Three. Ghost

5 2 0
                                    

 
 
  Agad akong napabalikwas ng magising ako.. Nagising nalang ako na parang nasa isa akong bangungot.. Ano bang nangyare? panaginip lang ba yun?
 
 
  Geez! Agad akong napatingin sa braso ko nung maramdaman kong biglang kumirot yun and Gosh naka bandage to!! So hindi yun panaginip!! Hindi panaginip ang aksidente.  Akala ko patay nako
 
 
  Pero teka "Nasan ba ako?" Mahinang sabi ko sa sarili ko habang palinga linga sa paligid.. Hindi naman to Hospital so nasan ako??
 
  Pero grabe ha!! ang ganda ng kwarto nato at napaka laki.. ang lambot ng kama with chandelier pa.. may tv din and air conditioner ang kwarto.. pero nasan ba ako?? Anong lugar to?? agad tuloy akong napa tayo at nag lakad papunta sa pinto..
 
  Bahagya ko yun binuksan at sumilip ako.. pero walang tao?? Dahan dahan na akong lumabas ng kwarto habang palinga linga sa paligid..
 
  Teka para naman akong magnanakaw sa inaasta ko. Just act normal isha umayos ka nga. Kaloka
 
 
  But wait pano ba kasi ako napunta dito?? Pero grabe ha! ang ganda ng lugar at mukang mansyon. . I mean mansyon talaga!! .. yung floor gosh!! pwede na ata akong mag salamin sa sobrang kintab.. And yung wall napaka aliwalas with chandelier pa dito sa napaka lawak na sala.. at nangingintab na mga mamahaling kagamitan with bonggang bintana na napaka taas!! muka tuloy akong donya habang pababa ng hagdan..
 
 
  Grabe ha! Nakakalula ang lawak ng sala! Take note sala palang ito what if pa sa bawat kasuluksulukan ng bahay.. imagine yung kwarto kung nasan ako kanina gosh kasing laki ata ng apartment na tinitirahan ko..
 
 
  ..Pero nasan ba kasi ako?? I mean kanino tong napaka gandang bahay nato??
 
 
  "Ma'am Sol?"
 
  "Ayy kalabaw!!" Muntikan pakong mapatalon sa gulat ng biglang may nag salita mula sa likod ko..  si ate girl naman kasi eh bigla biglang sumusulpot dito sa likod ko but wait i think maid sya dito.. Ehh!! Halata naman kasi sa outfit i mean sa uniform nya na maid sya.. she looks cute naman sa soot nya muka syang bata..
 
 
  "Ma'am mabuti po at gising kana, kamusta po ang pakiramdam mo? May gusto po ba kayong kainin?" Wow teka? Bakit kung umasta sya eh parang kilalang kilala nya ako??
 
  Nakipag titigan lang tuloy ako sakanya sabay kurap kurap pa ng mga mata ko.. eh hindi ko naman kasi alam kung anong sasabihin ko dahil hindi ko naman alam kung nasan ba ako at kung pano ako napunta dito..
 
 
  ...Pero pano nga ba???
 
 
  "Ma'am Sol?" Agad akong bumalik sa wisyo nung tinawag nya akong 'Sol'

"Ako?" Pag tatanong ko sakanya at tinuro kopa yung sarili ko .

Binigyan nya ako ng tatlong kurap na parang nag tataka sya, saka sya tumango bilang tugon..

Wait sol? tinawag nya akong sol? Okay i think nag kakamali sya..
 
 
  "Wait I'm Isha. Ah by the way alam mo ba kung pano ako napunta dito?" Nag tanong na talaga ako sakanya kasi wala talaga akong ka ide-idea kung pano ba ako napunta dito dahil wala akong maalala.. sino ba naman kasing makakaalala ng pangyayare after mong maaksidente diba haller
 
 
  "Ah after ng accident dineretso po kayo dito sa bahay actually kakaalis lang po ng doctor nyo.." seryoso nyang wika
 
 
  Wait?? "Doctor ko?" Kailan pa ako nagkaroon ng doctor? And itong bahay? "So kanino itong bahay?" dagdag na wika kopa pero tinignan lang nya ako na parang nag tataka sya sa tanong ko. Kanino ba kasi to??
 
 
  "Dito po kayo nakatira Ma'am Sol." Tinitigan ko lang sya at nag hihintay na mag react sya!! Really? Ano ba akala nya nakikipag biruan ako? Nag tatanong ako ng maayos eh.. ano to magic na pag dilat ko may ganitong kalaking bahay na ako???? Sa tingin ba nya nakakatawang biro yun?? and wait? Why did she still calling me Sol?
 
 
  "Wait. Trisha po ang pangalan ko hindi Sol.. and itong bahay kanino ba talaga to.." Ate girl seryoso akong nag tatanong ha!! isang biro mopa sasakalin na talaga kita..!
 
 
  kinunutan nya ako ng noo "pero ma'am dito po kayo nakatira"
 
 
  Seriously?? Hindi ba sya titigil?? Aba't gusto nya ata talagang mawalan ng buhay!!
 
 
  Huminga ako ng malalim saka ko sya tinignan ng seryoso.. "ate hindi po ako nakikipag biruan.."
 
 
  "Pero ma'am sol, Hindi po ako nag bibiro.." She said seriously.
 
 
  "Wait Isha!! I'm Isha.." kulit naman nya eh! Bakit ba paulit ulit nya akong tinatawag na Sol!
 
 
  "Ma'am!"  Nakasimangot nyang sabi saken.. Bakit parang nag tataka sya sa sinabi ko? Eh hindi naman talaga Sol ang pangalan ko.
 
  . . .But wait?
 
 
  "Bakit nga pala dito nila ako dinala? Diba dapat sa Hospital nalang??" Out of curiosity tinanong kona talaga yun sakanya dahil seryoso hindi ko talaga alam kung bakit nandito ako..
 
 
 
  "Ah? K-kase" palinga linga ang tingin nya na parang nag aalangan sa sasabihin nya.
 
 
  "Kase?" pag tatanong ko sakanya,
 
 
  "Na Trauma po kayo After pong maaksidente at mamatay ng papa nyo. . . hindi mopo ba naaalala?"
 
 
  Geezz!! Ano ba sinasabi nya? Ako? And si papa? Pero baby palang ako nung mawala sya.. and never in my whole life hindi ko naalala na natakot ako sa hospital dahil sa reason na namatay si papa sa accident.. actually hindi ko nga alam kung ano nang nangyare kay papa eh dahil As in bigla nalang daw syang nawala na parang bula.. So ano ba sinasabi ng girl na nasa harap ko ngayon?
 
 
  Agad kameng napatingin sa pinto nung bigla yun bumukas and nagulat ako dahil biglang bumungad saken si misty..
 
  Goshh! Mabuti nalang at nandito sya.. dahil baka mabaliw nakong kausap ang babaeng to..
 
 
  "Gosh!! Ate!! Gising kana?!!" Masaya nyang sabi at nagmadali pang tumakbo papunta sa kinaroroonan ko at niyakap pa nya ako ng sobrang higpit..
 
 
 
  Napano to? Akala mo namang patay nako at ang oa ng react nya.. But wait? Anong tinawag nya saken?? 'Ate?' Binatukan ko nga!!
 
 
  Agad naman syang bumitaw sa pag kakayakap nya saken.. "Aray ha!!?" napahawak pa sya sa ulo nya..
 
 
  "Ano bang problema mo ate?" Aba't kinunutan nya pa ako ng noo..
 
 
  "At kelan mopa ako tinawag na ate ha?" Ayan!! Pinamulagatan ko naman sya ng mata!
 
 
  "Ayy grabe ka naman saken ate mirasol! Muka ba akong walang galang na kapatid??"
 
 
  "A-ano? Wait? Anong tinawag mo saken?"
 
 
  "Ha?"
 
 
  "M-mi?" I try to remember kung ano sinabi nya. Nabigla kasi ako sa tinawag nya saken.
 
 
  "Mirasol?" She said.. Yah! Bingo! Yun nga!! Pero bakit tinignan nya pa ako na parang nag tataka sya? Diba dapat ako nga yung mag taka dahil kung ano ano tinatawag nila saken??
 
 
  "Ano ba nangyayare sayo?" Really?? Ako pa talaga ang tinanong nya eh sila nga itong weird kung kumilos..
 
 
  "Owh wait.. i'll call your doctor!" She said saka nya kinuha sa bulsa nya ang phone nya.. agad ko naman hinawakan ang kamay nya para pigilan..
 
 
  "No need, I'm Fine!"
 
 
  "Are you sure?" At talagang pinaka titigan nya pa ako.. kaloka..
 
 
  "No worries okay.. okay lang talaga ako, pero bakit ba ang weird nyo?.."

"Kame? What do you mean?" She said
 
 
  Muli akong napatingin sa pinto dahil biglang may pumasok na lalake habang buhat buhat ang malaking maleta.. natatakpan ng maleta ang muka nya kaya hindi ko yun makita..
 
 
  "Cindy saan koba ilalagay to?" Wika nya but OPXXS!! He's voice sounds familiar ha..
 
 
  "Ibaba mo nalang dyan..!" Misty said.. feeling cindy?? Yung maid ata yung kausap eh grabe makapag utos tong si misty.
 
 
  "Cindy daw!! Wag kang sabatera hindi ikaw yung kinakausap!" Mahinang sabi ko kay misty kaya naman tinignan nya ako ng masama.
 
  "Hello ate?? Sino ba sa tingin mo yung kinakausap nya may iba pabang cindy dito bukod saken??" She said at inirapan nya pa ako!! Teka teka nga anong prank to?? Kelan pa naging cindy ang pangalan nya ha kaloka!!
 
 
  Binaba naman ng lalake ang maleta doon sa gilid malapit sa pinto and pag angat ng ulo nya.. GEEZZZ!! Nanlamig ang buong katawan ko as in mula ulo hanggang paa!! YAHH!! Nagulat ako nung makita ko ang muka nya..!! Totoo ba itong nakikita ko?? Totoo bang nakikita ko ngayon si Jonathan??
 
 
  "Mirasol!! Gising kana!" Naka smile nyang sabi at Goshh!! Lumakad pa sya palapit saken!!
 
 
  Teka!! No!!! napa hakbang ako pa atras..
 
 
  "Teka!! Dyan ka lang!! Poop naman eh!! Wag mo naman akong takutin ng ganyan!!" Abat napa takip pako ng tenga sa taranta pero diba dapat mata ang takpan ko hindi tenga ko. Pero ano bang gagawin ko heto nga ako ngayon at hindi alam ang gagawin halos Mangiyak ngiyak na ako nyan at hindi na ako makagalaw..!
 
 
   huminto naman sya sa pag hakbang.. nahalata nya siguro na natatakot na ako at natataranta.  Pero eto ako ngayon at naka titig lang ako sa kanya at maiging pinag mamasdan ang muka nya.. Gosh walang duda si Jonathan nga sya.. really? Hindi ba ako namamalikmata?? As in nakikita ko sya?? For real??
 
 
  P-pero panong?? Pano nangyare na nandito sya? Nasa harap ko?? Nakita ko syang duguaan habang sinusugod sa hospital.!! Umiyak pa ako nung malaman kong patay na sya and pinag lamayan!! So panong?
 
 
  "Hey!! Ano ba nangyayare sayo? Para ka namang nakakita ng multo?" He said
 
 
 
  Goshhh!!
 
 
 
  "aaaAAAAAAAHHHHHHH"
 
 
 
 
 
 
  —-
 
  Goshh!! I think kailangan kona talaga ng doctor..!! Sino ba namang hindi hihimatayin sa nerbyos kapag nakakita ka ng taong patay na.. Geez!!

Our Parallel WorldWhere stories live. Discover now