Kabanata 5

39 6 0
                                    

Bago mag-simula ang prelims ay sinigurado ni Miss Montecillo na magkikita ni Markus at Kristal ang klase niya na papalit sa staff at ibang cast.

Bukod sa main cast at kay Janus, inalok din ni Kristal si Milo para maging photographer ulit nila, pumayag ito. Pero sa ngayon si Kristal pa lang ang nasa loob ng auditorium. Hindi niya na inimbita ang iba dahil ipapakilala palang naman ni Miss Montecillo ang mga dapat kilalanin.

Naka-earphones at nakatulala sa siya sa stage nang may humila ng earphone niya ay tiningala niya ito. Nasa likod niya walang iba kung hindi si Markus.

"Nakatulala ka nanaman."

"Kanina pa kayo?"

"Ngayon lang, andito na yung mga student ni Miss. Papakilala niya daw tayo, may sinagot lang na tawag."

Tumayo si Kristal at hinarap ang mga hindi kilalang mukha, mga nasa dalawampu't lima ang mga ito. Lumipas ang ilang minuto ay nakita niya si Miss Montecillo pumasok ng pinto at naglakad papalapit sakanila.

"Good afternoon, miss," bati ni Kristal.

"Yeah, goodafternoon, sorry for the delay."

"You guys, sit," utos niya kaya umupo si Kristal at Markus sa unahan, habang sa likod naman ang mga estudyante ni Miss Montecillo.

Tumikhim ito ng makahanap ng upuan ang lahat. "So, Kris, Mark, these students are BS Tourism. Can you please introduce yourself?"

Tumayo si Markus, hinarap ang mga freshmen, ngumiti at masiglang nagpakilala. "So, hello, I'm Markus Fuentes, musical director, you can call me Kuya Mark."

Nginitian din ng mga freshemen si Markus, pakiramdam nila ay napaka-palakaibigan nito. Pagkatapos ni Markus ay tumayo si Kristal.

"Kristal Panghilinan, writer and director, you can call me Kris, or direk."

Ang kaninang ginanahang mga estudyante ay natahimik, hindi naman malamig ang boses ni Kristal, pero wala siyang tono at ekspresyon sa pagsasalita. That's why instead of cold, the word dangerous would describe her more. Kapag hindi mo siya kilala, hindi ka maglalakas loob na banggain siya sa hallway kahit hindi sinsadya.

"Kris, smile!" sita sakanya ni Markus, kaya pilit namang ngumiti si Kristal sakanila.

Nang makita ni Miss Montecillo na naiilang na si Kristal ay nagsalita siya. "Okay, that's it for our directors, you'll meet the main cast next time and also some of people behind the Pandora's Identity."

"Since they introduced themselves, it's your turn guys, tell them your name and what's your given role," bumaling siya kay Kristal at Markus. "I already decided their task, para hindi na kayo mahirapan."

Tumango si Kristal at Markus, nagsimula naman magpakilala ang mga estudyanteng dinala ni Miss Montecillo. Lumipas ang tatlumpong minuto at natapos sila.

"Kris, I give you the stage, discuss them if you have plans already."

"Thank you, miss."

Tumayo si Kristal at hinarap sila. "Okay, so... since prelim will come and after that is foundation week."

The top one crowded course in Emerald University is Tourism. Kapag may mga contest at foundation week, sila ang pinaka-maingay at sila din ang pinaka-konti ang ginagawa dahil nahahati ang responsibilidad. But to make sure, Kristal still asked.

"Do you guys have free time at that week?"

"Um, maluwag naman po schedule namin," kiming sagot ng isa.

"Okay, pagkatapos ng prelim mag-poll tayo para sa schedule, dadalhin ko na din yung iba para ma-familiarize kayo."

"Tapos..."

Lips that LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon