Chapter 22: Yong tropa mong walang kwenta kausap

111 12 0
                                    

“Pano na‘yan les? Pano ka hihingi nang sorry don sa babae?”

“Nakakain ba ang sorry para hingin ko?”

“What I mean Is? Kailan ka mo sya bibigyan ulit nang sorry?”

“Bakit? Nanghihingi ba sya nang sorry ko?”

Alangya! Ano naman kayang nakain nito at walang kwenta kausap.

“Oy laru nalang tayu habang papunta sa school?”

Biglang saad ni Tristan na sinang—ayunan naman namin. Nakakabuang na kasing kausap tong lalaking to eh.

“Ok What "S" (Sampaguita) is the national flower of the Philippines?

“ Sunflower?” biglang pagsagot ni  kenno dahil para mapangiti kami. Madali lang naman pala eh.

“Hindi. Binebenta ito sa kalye.”

Iling —iling na sabi ni tristan kaya napakunot noo naman ako.

“Stork?” sagot ni  Xaijohn.

“Hindi. Bulaklak sabi eh.”


“Sitsarong bulaklak?” sabi ko.

“Hindi pa rin. It ends with a letter "A".”

“Sitsarong bulaklak na may suka?”

Hindi ko alam kung matatawa ako o ano? HAHAHAA akala ko madali lang. Akala lang pala—

“ Oh, para madali, uulitin ko ang clues at dadagdagan ko pa! Anong pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa "S", nagtatapos sa letrang "A", at kapangalan ng isang sikat na singer?”


“Si...Sharon Cuneta!”

Biglang  sabat ni kenno na kinatahimik namin.

“Ang corny naman nang pasagutan mo dre,  ito nalang What is INNER ROW?”

Nakangiting tanong ni  Daryl samin habang nag dadrive nang sasakyan.

“Inner Row is that which comes before Pibrerow, Marsow, Abril, Mayow...”

Sagot ni Lester.

“Ang O.A naman ,  ito may sasabihin ako sa inyo matagal kunang gustong sabihin to eh. Kaya lang ayaw nyo kung pakinggan”

“Ayusin mo sasabihin mo Sean ah. Pag ‘yan walang kwenta mapapatay kita makikita mo.”

Pagbabanta ko dito saka umayos nang upo.

“Kahapon kasi lumabas ako nang campus tapus biglang hindi na ako pinapasok nong guard na kalbo kaya nakiusap ako don sa guard na may buhok sa sobrang inis ko dahil ayaw talaga ako papasukin inaway ko.”

“Yong guard na may buhok?”

Tanong ni chester.

“Hindi yong walang buhok,  tapus nagalit din sa‘kin.”

“yong walang buhok?” seryusong tanong ni xaijohn dito.

“Hindi ‘yong may buhok. Kaya naman nakipagtalo ulit ako.”

“Don sa may buhok?” kunot noong tanong ni shan

“Hindi don sa walang buhok,  tapus nang papasok na ako bigla akong tinulak palabas ulit.”



“Nong walang buhok?” sambit ni lester


“Hindi nong may buhok,  kaya naman pinapili ko ito kung papasukin ba ako o masisisante sya.”


EXO UNIVERSITY SERIES #01  :The Ghost From 1985 : [COMPLETE]Where stories live. Discover now