Kabanata 7

69 9 7
                                    

"Mag-meet tayo bukas, Tristan. Kahit mag-isa o kahit naglalakad lang ideretso mo yung postu..."

Nagsasalita si Kristal habang naglalakad, nakasunod sa likod niya si Tristan ngunit hindi magawang makinig ng maayos, buong oras na nag-ensayo sila ng lakad niya ay sobrang kabado siya sa paraan ng pagtingin ni Kristal. Ang labas tuloy, hindi siya nakalakad ng maayos at puro simangot lang ang nakita niya dito. Alam niyang maliit na babae lang ito kumpara sakanya pero natatakot talaga siya sa presensya nito.

"Para sa costume mo, magpa-sukat ka kay Rita," hinarap ni Kristal si Tristan kaya napatigil ito ng lakad. "Nakuha mo ba yung mga sinabi ko?"

"Y-yes po, ate Kris!"

"Sige nga, anong sinabi ko?"

Walang nasagot si Tristan kaya bumuntong hininga si Kristal, kanina pa lumilipad ang utak ng kasama niya, hindi ito mapakali. Dahil nga may pagka-manhid si Kristal hindi niya naisip na natakot ito.

"Ate!"

Akmang magsasalita ulit si Kristal pero tinawag siya ni Tristan. Isusugal niya na lahat, kahit sino, wag lang si Kristal. "Ano po, hindi po ba si kuya Janus ang mag-aasikaso saakin sa ibang araw?"

"Ha?"

Inipon ni Tristan lahat ng lakas ng loob, pinikit ang mata at nagsalita. "A, ano, I mean, ano po... I like kuya Janus."

"Really?" naaliw na tanong ni Kristal.

Bigla namang natauhan si Tristan dahil mukhang iba ang pagkakaintindi ni Kristal, babawiin niya sana ngunit ng tignan niya si Kristal ay umurong ang dila niya. She's smiling for the first time today.

Hinawakan ni Kristal ang kamay ni Tristan at ibinigay ang pinakamalambing niyang ngiti. "Hindi ko alam kung straight si Janus pero tutulungan kita, akong bahala!"

Hindi niya na magawang bawiin kaya napatango nalang si Tristan habang sa loob loob niya, alam niya, I'm fucked!

**********

Sa nakalipas na tatlong araw, nakita ni Tristan na mabait naman pala si Kristal. Palibhasa ay umayos ang paraan ng pagdadala ni Tristan sa sarili dahil hindi na siya kabado kay Kristal, nagawa siya nitong puriin at asarin pa tungkol kay Janus. Sa totoo lang na s-stress si Tristan sa pang-aalaska nito pero nakikita lang iyon ni Kristal bilang pagkahiya nito.

"And, three, two, one," tumigil si Kristal sa pagbibilang at satisfied na tinignan si Tristan na katatapos lang rumampa at naka-posisyon. "You improved, ah?"

"Thank you, ate Kris."

"Dahil hindi pa nakakapagbunutan kung anong magiging costume mo, baka next week na natin 'yon aasikasuhin, punta tayong Divisoria. I'll ask Janus if he's available."

Ate Kris, please stop! Hindi ko kailangan si Kuya Janus! Gustong isigaw ni Janus ngunit nanatili siyang nakangiti.

"Pero kapag hindi, wala ka tagang pagpipilian kung hindi ako, okay?"

"Yes, ate."

"Okay, at ease," utos ni Kristal kaya tinaggal ni Tristan ang pagkaka-tindig at ngiti na akala mo modelo.

"We're done. Hindi tayo makakapagkita pa sa linggong 'to, keep practicing okay?"

"Yes, Ate Kris, thank you po!"

"Okay, go!"

Kinuha ni Janus ang mga gamit at muling nagpaalam. "Bye Ate Kris."

"Byee, ingat sa daan."

Pagkalabas ni Tristan ng organization room ay napasandal siya sa pinto, he's energy is drained! Bukod sa pag-eensayo ng ngiti niya, lakad niya, at ng Q & A nila ni Kristal ay ilang beses niya din sinubukan sabihin na nagkamali ito ng intindi pero pakiramdam niya ay babalik si Kristal sa pagiging expressionless oras na malaman nito na hindi niya naman talaga gusto si Janus.

"Tsk!" 'Yaan mo na nga!

Namomoblemang naglakad siya papuntang gate ngunit hindi kinalimutan ang mga na-practice nila ni Kristal.

*********

Biyernes at may meeting ulit sina Kristal para sa play. Abala ang lahat sa kanya-kanyang naatas na trabaho. Nag-eensayo ng linya ang mga actors at actresses habang minamanduhan ni Kristal at Markus paminsan minsan, inaaral ng mga dancers ang steps na nai- record, at gumgawa ng props ang karamihan.

Kahit papaano ay ayos naman si Kristal sa presenya ni Yves, isa pa si Markus ang madalas na kumakausap dito.

"Guys, break time tayo," sabi ni Kristal ng mapansin na alas-tres na at baka may gustong mag-meryenda.

Tumigil naman ang karamihan sa ginagawa nila, umunat ang iba tapos humiga sa lapag habang iba ay nag-paalam kay Kristal na bibili lang ng mangangata, tinanguan lang sila ni Kristal.

"Tanya, may G-cash ba kayo?" tanong ni Kristal sa kambal na katabi niya lang.

"Pinapatanong ni Miss Montecillo."

"Ako Kris, meron," sagot ni Trina at pinakita ang number.

"Okay, sabi ni Miss diyan niya i-se-send yung bayad."

"Okay, thanks!"

"Tsk, ano ba 'yan?!"

"Bakit may problema?" tanong ni Kristal sa biglang pagrereklamo ni Markus na isang upuan lang ang layo sakanya.

"Yung groom ng gig ko sa kasal, biglang nag-request ng additional na kanta."

"Tapos bukas na yung kasal, tsk! Wala akong practice."

"Mark, may gitara back stage, bakit hindi ka dito mag-practice?" suggestion ni Tanya.

"Talaga?"

"Yep, pwede hiramin."

"Okay, wait," sabi nito at tumayo, pumuntang backstage at pagbalik ay may dala ng gitara. Umupo siya ulit sa tabi ni Kristal.

"Anong tutugtugin mo, Mark?" excited na tanong ni Tanya.

"Um," tumingin siya muli sa phone. "Your man."

"Yiee! Ang sexy naman ng kanta," sabi ni Trina.

"Okay, wait, tignan ko lang yung chords," hinanap nito sa internet ang chords pagkatapos ng ilang minuto ay, "Game!"

Nag-simula itong mag-strum at kumanta. 

Natahimik ang buong auditorium, ang kaninang nagdadaldalan at phone ang pinagkaabalahan ay napatingin kay Markus. 

Markus voice is resonating through the whole place. Ang lalim sa parehas na paraan, ang lambing. Si Yves na nasa pangatlong row na nakaupo ay nakatingin sa phone pero nakikinig.

Inangat ni Yves ang tingin sa harap niya, nakatingin si Markus kay Kristal.

Napamaang si Yves, tuloy ang pagkanta ni Markus, pero may isang bagay na napansin si Yves. The way he looks at her... Does Markus like Kristal? Sa hindi malamang dahilan, nairita siya. Does this mean that Alexander and Kristal are really just friends?

Napabalik si Yves sa kasalukuyan ng magpalakpakan ang nas aloob ng auditorium dahil tapos na kumanta si Markus. Bumalik ang lahat sa kanya-kanyang daldalan at kwentuhan. Pagkalipas pa ng kalahating oras ay nagsibalikan ang lahat sa mga trabaho.

Nagsimula ulit mag-practice si Yves nguit hindi niya maiwasan ang pasulyap-sulyap kay Kristal. Kausap nito si Janus habang nakangiti. Naalala niya ang araw na binalik niya ang I.d. ni Kristal, napaisip siya sandali sa sarili. Una si Alexander, tapos si Markus, ngayon si Janus, Bakit parang lahat sila kilala si Kristal? At hindi lang kilala, mukhang close pa! What the hell is happening?


***

Kindly listen to Your Man while reading this, hindi ko nilagay yung lyrics dahil sa copyright issues (yes, I read it just recently, na bawal pala 'yon, HAHAHAHAHAHHAHAHA. I'll probably edit Lips Don't Lie too). 

So, sorry at ngayon lang ako nag-update. It's because I'm having a writers block at hindi ko talaga 'to madugtungan. Alam ko naman kung anong mangyayari peroooo! Hindi ko magawa! Sorry!

Sad news, I might put this on hold. I deeply apologize. I'll still try to update but don't have expectations. 

Let's see each other when we can. I'm sorry once again and thank you for the support. 

-Krayola


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lips that LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon