Nagulat si Yves ng ipatapos ni Alexander ang free-play ng mga nag try-outs at ipinaasikaso sakanya ang contact information ng mga ito ngunit ng makita niya ang mga taong linapitan nito ay nawala ang pagtataka niya. It's Janus and...
Isn't that the little sister? Kristal Panghilinan?
Hindi niya ito nakita kahit anong hanap niya ngunit mukhang hindi naman iyon kailangan dahil mukhang ito ang lalapit sakanya. Kahit na inaasikaso ang mga nag try-outs, paulit ulit niyang sinusulyapan ang tatlo. So, hindi lang si Alex ang may kilala kay Kristal panghilinan na 'to, pati si Janus?
"Kuya, kailan po kayo tatawag?" tanong ng isa sa nag try-outs.
"As soon as possible, don't worry."
"Okay po, thank you."
"Can I talk to you?"
Dahil sinagot ang tanong ng isa sa nag try-outs hindi namalayan ni Yves na nakalapit si Kristal sa harap niya. Tiningala niya ito. Kanina sa malayo ang lakas ng presensya nito at ngayon mas malapit ito, mas malinaw ang bininigay nitong hangin, may pagkamayabang ngunit kalmado, she seems like a tourblemaker... ganito na ba type ni Alex?
"Wait, tapusin ko lang 'to," as much as Yves want to know her, he can't leave what he was doing.
"Ako na diyan Dos, talk to her," sabi ni Alexander na sumulpot sa likod ni Kristal.
Gumilid si Kristal para makapag-usap sila ni Yves. Tumayo naman si Yves para sundan siya, makahulugan siyang tinignan ni Janus na tinaguan niya lang dahil akala niya ay binati siya nito.
"Hi?" bati niya ng makalapit kay Kristal.
"I'll get straight to the point-
"Wait, you are?" tanong ni Yves, alam niya na ang pangalan nito ngunit hindi pa ito nagpakilala sakanya.
"Kristal... Kristal Panghilinan, you can call me Kris."
"Kristal? Nice to meet you," satisfied na sabi ni Yves. "I'm Yves Mercado, you can call me Dos."
"Anyway do we know each other before, you seem familiar? You see, I kind of have a gap in my memory."
"Director ako ng play last year kaya siguro familiar."
"Achoo!"
"Okay, going back, last year nag-participate ka sa play, 'di ba?"
"Gusto sana ni Miss Montecillo na kuhain ka ulit bilang male lead, walang grades pero ayon sakanya kinausap niya yung chairman natin at kapag nag-participate ka, hindi mo na kailangan gawin yung OJT ng educational settings."
Nagpapaliwanag si Kristal ngunit ang utak ni Yves ay nasa huling bahing niya, why did I sneeze? Is she lying?
"Tingin mo ba kaya mo?" tanong ni Kristal ng matapos magpaliwanag.
"Um, are you sure director ka?"
"Yeah, bakit?"
Inabangan ni Yves ang bahing ngunit hind iyon nangyari. She's not lying?! Dahil hindi nag salita ay tinawag siya ni Kristal. "Dos?"
"Achoo!" napamaang si Yves, did I catch a cold? Pinunasan niya ang ilong, "sorry."
"Ayos lang, so kaya ba?"
"Yeah, sure, I think? Basta hindi sasabay sa training ko, tingin ko kaya pwede naman."
"Okay, sabihan mo lang ako ng schedule mo ng training tapos, I'll try to adjust it accordingly..."
"Thank you, Dos."
"Achoo!" napatigil si Yves. Tinignan niya si Kristal, dama niya na may sinseridad nito sa pagpapasalamat pero, sandali, sinisipon ako?
BINABASA MO ANG
Lips that Lie
RomanceIt seems like balik tayo sa simula. Hindi kilala ni Yves si Kristal, pero hanggang saan ba makakarating ang pagpapanggap lalo na at may kakayahan si Yves nalaman kung nagsisinungaling ka. Makakaya bang alalhanin ng puso ang nakalimutan ng utak lalo...