Kabanata 2

50 4 1
                                    

It's been three days since Yves said he'll be the one to give the ID back but wasn't able to meet this Kristal Panghilinan. Strange enough, wala silang klase na sabay, samantalang sa pagkakaalala ni Yves, dalawang klase lang ang buong psychology major ng year nila.

Hindi din naman ganoon kalaki ang eskwelahan pero sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, maski anino nito hindi niya mamataan.

"Alex, sure ka tao si Kristal Panghilinan?"

Napatigil si Alexander sa pag-inom mula sa sariling tubigan. Break time nila mula sa training. "A-anong kalaseng tanong ba 'yan, Dos? Malamang tao si Kris!"

Kris? Nickname basis sila? Ganoon ba sila ka-close? "I mean, I haven't seen her once even by chance. Para siyang multo."

"And looking back, hindi siya bumisita kahit isang beses nung naaksidente ako."

Palibhasa ng mga panahon na na-ospital si Yves, bukod sa barkada at teammates, lahat ng ka-year niya na psychology major ay bumisita, nagulat siya nung umpisa ngunit nang naikwento nito na naging close sila dahil sa play. Kahit hindi matandaan, nasiyahan naman si Yves sa concern na mga ito. Actually Yves have gap in his memory because of the accident, he can't remember the sophomore year second semester as well as the accident.

Nang tinanong niya ang ina kung sinong may kasalanan, naalala niya ang usap nilang magnanay. "Yves, that girl, nagsisisi siya ng sobra. Paulit-ulit siyang humingi ng tawad. I hope you don't get mad at her too much."

"Then where is she? 'Di ba dapat saakin siya humingi ng tawad? Bakit sayo?"

"Yves... she, she's too scared to even approach you, but she was here every day you were in coma. Don't, don't be too hard on her."

Pinakiramdan ni Yves ang ina, he can't see her expression right now but he did not sneeze, which means she's telling the truth. Pero hindi ibig sabihin hindi na siya magagalit.

"She made someone injured, 'ma! Tapos sinasabi mo saakin don't be too hard on her?"

"It's an accident, Yves."

"Kung may nasaktan siya, dapat matuto siyang humingi ng tawad sa mismong tao! How does she think I feel? I'm not a saint, 'ma!"

"Sa totoo lang ang sama sama ng loob dahil hindi ako nakapaglaro sa finals."

Yves only passion is basketball. Kahit na kaliwa't kanan ang babae niya, kailanman hindi siya nag-mintis ng practice. Kahit patong patong ang school works, dapat nakapag-training padin siya. Higit sa kahit ano, simula ng makahawak si Yves ng bola noong grade 9 siya, basketball became his driving force in life. Also, if he remembers it right, before the end of first semester, their coach said that someone from the PBA is supposed to make an appearance on their finals and recruit. Pero nawala yung pagkakataon niya dahil sa aksidente.

"She got no cons-"

"Yves!" galit na sigaw ni Mary Ann kaya napatikom ang bibig ni Yves.

"Nakokonsensya siya! Saka isa pa Yves, seeing how you act right now. I know you won't forgive her even if she kneel. Aksidente 'to, walang may gusto, at ang gusto mo ay may sisihin! Gusto mo ipamukha sakanya na kasalanan niya!"

"Alam ko galit ka. But you don't need to do that. Ang sabi saakin ng batang iyon, wala siyang karapatang humingi ng tawad sayo dahil kasalanan niya! Inako niya ng buong buo yung paninisi mo. Hindi mo kailangang ipaalala."

Narinig ni Yves ang pagbukas at sara ng pinto. Hanggang sa huli hindi nagpakilala ang taong dahilan ng aksidente niya.

Hindi na pinilit ni Yves, isa pa nawala na sa isip niya ng maging ayos ang lagay niya. Although he didn't recovered some of his memory, he doesn't mind. He's sure he forgot about it because it is not important in the first place.

Lips that LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon