Kyungsoo's POV
"Maging close ka lang sa lahat, wag lang muna kay Kai."-napatingala naman si So Hyun sa akin
"Bakit? masamang tao ba sya?"-inosenteng tanong nya.
Mula sa pagkuha ng tubig sa balon ay tumabi ako sa kanya para makapag-umpisa na ring maglaba ng mga damit ko. Oo, maglalaba kaming dalawa ngayong umaga. Iisa lang kasi ang washing machine ni Krystal at palaging overloaded yun kasi nga napakarami namin sa bahay. Naaawa na nga ako sa washing machine eh. Hopefully, huwag na muna syang masira, dahil pagnagkaganun, baka maghurumintado na ang iba dahil hindi alam kung papano maglaba gamit ang kamay. Lalo na syempre si Tiffany. At kawawa din yung mga may anak, panay bihis pa naman sila.
"Hindi naman sa masama syang tao, pero kakaiba lang kasi ang talent nun."-paliwanag ko sa kanya na hindi naman ata nya naintindihan..-"Basta, wag mo nalang muna syang pansinin okay?"
Napangiti na lamang ito sa akin saka tumango..-"Okay"
Ilang sandali kaming tahimik at nakafocus lang sa paglalaba ng magsalita sya..-"Hindi ko ine-expect na matatandaan mo pa pala ako, Kyung"-sabi nito saka tumingin sa akin.
Feeling ko tuloy namumula na naman ako ng wala sa oras.
"At hindi ka pa rin nagbabago, namumula ka pa rin dahil sa akin"-nakangiti na naman nitong sabi..-"At dahil sa pamumula mo, nalaman kong ikaw talaga si Kyungsoo"
"At dahil sa pamumula kong ikaw lang ang nakakagawa, iyan din ang dahilan kung bakit kita naalala."-nahihiyang sagot ko sa kanya
Flashback
"Susunduin na tayo ni Taehyung bukas ng madaling araw kaya dapat makapag-impake na tayo ng mga gamit natin."-pag-e.explain ni Baek hyung sa amin
"Ano naman ang i.impake natin, eh wala naman tayong masyadong dalang mga gamit."-bagot na sagot sa kanya ni Tiffany
Nandito nga pala kami sa gitna ng kakahuyan ngayon. Nag-uusap tungkol sa pagtawag ni Taehyung kay Baek hyung kahapon.
Sa totoo lang, hindi ko na talaga alam kung saan patungo itong mga ginagawa namin. Mas gusto ko pa ngang bumalik nalang sa bundok at magdamo ulit ng walang humpay kesa sa maghukay ng lupa dito. Seriously?
"Eh papano yung Astro? anong sasakyan nila bukas?"-tanong ni Seohyun sa amin
"Magpapadala nalang daw si Taehyung ng isa pang sasakyan para sa kanila."-sagot naman ni Baek hyung sa kanya
"Speaking of, nasaan na silang tatlo?"-tanong ni Tiffany sa amin
"Si Eunwoo, naghahanap ng signal para macontact si Moonbin sa kabila, hindi ko alam kung nasaan sya banda. Si Sanha naman ayun naliligo sa ilog, hiniram din nya yung camera ko, ewan ko anong pipicturan nya dun at si Mj naman na hinahanap silang dalawa dahil nahuli sya ng gising kaya ayun, napag-iwanan sya."-paliwanag ni Sehun sa amin..-"At hindi ko din alam kung nasaan sya ngayon."
Sakto namang kakatapos lang ng sinabi nya ng magsalita si Chanyeol na syang ikinagulat at nakapagpa-alarma sa amin..-"Teka! may paparating!"
Totoo nga. Rinig namin ang huni ng mga tuyong dahon na inaapakan ng kung sino man. Impossible namang isa sa amin kasi lahat kami nandito.
"Magtago kayo at ihanda ang mga armas nyo"-mahina pero clear na pagkakasabi ni Taeyeon.
Hihilahin na sana ni Sehun si Seohyun pero naunahan sya ni Chanyeol kaya napadikit si Seohyun sa likod nya. Nagloading pa si Sehun sa nangyari kaya si Yoona nalang ang humila sa kanya para maitago naman ito sa likod nya.
BINABASA MO ANG
We're Getting Married (COMPLETED)
FanficPapano ba nila masasabing.. WE ARE GETTING MARRIED