Prologue

80 12 4
                                    

'Yves... gusto din kita.'

'I'm late, I know... alam ko din na unfair na sinasabi ko sayo 'to ng wala kang malay at sa ganitong paraan pero nahulog nadin ako sayo.'

'Pangako kapag gumising ka, sasagutin na kita, kaya, bangon na diyan, hmm?"

Dinilat ni Yves ang mata, ang sumalubong sakanya ay hindi kilalang kisame. Then he remembered, he had a fling. Nilingon niya ang magandang babaeng nanakumot sa tabi niya.

Alam niyang dis-oras na ng gabi pero bigla niyang gustong umuwi sa condo niya. Tahimik siyang nag bihis pero nagising padin ang babae.

Sa inaantok na boses ay nagsalita ito. "You going?"

"Yeah."

"Bakit hindi ka mag-stay, madaling araw na?"

Sinintas ni Yves ang sapatos at tinignan ang babae."Laura, we're friends with benefits, don't get attached."

Nagising ang diwa ni Laura. "Y-yes, I'm not," nauutal na sabi nito.

"Achoo!"

Hindi na pinansin ni Yves ang bahing niya at dinampot nalang ang duffel bag at naglakad sa pinto at nagpaalam. "I'll go."

Tinignan ni Laura ang nilabasang pinto ni Yves. She knew more than anyone else that what she and Yves had is nothing but a one night stand turned into friends with benefits. Siya ang unang nag-suggest dito dahil sakto ang chemistry ng katawan nila, at parehas nilang ayaw ng relationship.

Dalawang buwan nadin silang ganito, ngunit nitong mga nakaraang araw ay mukhang naramdaman ni Yves na nahuhulog siya kaya nilinaw nito kung hanggang saan lang sila.

Hindi naman pa-fall si Yves at hindi din siya trinato ng higit sa kaibigan bukod kapag nasa kama sila. But Laura just fell, she's liking Yves more and more but that should come to a stop now.

Dinampot ni Laura ang phone at nag-type ng text kay Yves.

**********

Mula sa loob ng taxi na sinakyan pauwi ay naramdaman ni Yves ang vibration ng phone. Binasa nita ang text mula kay Laura.

I forgot to tell you but let's stop this, I found someone new with greater chemistry.

She's lying. Hindi siya bumahing, oo, gumagana lang kasi ito sa personal. But Yves actually don't need his ability to realize that Laura is lying.

Sigurado siyang nahuhulog na ito kaya napagdesisyonan lumayo. He sighed, well at least she's smart. Hindi niya na ipinilit pa ang impossible. Palibhasa sa simula pa lang, napagkasunduan nila na sa hanggang kama lang sila.

Pero nanghihinayang si Yves, maganda ang chemistry ng katawan nila ni Laura pero, that's it, I can't give her relationship more than that.

Nag-text back si Yves ng isang salita. Okay. Bago tinago ang sariling phone.

Sumandal siya sa bintana ng taxi, nawala na ang sakit ng ulo niya. Simula ng magising siya sa aksidente, everytime she slept with a woman, his head hurts after. Tinanong niya sa doktor at ang tanging sagot nito ay 'Probably a psychological response, it's temporary, mawawala din 'yan.'

But it's been more than seven months and it's not fading away. Pakiramdam niya nangangaliwa siya, pero kanino?

Pinikit ni Yves ang mata at pinagsawalang bahala nalang. Kapag sinusubukan niyang mag-isip, lalo lang sumasakit ang ulo niya, malamang ay guni-guni niya lang ang nararamdaman.

***

Hey, my dearest krayons (readers), I'm back *confetti

Char! So ayun nga, I'm here again with my unstable updating pattern. Hopefully you guys will still support the second part of Yves and Kristal's story :)

So, ayern lang, stay safe, stay hydrated, thank you and love lots.

-krayola

Lips that LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon