Chapter 1: Their Normal Days

489 26 174
                                    

3 years later


Kyungsoo's POV

Kay gandang umaga.

Napangiti ako ng makita ang napakagandang sikat ng araw. Idagdag mo pa ang napakasariwang hangin na syang kumakanta para sa akin.

Wala man akong love life sa aking buhay ay napakasaya at sobrang kontento ko naman kung nasaan at ano man ang meron ako ngayon.

Inamoy ko ang aking kape at napakabango nito. Isa itong mamahaling kape dahil nanggaling pa ito sa napakalayong bundok sa bansang Tanzania.

Alas singko palang ng umaga pero papalabas na si Haring araw para samahan ako sa aking trabaho ngayong araw. What a perfect day it is.

Hinipan ko ang aking kape at handa na sanang inumin ito ng...-"BYUN BAEKHYUN! HUTA! MAGPAKITA KA SAKIN!"

-.-

Hindi ko na naituloy ang pag-inom ko at napabuntong hininga nalang.

Ilang sandali pa ay may narinig na naman akong kalabog. Parang binato yung bubong and sure akong kaldero na naman ang hinagis ni Hyoyeon.

"SINABI NG LUMABAS KA JAN EH! ANO BAH! LALABAS KA BA JAN O KAKATAYIN KO LAHAT NG MGA ALAGANG MANOK MO!?"-pagbabanta pa nito.

Rinig ko namang agad na bumukas ang pintuan.

ANO BANG PROBLEMA MO SA BUHAY KIM HYOYEON AT DINADAMAY MO NA NAMAN ANG MGA MANOK KO!?-sabi ko habang nakasandig sa pintuan ng aking balkon. Ayun tama ako. Ganun din ang sinabi ni Baek hyung.

Sabagay sino ba namang hindi makakakabisado nyan eh, palagi ko nalang naririnig yan. Dahil parati silang dalawa nag-aaway.

Ang tatanda na pero hindi pa rin alam kung pano tumino sa buhay. Tatlong taon na ang nakakalipas pero mga immature pa rin itong mga kapitbahay ko. Hindi na sila nahiya sa akin na maski bakuran nila, ako na ang nagdadamo. Minsan nga sarap dulusin ng dalawang yan eh.

"BAKIT HINDI KA PA NAGSASAING!? ALAM MO NAMANG MAAGA AKONG MAG-AARARO SA BUKID! ANONG KAKAININ KO!?"-sigaw na naman ni Hyoyeon sa kaharap nya.

Oo, nakikita ko silang dalawa mula dito sa bahay ko. Garden ko lang ang pagitan ng bahay namin at ng bahay ng manok ni hyung. Malaki ang bahay ng manok nya tapos nagpagawa sya kay Hyoyeon ng munting kubo sa tabi nito. At sa likod naman nito ang malaking bahay nilang dalawa.

"DI BA KUMAIN KA PA KAGABI NG ALAS DOSE? HINDI MO BA ALAM NA PANG ALMUSAL MO NA SANA YUN!? TAPOS AKO PA DITO ANG SISISIHIN MO!? KUNG HINDI KA BA NAMAN ISANG MALAKING TANGA KIM HYOYEON!"

"ANAK NG! KUNG WALA KA DIN NAMANG SILBI, ABA'Y LUMAYAS KA NALANG DITO!"-at dahil sa sinabi ni Hyoyeon ay naitapon ko ang tasa ng kape ko sa bubong din ng manukan ni hyung, kahit hindi ko pa iyon naiinom.

Nagulat ang dalawa kaya napatingin sa gawi ko. Tiningnan ko naman sila ng masama bago lumabas ng bahay at pumunta sa kung nasaan man silang dalawa.

"Wala ba talaga kayong balak na tumigil? hindi ba talaga kayo nahihiya sakin?"-kalma kong sabi kahit gusto ko ng sunugin ang bahay nilang dalawa! Lagi nalang eh!

Hinarap ako ni Hyoyeon..-"Kaya nga pinapalayas ko na tong tamad na ito dito."

"At ano? lalayas sya at sa bahay ko na naman mamamalagi? tapos doon mo naman sya pupunta at doon na naman kayo mag-aaway? jusko naman! kailan nyo ba ako tatantanang dalawa!? Alam nyo, kung hindi lang talaga marami ang mga damo dito, matagal na talaga akong umalis!"

"Malapad naman kasi ang bundok na ito, bakit hindi ka nalang lumipat sa ibang damuhan? o di kaya doon sa kabilang bundok? total dito magkapitbahay tayo, dun naman ikaw lang mag-isa!"

We're Getting Married (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon