11

1 0 0
                                    

Chapter 11 : The Notebook

I stared at him. For like, a minute. I pursed my lips. Then ... I laughed.

Taka niya akong nilingon. "Why are you laughing?" sa inis na tono.

Umiling ako. Pinikit ang mga mata para pigilang tumawa.

Nararamdaman ko pa rin ang pag-andar ng sasakyan. I keep on shaking my head. Stopping myself to laugh so hard.

"What was that? Why ..." I laughed once again. "Para saan 'yun?"

Nakita ko ang pag-ikot ng mga mata niya. Binawi niya ang paningin sa akin saka tumingin sa harapan.

I narrowed my eyes. "Don't tell me ... Don't tell me you're jealous of your driver, Weslee?!" I said - eyes widening.

Parang naririnig ko ulit ang sinabi niya kanina sa utak ko. Nangilabot ang balahibo ko.

I can't help but laugh when his eyes directly went to mine - completely disagreeing to what I said.

I waved my hand in front of him. "I know. I know. Haha... I was just joking. There's no way you'd be jealous of Cole."

I heaved a deep sigh. Iyong buntong-hininga na para bang pagod na pagod na sa kakatawa. Tumigil na rin ako sa pagtawa pero ang ngisi ay nanatili.

"Bakit mo kasi sinasabi ang mga ganoon? It's not like something's going on between us!" sabi ko.

"Girlfriend naman kita, ah?" saad pa niya. Halos magkasalubong na ang kilay dahil sa inis.

Bumalik ang tawa ko nang makita ang mukha niya. Pero agad ko iyong tinikom dahil umiwas siya ng tingin. Baka galit?

My mind laughed. Bakit naman siya magagalit?

"Okay. Okay. I'll just forget about what you said. Pero 'pag umulit ka pa ng ganoon," naisip ko bigla kung uulitin niya ang pagsabi sa akin ng ganoon. O baka mas malala pa ang sabihin niya sa akin!

Umiling ako sa naisip. "Basta. Huwag mo nang ulitin 'yun. Saka, friendly date lang naman 'to."

Tumingin ako sa kanya pero nasa harap pa rin ang paningin niya.

I sighed. "Yes, may tayo. Pero hanggang sa labas lang 'yun. Nothing is going on between us romantically. I want you to remember that. Uulitin ko, no one's crossing one's line. Alright?" I said but no response from him.

"And ... I can say whatever I want. This is a democratic country so I am free to do and say what I want. So as you." I chuckled. "Right?"

Nilingon ko ang daan pati ang driver. Bumalik ang tingin ko kay Weslee. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa labas.

Umayos ako ng upo. My body's facing him the whole time since we are talking but now we're not ... I have to face the road.

I sighed.

This won't do. The atmosphere has changed. I can't go on a date with him like this?

I bit the insides of my cheek and took a glance at Weslee. Hindi pa rin niya ako nililingon.

Bumalik ang paningin ko sa harap. Nakakunot ang noo.

Bakit ko naman gugustuhing makipagbati sa kanya ngayon? So what kung hindi maayos ang friendly date na 'to?

Umiling ako. Hindi. I need to make sure we're okay today. And pangit lang kung hindi.

Pabalik-balik ang tingin ko sa kanya. I don't know what I look like right now since I keep on looking at him! Para na akong isang spy na tinitignan siya sa bawat kilos na ginagawa niya.

InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon