Kabanata 1

57 6 2
                                    

Nakatulala si Kristal sa kawalan habang nakaupo sa isang 7/11 malapit sa eskwelahan niya. Tanghaling tapat na ngunit ang utak niya ay nasa alapaap.

"O!" nilapag ni Markus ang isang chuckie sa harap ni Kristal pagkatapos ay umupo sa harap nito.

Wala sa sariling tinusok ni Kristal ang straw at humigop, pakiramdam niya ay nabuhay siya pero ang sakit padin ng ulo niya. "Walangya talaga 'yang kapatid mo."

Napatawa nalang si Markus, sinong mag-aakala na sa lahat ng nangyari, magkakasundo ang sina Star, Maria, Kristal at ang kapatid niya. Pitong buwan na ang lumipas, pagkatapos sa istasyon ng pulis, hindi nag-sampa ng kaso si Star sa kapalit na kailangan ni Mikael magpa-therapy. Nalaman ng magulang nila ngunit mas malala padin ang may record sa kulungan ang anak nila kesa sa ospital. Kaya hindi na sila umalma, laking pasasalamat ni Markus kay Star, ginawa nito ang hindi niya nagawa.

Pagkatapos noon, imbes na magalit ay sinamahan pa nila si Mikael sa psychiatrist nito para masiguradong um-a-attend ito, noong una si Star lang, hanggang sumama si Maria dahil sa selos, at dinamay na din nila si Kristal, dahil gustong makilala si Mikael. Nagulat si Markus ng magkasundo ang apat, doon niya nalaman na may 'history' sila Kristal na pagiging basag-ulo.

Kahit papaano ay umayos si Mikael sa nagdaang pitong buwan, tinawagan ang mga dating kaibigan, sinubukang makipag-ayos sakanila. Kahit na gago padin ay bumalik ito sa pag-aaral. Kasalukuyang freshmen sa kalapit na eskwelahan ng Emerald University, ang Sapphire Colleges na karamihan ay mga business course. Isa sa dahilan kung bakit lalong napalapit ito kina Star at Maria, pero sobra kay Kristal. Daig pa ng dalawa ang magkapatid.

Para naman kay Markus, tinuloy niya ang pagugtog. Lumipat siya sa eskwelahan na kalapit lang din ng Emerald University, ang Ruby Academy, specialized para sa mga taong gusto pumasok sa industriya ng entertainment, pag-pinta, pag-sulat at syempre, mass communication. Junior year siya pero irregular.

Dahil magkakalapit ang eskwelahan at kaya ng walking distance, madalas ganito ang senaryo, may hang-over si Kristal, dahil inaya ng kapatid niya at siya naman itong bibilhan ito ng chuckie o kaya kahit anong chocolate para mawala ang hangover.

"Bakit ka ba kasi nagpapauto doon sa isang 'yon?"

"Kasi pikon ako, okay?"

"Ang lakas mang-alaska ng kapatid mo, buti pa ikaw mabait."

Napatawa nalang si Markus at ininom ang juice. Madalas kasama din si Star at Maria pero hindi naman nagkaka-hangover ang mga ito dahil hindi nagpapatukso kay Mikael. Kung meron mang mapipikon sakanila, si Mikael iyon, dahil sa paghaharutan ng dalawa sa harap niya at maala nito si Stella. Isang beses na sumama si Markus sa gala nung apat, napakagulo at kalat, animo'y baby sitter siya nung apat. Hindi na siya uulit.

Inubos ni Kristal ang laman ng chukie at tumingin kay Markus. "Oo nga pala, hindi ko pa nasabi, congratulations sa banda mo."

"Ikaw dapat itong nagpakasaya kahapon pero kami ni Kael ang nag-enjoy. Saka, nagsabi din si Ria at Star ng sorry, a-attend daw sila next time."

Bukod sa nagpaalam na si Yves, maski si Janus at Alexander ay pumunta para sumaglit at suportahan si Markus, pero umalis din dahil may kanya kanyang lakad. Pero si Maria at Star ay hindi talaga nakapunta dahil kasalukuyang presidente at bise-presidente ng organization ng psychology yung dalawa, sobrang abala sa mga activities na mangyayari, lalo't nalalapit nanaman ng foundation week. May posisyon din si Kristal dahil nahugot ng dalawa pero mababa lang. Sa huli, naging bantay si Markus ng kapatid niya at ni Kristal.

"Sus, Kris ang aga ng congratulations mo. Saka, ayos lang na hindi nakarating yung dalawa, hindi pa namin kanta 'yon, malayo pa ako. Parang gig lang din sa mga pinag-part-time-an ko."

Lips that LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon