Six. Phone

11 2 0
                                    

 
 
 
  Buong buhay ko kapayapaan lang ang gusto ko. Pero hindi umaayon sa nangyayare saken ang gusto ko...Bakit ba nararanasan koto. Huhuhu.
 
 
  Actually nandito ako sa kwarto ngayon. As always hindi ko maiwasan mag isip isip. Like paano nga ba ako napunta dito sa mundo ni mirasol and speaking of PAANO!!! Paano nga ba ako makakabalik sa mundo ko.!?
 
 
  Ang natatandaan ko lang kasi ay ang aksidente and after that wala na. But as if naman na mapupunta ako sa mundong ito dahil sa aksidente diba?? or else. . .
 
  Hello isha.! ano pa nga bang nakakapag taka don eh heto nga at napunta ako sa kakaibang mundo nato. So posible na baka napunta nga ako dito dahil sa aksidente. But ano nga ba ang eksaktong nangyare nung time na yun?? 


october 14 2021 yung aksidente at yung kotse... natatandaan kong nakita kopa yung mga taong nagtatakbuhan papunta sa kinaroroonan ko.. after non?? may isa akong taong naaalala.. yung matandang lalake na nakausap ko sa tulay!! pero bakit parang naka ngiti sya habang naka handusay ako sa daan?? Sino ba talaga sya?? at bakit sa dami ng taong nandun bakit parang masaya sya na nangyare yun??

 
 
  Natigilan ako sa pag iisip ng biglang may kumatok sa pinto at bigla yun bumukas. Here again si cindy nanaman ulit at pumasok na sya sa kwarto.
 
 
  "Here ate" she said sabay abot nya ng phone saken "sayo yan ate nakuha namen yan sa pinangyarihan ng aksidente pasensya na ngayon ko lang naalalang ibigay." Dagdag nya pa kaya naman kinuha ko yun sakanya... but wow ang ganda ng phone ni mirasol ah. But speaking of 'PHONE' ano pa nga ba ang aasahan ko eh heto at may password so pano ko naman ito bubuksan.??
 
 
  "Good night" she said saka sya nag lakad papunta sa pinto para umalis pero hindi pa man sya nakalalayo agad ko naman syang pinigilan "wait"  wika ko kaya naman agad syang bumaling ng tingi sa akin saka ko pinakita yung phone sakanya..
 
  "ano yung password?" Usal ko pero nag kibit balikat lang sya "malay ko phone mo yan eh! Wag kang mag alala maaalala mo din yan.. goodluck!" Usal nya saka sya humabol ng ngiti bago tuluyang lumakad paalis..
 
  Ano pa nga ba ang gagawin ko eto at tumunganga lang ako sa harap ng cellphone. Ang ganda ng phone pero hindi ko naman magamit kaasar haha!! ano ba mirasol bakit pinahihirapan moko ng ganito..
 
 
  Humilata nalang tuloy ako at ipinikit ko ang mga mata ko. kamuka ko nga si mirasol pero yung memories nya hindi ko naman nakuha.. But wait speaking of kamuka..??  agad akong napamulat ng mga mata at agad akong napabalikwas
 
  Goshh ishaa!! Bakit naman ngayon mo lang naisip?? Kung kamuka ko si mirasol Posible din kaya na yung magulang ni mirasol ay kamuka din ng mga magulang ko?? Si papa!! Si mama!!
 
 
  Agad tuloy akong napa lingon sa paligid at nag hanap ng letrato. Ayan at nag halungkat nako sa mga gamit ni mirasol pero bakit ganon wala akong nakita kahit isa!! Seriously?? Wala manlang syang family picture.
 
 
  Ah teka!! Agad akong napatakbo palabas ng kwarto at nag tungo duon sa sala pero bakit ganon?? Eto lang ata ang mansyon na wala manlang picture nila kahit isa!!
 
  "Oh ate may hinahanap ka?" Wika ni cindy na naka upo dito sa sofa habang kumakain pa ng popcorn at nanonood ng k-drama..
 
 
  "Gusto mo?" Muling wika nya at inaalok nya ako ng popcorn pero iniling ko lang ang ulo ko..
 
 
  "Ah by the way!! Bakit wala manlang ka picture picture dito sa bahay?" Out of curiosity nag tanong nako sa kanya..
 
 
  "Owh .. because of mom .. she's a bit suffering because of dad's death .. doctor's advice to remove all the things that might remind him.."
 
  "So saan nyo nilagay yung mga picture?"
 
  "Dun sa atik.. pero yung key kasi non nakay mom."
 
  Nalungkot tuloy ako dahil sa sinabi ni cindy.. unti unti ko nang nalalaman yung bawat detalye ng buhay ni mirasol and wala rin pala kaming pinagkaibang dalawa.. parang ako ayaw din ni mama na napag uusapan namen si papa.. eh sino ba naman kasing hindi aayaw eh halos nag hirap si mama para lang alagaan akong mag isa at palakihin samantalang si papa naman bigla nalang nawala at hindi na nag paramdam... 
 
 
  "Why ate? Na curious kaba kung ano itsura nila mama at papa? You didn't remember din ba?" Usal nya so nag nod nalang ako
 
  "Oo eh.." wika ko pa
 
  "Hmm.. lately I remember pinakita mo saken yung family picture naten sa phone mo.. na alala mo naba yung password ng phone mo?"
 
  "Hindi pa eh but wala ka bang picture sa phone mo?"
 
  "Sad to say pero wala ginagamit kasi ni mama yung phone ko alam mona mahigpit kasi yun pag dating saken so mahirap na baka makita nya pa."
 
  Nakaka lungkot naman pala itong pamilya ni mirasol. No comment nalang ako i feel naman kasi yung nararamdaman ni mirasol dahil alam kong mahirap talagang mawalan ng mahal sa buhay..
 
  By the way speaking of mama???? "Ah nasan nga pala si mama?"
 
  "Ah business trip. 1 week lang naman si mama don babalik sya sa mismong araw ng family dinner!"
 
 
  "Family dinner?"
 
 
  "Ah oo nga pala.. bukas na yun. dinner kasama yung family ni kuya kurt.."
 
 
  "Ok!" Ano bang pake ko nag walk out nalang ako after nyang sabihin yung name ng kurt na yun.. tssk!! Makikita ko nanaman pala sya bukas!! Ahhh by the way Kakain lang naman eh after non aalis na kame!! Onting tiis lang isha ngayon lang to!! Makakabalik ka din sa mundo mo!! Mawawala din yung kurt na yun sa buhay mo!!! Haysssttt!
 
 
  Bumalik nalang ako sa kwarto ko.  I mean ni mirasol pala hahaha ishaaa naman ehh feeling mirasol.
 
  Muli kong kinuha yung phone ano pa nga ba eto at hinulaan ko nalang ang password nya hahaha.
 
 
  Ano nga ba ang pwede nyang gawing password?? "Mirasol. . ? Sol. ? Ondoves. ? O baka kurt aguillon? .?"
 
 
  GOOOOSSSHH!! kakahula ko nag countdown na sya haha anak ng teteng baka naman mas lalo kong hindi magamit toh!! Never mind na nga ipapaayos ko nalang siguro to!! Go isha itulog mo nalang yan!!
 
 
 
  It's been a morning ng magising ako may kumakatok nanaman kasi sa pinto ng kwarto ni sol. So ako naman tumayo na para buksan yon.
 
 
  "Good morning sis!" Bungad na wika ni cindy saken.. hanggang dito sa kakaibang mundo hindi parin sya nag babago haysst abala parin sya sa pag tulog ko!!!
 
 
  "Baket?" Iritableng wika ko naman sakanya..
 
  "Someone's waiting for you!" She said sabay smile nya pa ulit kaya naman hindi na ako kumibo pa at napa kunot nalang ako ng noo..
 
  "Ano kaba ate!! Ang hina mo maka pick up!! Si kuya kurt yung nag hihintay sayo sa baba!"
 
  Tss! Yung mokong lang pala na yun akala ko naman kung sino na!! At talagang inabala pa ako ni cindy sa pag tulog para pang sa lalakeng yun kaines ha!!  "Ok!" I said at isasarado kona sana ang pinto pero pinigilan ako ni cindy..
 
 
  "Teka teka!! Hindi kaba bababa??"
 
 
  "Hayaan mo sya dun.. malaki na sya kaya na nya sarili nya!!"
 
 
  "Ayy grabe!! Ganyan ba epekto sayo ng aksidente?? Dati naman nag kakanda rapa kapa sa pag baba kapag nalaman mong nandun sya!!"
 
 
  Hindi naman ako si mirasol kaya bakit ko gagawin yon?? Duhh as if naman na pati yun gagawin ko para lang sa pag papanggap ko?? Haller di ko keri yon noh!!
 
  "Matutulog pa ako!!" Nag pa awa pa ako ng itsura sakanya baka sakaling effective to para hindi na nya ako kulitin..
 
 
  "Kaya naman na nyang mag isa.. paki sabi nalang natutulog pa ako okay??" Nag smile pa ako bago ko isarado yung pinto. Pero hindi pa man lumalapat ang pinto ay agad naman bumukas dahil tinulak yun ni cindy..
 
 
  But wait i think hindi si cindy ang gumawa non!! And halleer!! Sino pa nga ba??
 
  "Meron bang tulog na nag sasalita??"  Wika ni mokong at talagang humarang pa sya sa pinto.. ano bang pinuputok ng butchii nere at bakit ang galing mang bwisit?? 
 
 
  "Ano nanaman bang problema mo??" Pag tataray ko naman na sagot sa kanya..
 
 
  "Gumayak ka may pupuntahan tayo!"
 
 
  "Hayst!! Malaki kana kaya mo nang pumunta don mag isa!!" Nag smile pa ako sa kanya..
 
 
  "Mag gagayak ka o gagayakan kita??" Ayy hanep!! Tatadyakan ko talaga tong kumag nato!!! Napaka!!
 
  "San ba kasi pupunta!! Mamaya pa yung family dinner diba?"
 
  "Gumayak ka nalang!"
 
 
  Napa buntong hininga nalang ako sabay irap pa sa kawalan!! Hays!! May magagawa paba ako?? Ayoko nalang pahabain pa tong usapan nato at baka sumabog ako !!
 
 
 

Our Parallel WorldWhere stories live. Discover now