It's been half a year since Trev go back to Manila. May isang beses na nagvideocall kami nangamusta at may tinanong about sa isang project na hinahawakan ko din before. Hindi na nasundan pa ito, nalalaman ko na lang ang tungkol sa kanya kapag may sinasabi si kuya Trav about him.
Medyo hindi na ako nahihirapan sa trabaho ko dahil masyadong considerate sa kin si kuya Trav, pero namimiss ko din ang pressure nung si Trev pa ang boss ko.
Marami din akong nakikitang balita tungkol sa kanya sa social media like yung mga nagiging babae niya na hindi na bago sakin, malandi kasi yung isang yon. Balita ko din kay kuya Trav na nakakatatlo na daw siyang palit ng sekretarya sa loob ng anim na buwan. Matindi talaga ang isang yon.
Naapprove na din pala indefinite leave na nirequest ko kay kuya Trav, plano ko sanang mag resign muna pero ang sabi niya ay mag leave na lang daw ako at bumalik matapos kong mag-aral ng masters degree ko sa ibang bansa. Pinilit ko si kuya Trav na hindi ipagsabi ang aking plano kaya walang ibang nakakaalam nito kung hindi sila lang dalawa ni Mel.
Sabay na kaming tatlo umuwi nina Mel at Kuya Trav. Sa kanila kasi ako mag iistay ngayong gabi dahil may flight kami papuntang Manila bukas para sa preparasyon sa kasal nila. Mga tatlong buwan din kami dun pero magtatrabaho pa rin ako dahil busy na ang aking boss sa kanilang nalalapit na kasal. Binilin ko muna sa kanilanng bahay dito sa Cebu ang mga maiiwan kong gamit dahil hindi din ako sigurado kung makakauwi din ba ako after two years ng pag-aaral ko dun.
" Okay na ba ang mga dadalhin mo?" tanong ni Mel sakin. HIndi din naman ganun kadami ang aking damit at pwede din naman akong bumili doon.
"Yes, okay na. Namimiss ko na siya, kahit nagtatampo ako, hindi ko parin siya matiis."
"Grabe ka din kasi naman magtampo, nagtanong ako kay Ms. Carisse kung bakit hindi nakauwi si kuya Mike, eh sabi niya, may kontratang pinirmahan kaya hindi makauwi at tsaka may pinag iipunan din kasi nung panahon na yun, at alam mo na yon."
"Kinokonsensya mo ba ko ha?" sabay irap ko sa kanya na ikintawa naman niya.
"Halata ba?" pang-asar ni Mel
"Alam mo namang mahal na mahal ka ni kuya Mike. HIndi ka non matitiis. Inaantay ka lang niya na sumunod doon."
"Yeah, I know kaya nga sosorpresahin ko siya kaya wag ka maingay. Kala mo ba hindi ko alam na nag-uusap kayong dalawa. Pakisabi na lang sa kanya pag kinakamusta niya ako, sabihin mo maganda pa din." Natawa naman siya sa sinabi ko.
Maaga na kaming nagpahinga ngayong araw dahil mas pinili nilang maaga kaming bumyahe bukas dahil may meeting pa din kaming dadaluhan. Pinili na lamang ni Trav na hindi muna ko papasamahin dahil hindi naman daw gaanong marami ang gagawin bukas.
Matutulog na sana ako kaso umingay ang cellphone na nasa side table katabi ng kamang hinihigaan ko ngayon.
Trev calling...
Napabangon agad ako ng makita ang pangalan ng tumatawag sakin.