Chapter 24: We're Getting Married

158 6 68
                                    


Third Person's POV

Matapos ang barbeque party sa rooftop, kinabukusan, nag-umpisa ng umalis ang mga ilan sa malaking bahay ng exo para ipagpatuloy ang pag-aayos ng mga kani-kanilang buhay.

Bumalik sila Chen at Taeyeon at yung tatlo nilang anak sa Switzerland but this time, kasama na sila Baekhyun at Suzy. Dun na tumira si Suzy sa bahay nila Chen at Taeyeon kasama sila HISTOREH at MAPEH. Habang si Taeyeon naman ay lumipat ng bahay kasama si Baekhyun, GMRC at yung tatlong mga manok. Bumili sila ng bahay iilang town ang layo mula kela Chen. Wala namang naging problema. Actually, mas naging close sila Taeyeon at Suzy dahil sa parati silang nagkikita. Palaging busy kasi si Chen sa business nila kaya si Suzy nalang ang sumasama sa kambal papunta kela Taeyeon. Minsan naman kung si Taeyeon at GMRC ang bibisita sa bahay nila Chen, si Suzy lang ang nandoon kasama yung mga bata. Parating wala din si Baekhyun dahil sobra na rin syang busy sa kanilang mga negosyo. Idagdag nyo pang magbusiness partner sila ni Chen sa ibang mga minor business. Pero minsan naman ay magkasamang nagdidinner pa rin ang dalawang pamilya.

Kung dating wedding planner ang trabaho ni Chen at Seaman naman si Baekhyun, ngayon ay businessmen na sila. Sila na ang humahawak ng ibang mga business ng kanilang mga magulang. Si Taeyeon naman ay nagresign na rin sa kanyang trabaho at kasalukuyang nagtatayo ng kanyang museum sa tulong ng kanilang mga magulang at ng exo at snsd.

Kung dati ay sa England naninirahan si Kris kasama si Sooyoung, this time, lumipat sila ni Jessica at Bailey sa California kung saan dati nakatira si Jessica bago pa nangyari ang forced wedding way back three years ago. Nagput up si Kris ng maliit na Law Firm habang si Jessica naman ay ipinasok ng kanyang mommy sa Supreme Court as an attorney.

Busy man silang pareho, binibigyan pa rin nila ng oras si Bailey. At minsan nagbobonding din silang tatlo lalo na kapag Linggo.

Matapos asikasuhin ni Sooyoung ang kanyang negosyo sa England, umuwi sya sa Pilipinas para dito na manirahan. Malaking companya kasi ang hawak ni Tao at hindi nya ito pwedeng pabayaan lalo na't busy pa din ang kanyang mga magulang. Isa pa mahihirapan lang sya kung ililipat nya ito sa ibang bansa. Hindi na din ipinagpatuloy ni Sooyoung ang kanyang negosyo at mas pinili nalang nyang tulungan si Tao para dito nalang sila magfocus. At ngayon, si Tao ang CEO at sya naman ang COO. Busy man sila pareho pero hindi pa rin nawawala ang kanilang oras para sa isa't-isa. Lalo na kapag weekends, sabay silang nag-aaral sa pagluluto ng mga exotic foods.

Ibinigay naman ni Kim Minji ang isa sa kanyang mga mansion kela Xiumin at Sunny para dito nalang daw sila tumira at bumuo ng kanilang sariling pamilya. Bilang isang Cardiologist, inalok sya ng mommy ni Sunny na sya na ang mamahala sa isa sa kanilang mga ospital dahil hindi pa ito magagampanan ni Sunny kasi nga nagdadalang tao pa. Pero tumanggi naman ito sa dahilang mas mahalaga pa rin sa kanya ang propisyon at mga pasyente kumpara sa mamahala sa isang ospital na puro papel ang aasikasuhin.

Sa ngayon, namamalagi lang si Sunny sa kanilang mansion. Gustuhin man nyang bumalik bilang Pediatrician ay ayaw ni Xiumin. Mas maigi pa rin daw kung sa bahay lang daw sya at pagtuunan ang kanyang pagbubuntis.

Bumili naman ng napakalaking condo si Suho malapit sa kanyang opisina. Kasama nya si Krystal at ng magiging anak nila. Habang pinarenovate nya kay Luhan ang bahay ni Krystal sa probinsya at ginawa din itong isang mansion. Regarding sa kanyang health issue, magaling na din naman sya pero patuloy pa rin ang pagpunta nya sa ospital nila Sunny para sa kanyang annual check up. At minsan ay si Xiumin din ang nagche-check up sa kanya.

We're Getting Married (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon