Lunch break ni Kristal at vacant niya ng tatlong oras bago ang huling subject. Nandito siya sa 7/11 na madalas nilang tambayan. Nakayuko sa assignment na kanina lang binigay, tinatapos niya na para wala siyang gawain mamaya.
"Ang daming ginagawa, ah?"
Inagat ni Kristal ang tingin, sinalubong siya ng dalawang lalaki na may parehas na mukha at may dalang pagkain. Umupo ang dalawa sa harap niya.
"Kumain ka na?" tanong ni Markus. Umiling siya.
"Saan si Star at Maria?" tanong ni Mikael.
"Tinawagan na sila noong sinendan nila ng proposal para maging sponsor para sa pageant sa foundation week, kaya ayon, inasikaso nila."
"Anyway, sabay ata kayong dalawa?"
Madalas nauuna si Mikael ng dating dahil maaga ang lunch break nito. Si Markus ang sumagot dahil puno ang bibig ni Mikael. "Well, kinausap ako ni Miss Montecillo..."
Napatigil si Kristal na babalik sana sa ginagawa, tinignan siyan maigi ni Markus. "Ayos ka lang?"
"Teka bakit anong meron?" singit ni Mikael hindi pa man nasasagot ni Star si Markus.
"Kumain ka nalang diyan," sabi ni Markus sa kapatid. Inismidan naman siya ni Mikael.
Tinignan ulit ni Markus su Kristal at inintay ang sagot nito. Nginitian lang siya ni Kristal at tumango pero hindi kumbinsido si Markus kaya't tinitigan niya lang ng mata sa mata si Kristal.
Alam nilang magkakaibigan na sinisisi ni Kristal ang sarili kung bakit nasaktan ang taong mahal. Kahit sabihin ng lahat na wala siyang kasalanan, hindi niya matanggal ang pagkakonsenya.
Based on the records he the truck driver should be the one entirely responsible, reckless and drunk driving, if Kristal was not fast enough to steer her wheels, she and Yves could have died. Pero patay na ang driver, wala silang mapagbalingan ng may kasalanan, walang umako ng responsibilidad kaya sa huli si Kristal ang sumalo. Mikael tried to take the blame but Kristal did not let him, Kung hindi ako nagmagaling na sundan si Star, hindi iyon mangyayari; kung hindi ako sumunod kay Star, hindi kami maaksidente; she rationalized it in a way that its her fault no matter what.
Idagdag pa na nakalimutan ni Yves si Kristal, sa lahat ng pwedeng makalimutan siya ang hindi naalala. In Kristal's opinion, it's like the heavens are saying that it is her punishment for hurting the person she should have loved. Kaya tinaggap niya lahat, ang pagkalimot at pagninisi ni Yves, inako niya ng buong buo.
Now they're here, Kristal is the only one hurting and suffering. How convenient for Dos to forget everything, naisip nalang ni Markus, sa totoo lang siya ang higit na naiinis sa sitwasyon. Ang nakangiti, ang lutang na itsura, kapag seryoso, kapag nagsusungit, kapag nang-aasar at maski mga panahon na umiiyak ito, walang oras na hindi niya ito nakita na hindi ito maganda, at kahit anong pigil niya hindi niya magawang itigil ang pagkahulog dito. Ngayon ang makita ang babae na gusto niyang pagbigyan ng mundo niya na nahihirapan at wala siyang magawa... nakaka-gago.
Hindi umamin si Markus o ano man dahil ayaw niyang dagdagan ng isipin si Kristal pero tang-ina, kung siya lang... kung ako lang, gagawin ko lahat sumaya lang si Kris. Pero alam niya naman na hindi siya ang hanap nito.
"Daddy, I'm fine," pilyang sabi ni Kristal dahil ayaw siyang tantanan ng tingin ni Markus.
Bumalik si Markus sa kasalukuyan at sumimangot, kung hindi stupid, daddy ang tawag sakanya ni Kristal. "Stop that, Kris, seryoso ako."
"Seryoso din ako, ayos lang ako."
Mukha namang hindi nagsisinungaling si Kristal kaya't napabuntong hininga nalang si Markus. "Okay, kapag hindi ka ayos, sabihan mo ako."
BINABASA MO ANG
Lips that Lie
RomanceIt seems like balik tayo sa simula. Hindi kilala ni Yves si Kristal, pero hanggang saan ba makakarating ang pagpapanggap lalo na at may kakayahan si Yves nalaman kung nagsisinungaling ka. Makakaya bang alalhanin ng puso ang nakalimutan ng utak lalo...