Ring. Ring. Ring.
"O, Janus, saan ka na?" tanong ni Kristal mula sa kabilang linya pagkasagot na pagkasagot ng tawag. "Busy ka sa council, hindi ka na makakarating?"
"Hoy, Kris! Bago 'yang play na 'yan, parang may nakalimutan ka?"
"Ha? Ano?"
Napasimagot si Janus, "Si Tristan! Saakin pa lumapit yung representative sa Mr. ambassador kasi daw hindi ka niya mahanap pero sinabihan mo daw siya na magkikita kayo!"
Natahimik ang linya ni Kristal bago magmura. "Shit, oo nga, sinabihan ko pala siya, teka, kasama mo ba?"
"Oo."
"Okay, sige, ganito nalang Janus, ikaw muna mag direct dito sakanila, i-orient mo lalo na si... si Yves, kasi baka hirap siya, ayos lang ba?"
"Oo na, dalhin ko ba sa audi 'tong isa?"
"Sige, sige. Thank you."
Binaba ni Janus ang tawag at tinignan si Tristan na kulang nalang ay isiksik ang sarili sa pader para hindi maka-agaw ng atensyon. Kulkubado nanaman ito.
"Hoy, stand-up straight!" sabi niya at hinagod ang likod nito, akala mo naman ay nakiliti ay dumiretso ng tayo si Tristan.
"Ganyan ang pagtayo. Anyways, we're going to the auditorium."
"T-teka lang po, kay ate Kris po ba?"
"Oo, 'di ba hinahanap mo siya saakin? Let's go."
Akmang lalakad si Janus papuntang auditorium katulad ng una niyang plano bago makasalubong si Tristan. Pero naramdaman niya ang paghawak ni Tristan sa manggas ng polo niya.
Nilingon niya ito. "Bakit?"
"Ano po, amh, pwede po ba kayo nalang mag-train saakin? Natatakot po ako kay ate Kris," paliit ng paliit ang boses nito pero nadinig siyang sapat ni Janus.
Tumikhim si Janus, pinipigilan niya ang tawa. Matangkad si Tristan sakanya at malaman din ang katawan pero nasindak ito ni Kristal na 153 cm lang ang taas. Kris, iba ka talaga. Pero sabagay, mas unapproachable ang itsura nito ngayon kesa noon.
"Ermh!" umubo ubo si Janus bago nagsalita ng marahan akala mo nakikipag-usap sa bata. "Ano, um- mukha lang masungit si Kris, but I swear, she's kind!"
"Ganito, kung natatakot ka pa din sakanya pagkatapos ng ilang session, papalitan ko siya o kaya sasamahan ko kayo sa training, hmm?"
"Pangako po?"
Gustong humalakhak ni Janus pero pinigilan niya, for a guy so big he's a baby. "Yeah, pangako."
Sa wakas, binitawan ni Tristan ang pagkakahawak sa manggas ni Janus. To be honest, he is not convinced but he'll trust Janus for now.
***********
Nang dumating si Yves sa auditorium, una siyang binati nila Janus at Markus, na sinundan nila Trina, Tanya at Milo. Binati din siya ng mga tourism. This is the second schedule of practice but this is the first time Yves met them. Hindi kasi siya nakadalo sa una.
Madali naman siyang nakihalubilo sa iba, pero nagtataka siya bakit si Janus ang nag-che-check ng progress ng bawat grupo. Where's Kristal? 'Di ba siya ang direktor?
"Okay if we're done, dancers, balik sa practice."
"Milo, cooperate with others with the editing team, magplano na kayo ng tentative poster."
"Then, actors and actresses na in-assigned ni Miss Montecillo, wala pa tayong gaganap sa mga supporting roles so, warm-up your lines for 10 minutes, then audition, tingnan lang natin ang talent niyo sa acting."
BINABASA MO ANG
Lips that Lie
RomanceIt seems like balik tayo sa simula. Hindi kilala ni Yves si Kristal, pero hanggang saan ba makakarating ang pagpapanggap lalo na at may kakayahan si Yves nalaman kung nagsisinungaling ka. Makakaya bang alalhanin ng puso ang nakalimutan ng utak lalo...