******
“Hi daryl hehehe!!”
“Hello mari.” nakangiting tugon ko dito.
First time I saw her alam kunang multo sya. Nong nakita ko syang bumama galing sa kwarto ni Brix ang ganda nya nong time na‘yon tapus nakangiti pasya.
“Teka? Ano ba sabi ni Brix papasok ba sya?” putol ni Xaijohn sa katahimikan.
“Sa school nalang daw sya hintayin.” sagot ni kenno na nakatingin din kay Maria.
Hindi nalang ako kumibo at pina andar ang sasakyan paalis..Van naman to kaya kasya kaming labing isa.. Mas masaya daw kasi pag iisang sasakyan ang ginamit.
Patuloy lang akong nagmamaniho at walang kibo na hinahayaan silang mag usap usap don sa likod ko.
“Bukod ba kay Reewiz ,Maria wala kana talagang minahal?”
Napatingin ako sa salamin para makita ko sila sa likod. Ano naman kaya naisipan ni kenno at natanong nya ‘yon.
“Oo nga maria, wala kana talagang minahal bukod kay Reewiz?”
Pangalawang tanong ni Chester dito.
“Umm wala na. Hehehe!” nakangiting sagot nito.
“Oy anong meron don?" Turo ni Shan sa Unahan nang Van kaya sabay sabay kaming napatingin don kaya naman naihinto ko ang sasakyan.
At sabay sabay kaming lumabas
“Ba’t ang daming tao? Ano ba meron dito?” tanong Ni tristan.
“Aba malay kita mongang kakarating lang natin eh tapus samin kapa mag tatanong?” pambabara ni Sean dito.
Hutanginnaaa HAHAHAHA ba’t parang mag aaway na naman tong dalawang to.
“Kayo ba tinatanong ko?”
“Ba’t samin ka nakatingin?”
“Kasalanan ba nang mata ko na sa inyo nakatingin?”
“Nag aaway ba kayo?” seryusong tanong ni maria don sa dalawa.
“OO.”
“Inaaway nyo ‘ko huhuhu!”
“Hindi pala.Sorry na maria Nagjojoke lang naman kami eh. Diba Sean?”
“Hindi inaaway mo‘ko.” pagtatampu ni Sean.
Kami lang ba‘yong papunta sa school na mas inuna pa ang pakikigchismissan kaysa dumiritsu na?
“Sir ano po bang mero dyan?” tanong ni clenthon don sa isang pulis na nakatayu sa may gilid namin.
“May nag aaway sa taas nang building di naman kami makapasok baka patayin nya eh.”
Sagot nong pulis habang di manlang nakatingin samin.
“Talaga? Mag asawa po ba nag aaway sir?” kunot noong tanong ni Lester dito
“Hindi mag jowa daw.”
“Matanda na po ba mga nag aaway sir?” tanong ni shan dito.
“Teka nga ! Anong ginagawa nyo dito wala ba kayong pasok at saka bakit ang dami nyong tanong? Mga future reporter ba kayo?”
Tanong nong pulis sabay harap samin. Kami na yata yong pinakachismoso na mga tao sa balat nang lupa.
“Mahal po ba ang sweldo sa pagiging reporter sir? Mga magkano po?”
“Oo naman , I think mga nasa 30k ang sahod bakit mag aaply kaba?”
Umayos nang tayu yong pulis saka binaba yong baril na hawak nya at humarap kay Sean. Parang may balak pa yatang makikipagnegosyo tong pulis na‘to ah.
YOU ARE READING
EXO UNIVERSITY SERIES #01 :The Ghost From 1985 : [COMPLETE]
Misterio / Suspenso-Isang Dalagang babae ang hindi malaman kung ano ang kinamatay nong taong 1985 na mapupunta sa taong 2020.