POV

Grabe ang saya ko imagine kasama ko na ulit yung notebook ko! Na kay Ivo lang pala hindi man lang sinabi tsk! Miss na miss ko 'tong sulatan whaaaaa!

Pero teka wait, speaking of Ivo. Badtrip yun ah? Iwan ba naman ako sa mga letcheng varsity players na yun! Bwiset ang gulo nila sa buhay, hindi ata nila ako nakilala kasi "Miss Transferee" tawag nila sa akin. Err :/

Pero dahil binalik niya sa akin 'tong notebook ko, okay na ko. But one thing did he just call me "Eli" awhile ago!? Lul yun ah!

"Oy Ara! Nalulunod na ko dyan sa iniisip mo." sabi ni Shan (Shanaia) tapos umaarte pa siyang nalulunod siya. Tss -____-

"Ang corny mo din 'no?" tsaka ko nilagay yung palad ko sa buong mukha niya.

"Ara naman eh!" tapos nag-pout siya.

"Tumigil ka nga dyan! Hindi ka mukhang bibe mukha kang unggoy." tsaka ko siya tinawanan.

Tapos siya ayun nag-emote sa buong room pinagtatawanan tuloy siya ng buong section namin =___= baliw talaga! Hindi na nahiya.

Maya-maya lang nagdatingan na rin yung mga klase ko with matching malanding pananalita at pagyayabangan. Ang sakit nila sa tenga letche!

***

"Guys, may announcement daw dun sa bulletin board. Tara check natin!" sabi ni Zam.

Nagpuntahan naman kaming lahat, and as always siksikan sa bulletin board, mahilig kasing mag-post ng announcements 'tong school namin -__-

ANNOUNCEMENT!

The school year is already starting so inbehalf of the school, the whole Moonwalk Christian Academy family would like to have an Acquintance Party for those freshmen and new student this year. The 3rd year students will be the host for this year, and according to the meeting we will held this on July 4, 2015, Friday until July 6, at Blue Leafs Resort. This will be 2 days and 2 nights. Any other information will be given by the Junior students before the said date.

Thank you and God Bless!

Err -___- gastusan na naman letche!

"Whaaaaaa! Guys did you read that!?? Whaaa! May party!!" sigaw ni Scarlette. Party-goer talaga yan. Tsk! Nag-apir naman sila nila Erina at Alleyson, tuwang tuwa jusko!

"OMG! Tapos tayo pa yung host! Whaaa! Sa resort pa gaganapin excited na koooo!" sabi ni Yuki tapos nagtatalon pa. Haruru :3

Nasapo ko na lang yung ulo ko dahil sa kanila. Problema na naman 'to! Hindi pa naman pwedeng hindi sumama sa mga ganyan kasi sabi nga ng school namin, "We should be united because we're family." saan na naman kaya kami hahanap ng ibabayad dyan hayss -___-

***

"Guys! May invitation na ba kayo? Whaaaaa! Ito oh!" sabi ni Lotlot (Charlotte) tsaka kami inabutan nung mga invitation para sa Acquintance.

O____o

Pool party!?? Or beach party!? Seriously!? Sabagay sa resort nga gagawin eh, wag ngang tanga Ara :3

Err :/ nanlaki naman yung mata ko dun sa contribution namin. Tumatanginting na 5k lang naman po. 2 days and 2 nights kasi kami dun eh, san naman hahanap ng ganung pera sila mama!?? Tapos magdala din daw kami ng extra money :(

Kung hindi lang talaga obligado sumama dito eh, kaartehan talaga ng school ko grabe! Sa darating na Saturday pa naman na yun 3 days na lang :(

***

"Eli!" nilingon ko naman yung tumawag sa akin si Ivo pala.

"Oy! Salamat pala sa pagbalik nung notebook ko ha?"

Ngumiti lang naman siya yung sobrang lapad kulang na lang mapunit yung labi niya. Tapos nawawalan na siya ng mata, eh sa chinito eh.

"Wala yun, teka pupunta ka dun sa Acquintance Party?"

"Hindi ko din alam eh, tsaka ang mahal 5k tapos may extra money pa dapat. Ikaw ba pupunta ka?"

"Kung pupunta ka, I'll go." tapos ngumiti na naman siya.

Tinawanan ko lang siya. Baliw talaga 'to ang yaman kaya nila malamang kahit isama niya pa buong pamilya niya makakapunta siya dun eh.

"If you can't go then I'll not go, samahan kita mall na lang tayo or movie marathon. Masaya yun!" tinignan ko na lang siya tsaka binatukan. "Baliw!"

"Para nga masolo kita eh." tapos nag-pout siya.

"What!? May sinasabi ka?"

"Wala. Sabi ko tara na ang bagal mo talaga Eli!" then he run.

Hinabol ko naman siya.

***

MCA CAFETERIA 1000 AM

"So ano Ara, can you go to the Party?" tanong ni Sophie.

"If you can't we'll treat you that's what friends are for naman diba? Walang iwanan." Zam added.

I just simply smile. Nakausap ko naman na sila mama at papa tungkol dito, nagulat nga ako kasi pumayag sila. Nakakapagtaka nga eh, ang laki kaya ng 5k tapos may extra money pa.

Pero sabi naman nila, ayos lang naman daw yun nagpadala naman daw kasi si Tita Shareen sa akin. Tita ko yun sa US na sila nakatira, at sobrang bait pa, sayang nga lang kasi once or twice lang sila nakakauwi dito. Sobrang close din kami lagi siyang nagpapadala sa akin mapa-allowance or mga damit.

Minsan nga nagtataka na ako eh, pero ewan bahala na. Wag na lang muna isipin.

"Yuhoooo. Ano Ara makakapunta ka ba?" biglang sabi ni Scarlette sa akin.

"Ewan? Siguro? Nagpadala daw si Tita Shareen sabi nila mama kaya ayos lang daw kung sasama ako."

"OMG! Really!?? So makukumpleto na tayo guys! Whaaaaa! Mas naeexcite na ko!" sigaw naman ni Yuki -____-"

"We can go for a shopping before the Acquintance whaaaa!" dagdag pa ni Sophie. Jusme! Anak mayaman nga talaga.

"And don't worry Ara, kami na bahala sayo. Right girls?" sabi naman ni Lotlot tsaka siya umakbay sakin.

*insert my ngiting aso here*

Shete otso nwebe! Ang awkward naman umaandar na naman pagkakikay ng mga 'to err :/ ubos pera alert wihoooo wihooo!

***

"Ano Eli, sasama ka?" tanong ni Ivo habang naghuhugas siya. Nakakatuwa marunong na siyang maghugas thanks to me ;)

"Pumayag na sila mama, pero ewan ko pa din." tsaka ako naghiwa nung mga ingridients.

Tumahimik naman siya. Ano pupunta ba ko? Ay ewan ko din!

"Whoooow. Hello Miss Transferee nandito ka pala? Can I ask you for dinner mamaya?" nagulat naman ako ng sumulpot 'tong si Keith sa tabi ko, pano 'to nakapasok!?

Tumingin lang ako sa kanya tapos kumindat -kindat pa siya. Haru jusko po!

Napalingon naman si Ivo sa kanya ng masama ang tingin.

"Hey you Keith! Did I heard you ask for a dinner huh?!" tapos lumapit siya kay Keith tsaka nagtaas ng kilay.

"Yeah." sagot naman ni Keith. As if namang sasama ako sayo no! Manyakin mo pa ko!

"No she can't, we have to do something later, so better get off." iritang sagot ni Ivo, medyo cold din ang pagkakasabi niya.

"Wooow! O-o-okay bye." tsaka siya umalis.

Pero teka!? Kami may gagawin mamaya!? Ano naman kaya yun? Hayy pero mabuti na din ayokong may mambubulabog sa akin no. Tss

Tapos nun hindi na niya ako pinansin nag-bye ako pero tumango lang siya. Weirdo -.-" okay siya kanina ngayon ang cold niya sa akin :/

The Scholar's Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon