CHAPTER 13

13 1 0
                                    

After 1 month okay naman ang lahat naging busy na din ako sa paghahandle ng cafe namin at mas lalong sumikat ang cafe namin dahil nalaman ng ibang EXO-L's na dito tumatambay sila Suho at ganon na din ang ibang mga NCTzens.

Super thankful ako sa kanila dahil nagsu-support na din sila sa akin, and si Jaehyun naman din ay naging busy na di na rin niya ako pinupuntahan dito sa cafe ko o sa bahay ko man lang. 'Pag pumupunta naman ako sa bahay niya wala namang tao, siguro busy siyang masyado at si Sehun naman ayon 1 month na din siya sa military niya.

Sila Suho hyung naman ay minsan pumupunta sila dito kapag may free silang oras at kapag gusto nilang tumambay lang dito para magkuwento.

Namimiss ko na yung Jaehyun na 'yun aishh sana okay lang siya ngayon at sana di niya nalilimutan yung bilin ko sa kaniya na 'wag pabayaan ang sarili niya. Aishh siguro mamaya pupuntahan ko na lang siya ulit and sana makita ko siya.

Maaga akong umalis sa cafe dahil nga balak kong puntahan si Jaehyun dahil miss ko na yung topakin na iyon. Habang nagda-drive ako ay may napansin akong familiar na tao and hindi ako pwedeng magkamali si Jaehyun iyon at sino yung babae?

Infairness ang ganda ng girl mas maganda pa sa akin. Aishh kaya pala laging wala sa bahay niya at palaging busy kasi may ibang pinagkakabusy-han.

Nang makapag-park ako ng car ko ay kunwari akong pumasok para kumain at doon talaga ako sa likod ng inuupuan nila umupo.

...

Sobrang saya naman nila sana all kasi, di ko masyado naririnig yung pinag-uusapan nila nakakainis naman ohh. Aishhh ewan kakain na nga lang ako bwiset grabe naman ang saya nila ngayon rinig na rinig ko.

After kong ma-receive ang order ko ay kumain na lang ako ng may sama ng loob. Nang matapos na ako sa pagkain ko ay umalis na lang din ako dahil ayokong makipagtalo sa kaniya at saka ayaw ko naman maging dahilan ng away namin ito.

Dumiretso na lang ako sa bahay dahil nawalan na ako ng gana. Nanonood lang ako ng mga videos ng EXO kahit na napanood ko na lahat wala lang 'di kasi ako nagsasawa na panoorin sila. Aishh bigla ko tuloy namiss si Sehun namimiss ko yung pagkatopakin at minsan ay nag-iisip bata.

Naku Sehun kung di mo lang kasi ako iniwan sa ere edi sana ikaw pa din ang boyfriend ko. Edi sana hindi ako naging ganito pero medyo may lesson din akong natutunan noong iniwan mo ako natuto akong mahalin muna ang sarili ko bago ang ibang tao.

Nang nakaramdam ako ng antok ay ini-stop ko na ang panonood ko at saka ako naligo muna at ginawa na ang evening routine ko dahil 6:30 na ng gabi nalibang na talaga ako sa panonood ko.

After noon ay nagluto lang ako ng gabihan ko and after noon ay naghugas na ako ng pinagkainan ko at nagbrushed na ng aking ngipin. Habang paakyat ako sa hagdan ay biglang tumunog ang phone ko sino na naman kaya ito? Nang makita ko si Jaehyun pala nagtext aba himala nakaalala.

"Good evening love! I'm sorry if text you now after 1 month because I'm really really busy. But by the way how are you love?" Text niya sa akin.

"Good eve too love, it's okay I understand. I'm really okay, how about you?" Reply ko naman sa kaniya.

"I'm fine too. Hmm love goodnight and I love you byee." Text niya sa akin wow ganon na lang iyon?

Di ko na lang siya nireplyan at saka na ako pumasok sa kwarto ko at humiga para matulog aishh nakakainis na araw ito ohh.

MARK POV:

My birthday is coming and I want to celebrate it with my hyungs and members and also with Krishane too. Hmm let me text Jaehyun hyung if he will come with Krishane or not.

Mr. Coffee Man Where stories live. Discover now