Chapter 8

119 15 0
                                    

KAGAGALING lang ng bangko ni Lilianne. Bago siya umalis kanina, sinabihan niya si Michael na linisin ang buong second at third floor ng Funeral Homes. Hindi naman sa pinapahirapan niya, gusto lang niyang ma-subukan kung hanggang saan ang itatagal nito o kung magre-reklamo ito sa kanya.

Pagdating ay naabutan niya si Michael na nakahiga at natutulog sa mahabang upuan na nakalagay sa labas ng opisina niya. Bahagyang nakaramdam ng inis si Lilianne.

"Tingnan mo 'to, sinabihan kong maglinis. Iyon pala natulog pag-alis ko, batugan pa yata ang isang 'to. Mukhang nagpakitang gi—" bulong pa niya.

"Tapos na po akong maglinis, Ma'am!" biglang sabad nito.

Napapitlag ng wala sa oras si Lilianne at natutop ang bibig. "Narinig mo 'yon? Eh ilang dipa layo ko sa'yo?" tanong pa niya.

Bumangon ito saka siya tiningnan. "Malakas po talaga pandinig ko," sagot ni Michael.

Sumulyap si Lilianne sa suot na relo. Napakunot-noo siya at nagtaka dahil halos thirty minutes lang siya nawala simula nagpunta siya sa bangko.

"Sigurado ka tapos ka ng maglinis?" tanong pa niya.

"Bakit hindi n'yo po tingnan?" sagot ni Michael.

Umakyat sila sa second at third floor para tingnan kung nagawa nito ng maayos ang trabaho. Namangha si Lilianne dahil hindi lang basta linis ang ginawa nito, halos kumintab ang buong paligid. Lalo siyang humanga sa trabaho nito ng malinis ang pinaka-dulong kuwarto sa third floor, na sa totoo lang ay bihira niyang puntahan iyon. Sabi kasi ng ibang staff nila noon, may nagpaparamdam daw doon kaya wala halos pumapasok. Kaya hindi rin nalilinis.

Pagbukas niya ng pinto at sinungaw lang niya ang ulo sa loob saka agad na sinara iyon. Hindi naman talaga siya matatakutin, pero hindi lang niya maiwasan kilabutan kapag naroon sa kuwarto na iyon.

"Okay na, tara!" nagmamadaling wika niya.

"Sandali lang, ganon lang 'yon? Hindi ka papasok sa loob para makita kung gaano kalinis?" nagtatakang tanong ni Michael.

"Hindi na, okay na 'yan! Ayokong pumasok diyan," sagot niya, saka nagmamadaling naglakad palayo.

"Bakit parang natatakot ka?"

"Eh sabi kasi ng mga staff ko dati nakakatakot daw diyan sa kuwarto na 'yan kaya walang pumapasok diyan," paliwanag niya.

"Halika, pumasok tayo," yaya sa kanya ni Michael.

"Ayoko nga! Ikaw na lang," mabilis na tanggi niya.

"Bakit ka natatakot? Akala ko pa naman matapang ka dahil para sa patay itong trabaho mo,"

"Ah basta, ayokong pumasok!" tanggi na naman ni Lilianne.

Marahan natawa si Michael. "Paano mo makikitang maayos kong nagawa ang inutos mo kung hindi ka papasok?"

"Okay na 'yon!"

Natigilan si Lilianne ng bigla siyang hawakan sa kamay ni Michael. Mabilis na pumintig ng mabilis ang kanyang puso, lalo na ng salubungin niya ang mga tingin nito.

"Huwag kang matakot, kasama mo naman ako," may emosyon na sabi ni Michael.

Lilianne just met him the other day. Hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa siyang alam sa pagkatao ni Michael bukod sa matalik na kaibigan ng Kuya Andrew niya. Pero ng marinig niya ang mga salitang iyon mula sa binata, agad napanatag ang kalooban niya, parang matagal na niya itong nakilala. Muli ay naramdaman niya ang seguridad sa likod ng mga salitang iyon, mas lalong nawala ang kaba niya dahil hawak nito ang kanyang kamay.

The Messenger Trilogy Book 2: I Kissed An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon