Add my fb account for more update of WGM
Pandan Tazawa
Sorry for this update..
Seohyun's POV
"Chanyeol, totoo ba?"-nanghihina kong tanong sa lalaking hindi ko pa rin makalimutan at hanggang ngayon ay mahal ko pa rin
Wala akong pakialam kung lahat ng attention ay nasa akin. Desperada na kung desperada. Ang importante ay malaman ko ang totoo.
Total, umpisa naman nung nagkahiwalay kaming dalawa ay nagbago na ang buong pagkatao ko, so might be like this nalang.
Oo, sya ang dahilan. Nagbago ako nung mawalay ako sa kanya.
Sumeryoso ang mukha nya..-"Yeah, it's true. She's pregnant. So get lost."
"Seo? you okay?"-napabalikwas ako sa pagkakahiga at tumingin sa lalaking ngayon ay nakatingin sakin..-"What's the matter?"
Ngumiti ako ng mapait saka napailing..-"Wala, okay lang ako."
Nandito nga pala kaming dalawa sa kwarto nya dati. Ganun din ata ang iba, dun din ata natulog sa kwarto ng kanilang mga asawa. Gabi na at gaya nga ng sinabi ni Henry, hindi kami makalabas ng bahay. Kaya labag man sa loob namin, wala kaming nagawa. Hindi kami naka-alis dito.
"Si Chanyeol?"-mula sa pagkakahiga sa sofa ay tumayo ito at umupo sa tabi ko..-"I know it hurts.."-binigyan din nya ako ng isang mapait na ngiti saka sumenyas na umupo. Kaya bumangon ako sa pagkakahiga at umupo nga gaya ng sinabi nya.
Pinahidan nya ang luha kong hindi ko alam ay kanina pa pala umaagos sa aking pisngi..-"Here.."-pagkasabi nyang iyon ay tinapik tapik nya ang kanyang dibdib bago nag open arms.
Dahil sa ginawa nya ay hindi na akong nagdalawang isip pa. Isa pa, parang automatic na bumigay yung buong katawan ko at tuluyan ng napahagulgol sa pag-iyak sa bandang balikat nya
Iyak ng isang taong sobrang nasasaktan.
"Mahal na mahal ko si Chanyeol, Sehun. Ilang taon kong pinangarap na magkita kaming muli. Pero bakit ngayong natupad na, bakit sobrang sakit? Sese, sobrang mahal na mahal ko sya."
Hinahagod nya ang likod ko at nakikinig lang sa mga pinagsasabi ko.
Ilang taon kaming magkasama ni Sehun, pero ni minsan ay hindi namin naisipang damayan ang isa't-isa. Dahil gaya ng sinabi ko, hindi namin sinubukang pag-usapan ang mga bagay na nagpapadusa sa amin.
"Ganun ganun na lamang ba yun? magkaka-anak na sya sa iba?"-tumingala ako sa kanya..-"Sehun, papano ako? Hindi na ba nya ako mahal? ako lang ba yung naghintay sa kanya? ako lang ba yung umasa?"
Grabe, maski ako ay nagugulat nalang din sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Di ako makapaniwalang, humihingi ako ng mga sagot sa mismong asawa ko. Eto ba ang epekto ng pagkimkim ko sa sakit na nararamdaman ko? parang hindi ko na ata kilala ang sarili ko.
Ano ba tong nangyayari sakin?
Tahimik lang si Sehun na nakatingin sakin.
"Why falling in love so easy.."-malungkot kong sabi sa kanya..-"When letting go is damn so hard?
Sooyoung's POV
Tahimik lang akong nagkakape dito sa bar counter sa dining.
Katapat ko naman ay si Baekhyun. Tahimik lang din sya at nakatingin lang sa kanyang tasa.
Wala kaming imik simula nung madatnan ko sya dito.
BINABASA MO ANG
We're Getting Married (COMPLETED)
FanficPapano ba nila masasabing.. WE ARE GETTING MARRIED