“Teka?San tayu pupunuta? Uuwi naba tayu?”
“Malay ko sa inyo! Basta ako gusto kung mapag isa.”
“Punta nalang tayong school mag lulunch na din eh. Mas magandang magandang tumambay don.”
I said habang nakasunod sila sa likuran ko.
*****
√Luke Point of View √
“Are you ok?”
Nasa likod ako nang campus sinundan ko si maria dito. Alam ko naman kasing dito sya tatambay sabi nya kasi mas maganda daw ang hangin dito.
“Uhmm hehehe.. Ayos naman ako.”
Napatitig ako sa mga mata nya, at kita ko kung gaano ito nasasaktan. Kita ko sa mga mata nya ang luhang gusto nya nang pakawalan pero bakit ayaw nyang umiyak?
“Pagod na akong umiyak Luke, simula ng buhay pa ako. Puro iyak nalang ginagawa ko kaya naman kahit gusto kunang umiyak wala nang luha ang bumabagsakt kasi sanay na ang mga mata ko at sana‘y nadin ang pusko.”
Lumapit ako sa kanya saka hinipo ang buhok nya.“Pasensya na di kita naipagtanggol.”
“Ayos na ako. Pero alam mo ba nong nagpaiwan ako don sa ospital? Nadinig ko na kasinungalingan lang ang lahat. Na hindi naman pala totoong may sakit si Kim. Nakakainis nga eh kasi ayaw maniwala ni brix sa‘kin. Gusto ko syang pigilan kasi ayukong maloko ulit sya pero nagpaloko at nagpadala ulit sya. Ganon ba talaga kayo luke pag alam nyong multo ang nagsasabi nang totoo hindi paniniwalaan.”
“Ma—maria?”
Halos maikuyom ko ang kamao ko dahil sa galit kaya naman pala. Damn it bro!
“Baka ito ang huling pag uusap natin luke kapag—kapag lumipas ang isang araw na hindi pa ako nagpapakita sa inyo ibig sabihin lang non. Wala na ako at ang saya ko kasi nakilala kayo!”
Hindi ko alam pero sobrang lungkot ng nararamdaman ko. Sobrang sakit kaya naman nagawa ko syang hilahin at yakapin.
“Bakit kaso hindi ako ang minahal mo? Bakit hindi nalang ako maria? Andito naman ako? Andito ako para mahalin ka? Para alagaan ka kahit ganyan ka? Pero bakit sya? Bakit sya pa?”
“Hindi naman pinipilit ang puso luke nagkukusa lang. At nag kusa ang puso ko na mahalin ang kaibigan mo lahit na alam kung balang araw masasaktan ako at iiwan ko kayo. Ganyan naman talaga mag mahal diba? Kailangan mong masaktan para tumatag ka. Para malaman mong hindi lahat nang oras na aayon sa‘yu ang panahon. Hindi ka namang mahirap mahalin eh.”
Nanatili akong nakayakap sa kanya. At ramdam kung may kung anong basa ang tumutulo sa mata ko. Umiiyak ba ako?
“Umiiyak kaba?”
Napahiwalay ako nang yakap sa kanya saka nakipagtitigan. Ngumiti naman ito at maiging pinunasan ang luha ko.
“Wag kanang umiyak, pero kung mabubuhay man ako at magkita tayu ulit, ikaw na ang mamahalin ko. Ikaw na ang pipiliin ko.”
YOU ARE READING
EXO UNIVERSITY SERIES #01 :The Ghost From 1985 : [COMPLETE]
Mystery / Thriller-Isang Dalagang babae ang hindi malaman kung ano ang kinamatay nong taong 1985 na mapupunta sa taong 2020.