"Why is she here?" tanong ng maldita nyang girlfriend.
" We're here for business." sagot ko naman.
"Oh I see."
" Hindi naman din kasi iba tong si Frankie samin, she's close with my two sons and she's a great employee." sagot ni tita, kakakilala nga lang din namin eh
"Where's kuya Trav mom?"
"He's with his girl, pupunta daw sila sa parents ni Melissa." sagot ni tita sa kanya
" I think he's planning to tie the knot." may kaakiwang tugon ni tito. Nakita ko namang mukhang masaya sila sa ideyang magpapakasal na si kuya Trav
" Good for him."
" How about you, son? any plans?" I look at Sam and she's blushing. Kala mo naman seryoso si Trev sa kanya. Paano ko nalaman? Eh ako ang inuutusan nyang magtaboy sa mga babae nya pag ayaw na niya at pag pumupunta sa opisina, dumadami tuloy haters ko.
" Masyado pa kong bata para diyan, dad." sagot naman ni Trev.
"How about you, Frankie?" nagulat naman ako nang tanungin nya ako.
"Po?"
"Daddy's asking you if may plano ka nang magpakasal." bulong sakin ni Trev na siyang kinagulat ko, kasal? wala pa nga akong boyfriend.
" Wala pa po tito, wala pa nga po akong boyfriend eh." Nahihiya kong sagot .
" Bakit naman wala pa? I bet maraming nanliligaw sayo."
" Hindi ata babae tong si Arya mom, wala siyang paki sa mga nanliligaw sa kanya." asar sakin ni Trev kaya pinadilatan ko siya ng mata.
"Baka naman kasi may nagugustuhan na."
" Wala rin po tita, wala pa po talaga sa plano ko yan."
Habang nag uusap kami ay tumunog nag cellphone ni Sam.
" I'll take this call lang po."
"Sure." patuloy parin kami sa pagkain ng bumalik si Sam.
"I'm sorry tito and tita but I have to go na po, I still have shooting to attend pa po."
" Sure hija, take care."
"Another girl again, son?" seryosong tanong ni tito.
Hindi umimik ang katabi ko tanda na di niya gusto ang mangyayari.
"By the way, Trav will stay here for six months, for the mean time, you will go back to Manila."
"Sure, dad."
"You're coming with me."
"No. I want to stay here in Cebu." Matigas kong sabi sa kanya. Alam niyang wala akong plano na umalis sa lugar na to.
"You're coming with me." Matigas din niyang sabi.
Tiningnan ko siya ng masama at ganun din siya sakin.
"Ehem" pekeng ubo ni tito
" You have a problem?"
" None." Parehas naming sagot.
Natapos din ang aming breakfast meeting at aalis na din sina tito at tita para umuwing Manila.
"It's nice meeting you Frankie, taasan mo pa ang pasensya kay Trev ha." Napangiti naman ako sa sinabi niya.
" Sure po tita. Ingat po kayo" parehas kong sabi sa kanila.
Sabay na kaming bumalik ni Trev sa opisina niya. Tahimik lang ako habang nasa byahe kami.
"You're coming with me, whether you like it or not. You're my employee so you have to follow." inirapan ko siya.
"I'll resign."
"What?"
"Sabi ko magreresign na lang ako kung ganan din naman. Kayo naman ang mawawalan ng magaling na trabahante, hindi naman ako."
"Psh, kapal."
" Hoy linya ko yan."
"So?" inirapan ko na lang siya.
"Why don't you want to leave this place."
" I'm waiting for someone."
"Who?" nginisian ko siya, at inirapan niya ko. Taray talaga nito kahit kailan.
"Sungit."