Talaga bang nagbubulungan sila sa malapit sa‘kin? Hindi ba nila alam na nadidinig ko bawat sinasabi nila?
“Excuse me? Andyan ba si Tristan?”
Naidilat ko ang mata ko nang madinig kung may humahanap sa pangalan ko este sa‘kin pala.
“ Sino ‘yan?”
“ba’t napadpad ‘yan dito? Diba sa kabilang section ‘yan yong laging nakakasagutan ni lester?”
Napatayo agad ako nang madinig ang pangalan ni lester. Isa lang naman ang babaeng laging nakakasagutan ni lester eh. Kundi si Anica.
“Oh Ani? Naligaw ka yata? Sino hinahanap mo?” tanong ko dito nang makalapit ako sa kanya.
Ngumiti naman ito kaya nginitian ko pabalik.
“Oo eh.hindi na ako pumasok sa room kasi naman late na ako. Kaya ikaw nalang ang pinuntahan ko! Teka may klasse kaba ngayon?”
Sunod sunod na tanong nya sa‘kin. Will kung si mich may pagkachildish tapus si max puro kaangasan lang ang alam itong si Ani naman puro kadaldalan.“Nope! Actually bored nga ako sa room eh. At saka wala naman nang teacher samin.” sagot ko.
“sakto! Tara canteen tayu libre mo.” sabay hila nya sa kamay ko. Aba akala ko ba libre nya ba’t naging libre ko. Pambihirang babae eh.
Mag iisang buwan palang kaming tatlo na magkakakilala. And si Max masyado syang close kay luke nakakapagtaka nga eh. Parang sila lang ‘yong mag jowa.
Hila hila nya ‘yong kamay ko hanggang sa makapasok kami sa cateferia hindi pa naman masyado madami ang studyante siguro kasi may klase pa sila. Sina luke at brix wala padin naman dito pati ang iba.
“Stay here. Mag oorder lang ako. Ano bang gusto mong kainin?”
“Ikaw pwede?”
Naitaas ko ang isa kung kilay at tinitikan ito nang maayos at nagbabakasali na isang joke lang ang isabi nya.“Charot , ikaw bahala kung anong order mo ‘yon nalang din sa‘kin.” nakangiting wika nya kaya tumango nalang din ako.Tumungo agad ako sa counter saka nag order pagkatapos bumalik na ako sa table namin at nilapag ang sanwich don.
“Umm trist may tanong ako sa‘yu?”
“Sure ano ‘yon?”
“Lahat ba kayo nagkaron ng gf? I mean para kasing nagkaron na kayo eh.”
“Nope.” maikling sagot ko saka nilapag ang kinakain ko.“ si kent at brix palang ang nagkaron ng ex gf samin tapos kaming sampu wala pa. Ba’t mo pala natanong?”
“Nagtataka lang kasi ako, sa gwapo nyong iyan wala pa kayong naging ex? Impossible naman kasi.”
“Sa panahon kasi ngayon kung sino ‘yong maganda/gwapo sila ‘yong mga wala jowa kasi mapili sila.”
Midyo kumunot ang noo nya dahil sa sinabi ko. Siguro di nya naiintindihan ang salitang pinaparating ko.
“So dahil maganda/ gwapo kayo mas gusto nyo din ang kalevel nyo? Hindi ba’t parang ang unfair naman non? Pano kung may magkagusto sa inyo tapus ayaw nyo? Ereject nyo kasi nga pangit idi masasaktan nyo lang.”
“Nope that’s not my point, ang mga babae kasi ngayon karamihan sila ang namimili. Iba kasi ang taste namin sa babae ‘yong tulad ni Max na walang paki alam sa gwapo , walang kilig sa katawan at hindi maarte , ‘yong tulad ni michelle na kahit nasa harap nya na ang mga gwapo mas priority nya padin ang boybest nya at di mahalaga sa kanya kung ano kami. At tulad mo.” turo ko sa kanya.
“Tulad ko?“turo nya sa sarili nya.“ pano naman napunta ang tulad ko sa usapan?”
“Tulad mo. Akala kasi namin dati tulad ka nang mga babae na laging may make up. Pero nag kamali kami tulad mo na kahit gwapo ang makakasalamuha eh walang pakialam kahit walang ligo.”
“Luh! Naliligo kaya ako. So meaning tatlo kaming babae ang pasok sa ideal type nyo? Ganon ba?”
Tanong nya ulit sa‘kin. For the first time sa babae nato lang ako nagsalita nang madami? Ikaw ba naman tanungin nang tanungin? Syempre sasagot ka baka masapak pa ako ng wala sa oras eh.“Oo naman.” sagot ko sa kanya with tango tango pa. “ teka may tanong pala ako?” pahabol ko dito.
“sige! Sige ano?”
“Anong nangyari sa inyo ni lester? Nong umagang pumunta kami sa condo nya?”
Mukhang mali yata ang naitanong ko dahil pulang pula ito at di na makatingin sa‘kin. HAHAHAHA sabi ko nanga ba may nangyari sa kanila.“So , nag-nag ano ka—OUCHH!” hindi ko natuloy ang sasabihin ko pagkatapos ako nitong kutusan.
“Kalalaki mong tao chismoso ka! Ano kaba? Walang may nangyari samin non? Kasi hindi sya pumayag.”
“So gusto mo?”
“Nang aasar kaba?!”
“Hindi HAHAHAHAHA pero parang.”
“Sira.”
Ang tabil ko. Ganito pala feeling na makipag kulitan sa babae para kalang din naman palang nakipagkwentuhan sa parents mo.“So ba’t nandon ka sa condo nya?”
“Talaga bang tinatanong mo sa‘kin ‘yan?”
mataray na sagot nya sa‘kin habang ako nagpipigil lang nang tawa HAHAHAHA ang kyut nyang mapikon para syang apple na pulang pula ang mukha.“Curios lang naman kasi ako, kasi nga diba? Pag ang isang lalaki at babae mapunta sa iisang condo for sure di matatapos ang gabi na walang may nangyayari sa kanila?” seryusong sabi ko.
“Nalasing lang ako nang gabing ‘yon tapus nagkata—teka nga? Ano bang klaseng tanong ‘yan ? Pero infairnes tristan ah.” nilapit nya ang mukha nya sa‘kin saka binitawan ang salita na kinatawa ko.“May abs pala si lester akalo ko boto boto lang ambag non sa earth eh.” saad nya.
Hahaha boto boto panga.“Pano mo nasabi?”
“Nahawakan ko.”
“Sabi na HAHAHAHA wag na kasi kayong magdeny kasi sa tuwing nag aaway kayo lagi ‘yan ang dahilan may sinabi panga si lester na sana sya nalang daw ang pumatong.”
“Alam mo ikaw? Ang daldal mo. Akala ko ikaw ang pinakatahimik sa inyong magkakaibigan eh. Mas malala kapa pala sa kanila.”
Pang aasar nya sa‘kin.“Ayos lang, oyy teka may utang ka sa‘kin sa load diba?”
“Luh, binayaran kuna ‘yon tangik. At saka kung di kupa nabayaran easy kalang di naman ako mawawala eh.”
With pakindat pa na sabi nya sa‘kin “Dahan dahan pagiging close sa‘kin Anica marupok ako baka mafall ako sa tulad mong pagmamay ari na nang tropa ko.” natatawang sabi ko dito.
Joke lang ‘yon wag kayong maniwala tangik.
“Sus! Alam ko namang di ka papatol sa‘kin. So ano? Bestfriends na tayu ah.”
“May magagawa paba ako?”
“Syempre wala.” sagot nya napangiti nalang ako at ginulo ko ang buhok nito sana lahat ng babae kasing gaan nilang tatlo kausap.
YOU ARE READING
EXO UNIVERSITY SERIES #01 :The Ghost From 1985 : [COMPLETE]
Mystery / Thriller-Isang Dalagang babae ang hindi malaman kung ano ang kinamatay nong taong 1985 na mapupunta sa taong 2020.