Chapter 01 : The Garden
"SINONG magdadala nito sa office ni Miss Hermosa?"
Wala akong ibang marinig kung hindi ang ingay sa loob ng room. May naghahabulan. May nagtatawanan. May nagbabatuhan. Halatang walang nakakarinig sa sinabi ng class president namin.
Well, sino ba naman ang may gustong maghatid ng mga activity notebook namin sa room ni Miss Hermosa. Ang layo-layo. Nasa kabilang building pa at nasa 3rd floor. At tanghali ngayon. Ang init-init lumabas sa room.
"Gwyn, ikaw na lang ang maghatid nito. Walang may gusto."
Eh, ako? Hindi ko rin naman gusto ah?
I sighed. Tinanggal ko ang earphones sa taenga ko saka tumayo para lumapit sa table kung nasaan ang class president namin. "Akin na."
Nilagay niya iyon sa kamay ko. "Salamat talaga, Gwyn, may gagawin pa rin kasi ako ngayon eh."
I just smiled at her. That's always her reason.
"It's fine. I'll go ahead."
Hindi ko na siya inintay na magsalita at nauna na akong umalis roon. I am sure the president is chatting with her friends right now. About sort of things that isn't that important.
I sighed. Pwede rin naman akong tumanggi. Alam ko. Pero kung tatanggi ako, sino sa mga kaklase ko ang maghahatid nitong mga notebooks kung ganoon? They're all deaf.
Nakababa na ako galing sa floor namin pero kailangan ko pang maglakad at umakyat sa pangatlong palapag sa next building. Kailangan ko ring daanan ang hallway kung saan nakapadpad ang init ng araw. Mainit talaga. Ultimong ang hangin ay napaka-init sa pakiramdam.
Nakarating naman ako sa floor ng office ni Miss Hermosa pero wala ito roon. Pinatong ko na lang ang dala ko sa mesa niya saka ako umalis doon. Nasa hallway na ako para bumalik sa floor ng classroom ko nang biglang tumili ang ilan sa mga estudyante na nasa hallway rin. Nagkumpulan silang lahat at alam ko na agad kung bakit.
The lovers are here.
"Kyaahhh!!! Bagay na bagay talaga silang dalawa, noh? Ang perfect!"
I took a glance and I saw how Weslee, the most famous man student in our school held out the umbrella for Trisha, the most famous girl in our school. Para harangan ang init na dumapo sa makinis na balat nito.
"Ang sweet naman ni Oppa James!"
Muntik na akong masuka sa nakita. Yeah, sure. That was sweet. I sometimes think that it must be nice to experience that kind of relationship. I sometimes envy Trisha because she already have all that one would want.
Love, fame, money, beauty.
But I don't like PDA. I don't like having too much attention when I'm dating. I just think its gross and I want my experience of love be private. You know? Like that.
Umalis na ako roon. It's a waste of time envying something you can't have. Mabuti pang mag-aral na lang.
I ARRIVED at my classroom and the day continued like usual. When the class was over, I immediately got up – ready to go but then our class president stopped me once again.
I sighed. "Why?"
"Last favor, Gwynice. Last na talaga promise." Sabi nito at bumuntong-hininga na lang ako. Binaba ko ang bag ko at hinayaan siyang ipagpatuloy ang sinasabi.
"Kailangan ko pang ipasa ang mga files na 'to sa principal. Na-arrange ko naman na 'yan pero hindi pa tapos ang pags-staple." Tinuro niya ang sandamak-mak na papel sa mesa saka binalingan ang relo niya. "Late na ako sa gathering. Please, ito lang. Babawi ako sayo promise, Gwyn."
BINABASA MO ANG
Invisible
Teen FictionThis is the story of mine. Of how I saw what happened. Of how I agreed to a contract. Of how I helped a stranger. Of how I believed in that promise. Of how I was hurt. Of how I am able to find love. Published: August 27, 2021 - All rights reserved...