Umupo sya sa sofa sa kanyang opisina kaya umupo na din ako sa one seater sofa din na katapat niya.
" Do you want juice, coffee, or what?"
"No thanks, magdidinner din naman tayo sa inyo." Nasundan na ito ng katahimikan.
"Kumusta?" Sabay pa naming sabi kaya parehas kaming napatawa.
" I'm fine. Still adjusting without you."
" Para ka namang bata, bakit ba kasi papalit palit ka ng secretary."
"Can't find someone like you here."
" You don't want your secretary now? She looks beautiful and sexy, like your taste."
"Nah, that's why I keep on changing secretary because of them."
" Nilalagnat ka ba?" Asar ko pa sa kanya.
" Eh gustong gusto mo nga ng mga ganyang babae. Nako Trev, hindi mo ako mauuto, "
"Halata ba?"
"Sobra." Sarkastikong sabi ko sa kanya.
" You're leaving."
"Hmmm. It should be last two years ago but nagtampo ako kaya ayun."
"You're really crazy when it comes to that. Tsk. "
"Yeah, that's why I'm changing for the better."
" Nah, seriously, inaantay ko din kasi talaga na baka may maghanap sakin dito pero feeling ko kasi sa tagal na nang panahon, napapagod na din akong umasa kaya I need to stop this."
"Why don't you want me to help, you know I can help you."
"No, don't ever do that, you helped me a lot na before. Tska, kung gusto talaga nila akong mahanap, matagal na sana nila akong nakita."
"Don't be sad, I'm here, Melissa is here and Kuya is here also, if you want a family, pwede kami." Sabay yakap sakin.
" Really Trev, hindi bagay sayo." Asar ko sa kanya.
"Pshh. Panira ka talaga ng moment. Tara na nga. " Lumabas ako ng kwarto na may ngiting tagumpay.
Sabay na kaming pumunta sa dinner ng family niya. Dahil sa hinatid lang din naman ako nina kuya Trav kanina kaya wala din akong poproblemahing sasakyan na maiiwan.
Trav and I just enjoy our ride by listening to our favorite music playing inside the car. Nakakamiss din pala na kabonding ang mokong na to. I'm glad nothing change between us.
"Hija!" Excited na tawag ni tita Adeline sa akin pagkakita niya, actually kakakita pa lang namin last three months ago to ask me to go back as Trev's secretary, kaya siguro pumunta na din ako dito ay para dun. Tita Adeline knows my plan that after 3 months I'm going abroad, so for the mean time, she asked me to be his secretary again, which is nothing wrong from that, atleast may trabaho ako bago umalis ng bansa.
"Tita, how are you na po?"
" Napakaganda mo talagang bata."
"Ma, baka lumaki ulo nan" sabat naman ni Trev
"Ikaw ba! Huwag mo ngang awayin tong si Frankie, baka mamaya eh ikaw ang magkagusto dito." Naubo naman si Trev dahil saktong umiinom siya ng tubig.
"Trev, are you okay?" Natatawang tanong ni Kuya Trav na sinamaan naman ng tingin ni Trev
"Mom, ano bang pinagsasabi mo, eh tomboy ata yang si Frankie tsaka alam mo naman din ang tipo ko."
"As if naman na type din kita hmmmp."
" Kaya nga we're meant to be friends for life, Frankie huwag kang makinig diyan kay mommy" at pinaghila niya ako at pinaupo.
"Talaga bang walang pag-asa sayo tong si Trev? Feeling ko naman bagay kayong dalawa." Namula tuloy ang mga pisngi ko.
"Mom naman, naiilang na si Frankie."
"Magkaibigan lang po kami ni Trev, tita."
"Sayang pa naman, I really like you for him."
Halata ding naiilang na si Trev sa pinagsasabi ng mommy niya dahil sa ang pula na ng tenga niya kaya pigil din ang tawa ni Mel at kuya Trav.
"Frankie, don't mind mom, let's just eat." I nod as a response.
"Frankie, nasabi mo na kay Trev?"
"What's that mommy?"
"Frankie will be your secretary for this coming three months."
"That would be really fine with me, so you will stay here for three months. I thought..."
"I'll attend Mel and kuya Trav's wedding of course."
"Trev, you should also let Frankie stay at your place. Mahirap na siya lang mag isa, Mel and your kuya will be very busy for their upcoming wedding so might as well let Frankie have your company."
"Naku tita, okay lang naman po kahit magrent lang muna ako dito."
"No, I insist Hija, mapapanatag ako kung kay Trev ka nakatira, at least I know that you'll be safe there."
"No worries mom, ako na ang bahala kay Frankie."
"But..."
"No more buts, mahirap na Frankie, maraming masasamang loob dito sa Maynila, tsaka three months lang naman and you know naman Trev, you're friends for years na. Isumbong mo lang pag inaway ka ni Trev."
