NAPAPITLAG si Lilianne ng marinig na biglang tumikhim si Michael. Napalingon siya ng lumapit ito sa kanya, mabilis na kumabog ang puso niya.
"Mawalang galang na po, pero ano ba magiging trabaho ko dito? Mag-iisang oras na akong nakaupo dito pero wala kang sinasabi kung ano ang gagawin ko? Ni hindi mo ako kinakausap," sabi pa ni Michael.
Tumikhim din siya saka tumingin dito. "Ah, pasensiya ka na. Kasi ano... ano... ah..."
"Nahihiya ka dahil hinalikan mo ako kagabi?" walang prenong dugtong nito.
Mariin na naman siyang napapikit, lalo niyang gustong lumubog sa kinauupuan ng marinig mula mismo sa binata ang ginawa kagabi. Dahan-dahan niyang pinihit ang upuan patalikod sa binata, ayaw ni Lilianne na makita na mas mapula pa sa kulay pula ang mukha niya. Pero nagulat na lang si Lilianne ng biglang pumihit ang upuan niya paharap. Bumungad sa harap niya si Michael, kaya literal na nasandal siya ng husto sa backrest ng swivel chair na kinauupuan niya.
Dumoble ang lakas ng kabog ng puso ni Lilianne ng kumapit si Michael sa magkabilang arm rest ng upuan, kaya napagitnaan siya nito. Pagkatapos ay nilapit nito ang mukha sa kanya. Napatitig siya ng husto mala-anghel na mukha nito. Muli ay nagkaroon siya ng pagkakataon na matitigan ulit ng malapitan ang mga mata ng binata.
"Hindi ako puwedeng magkamali, kamukha nga niya ang anghel sa panaginip ko. Ang anghel kaya na iyon at itong lalaking ito ay iisa? Anghel kaya siya... pero hindi, imposible!" sabi pa ni Lilianne sa sarili.
Hinintay niyang magsalita si Michael pero nanatili lang itong nakamasid sa kanya. Parang pilit nitong binabasa ang kanyang isipan.
"Tama ako, di ba? Umiiwas ka dahil hinalikan mo ako kagabi?"
Biglang natauhan si Lilianne.
"H-ha? Hindi ah!"
Kumunot ang noo nito.
"Hindi iyon ang sinasabi ng mga kilos mo," anito.
"Eh basta! Huwag mo ng ungkatin! Nahihiya na nga ako eh!" bulalas niya saka tinakpan ang mukha.
Narinig niyang marahan tumawa si Michael, kaya napatingin siya ulit dito. Sa pagkakataon na iyon ay lumayo na ito sa kanya.
"Bakit ka mahihiya? Sigurado naman akong ginawa mo 'yon ng may sapat na dahilan, di ba?" tanong pa nito.
"Hindi ka galit?" gulat na tanong niya.
Sumilay ang magandang ngiti ng binata, pagkatapos ay umiling ito.
"Talaga?"
"Oo nga, kaya huwag mo ng isipin 'yon," sagot ni Michael.
Nakahinga ng maluwag si Lilianne saka gumanti ng ngiti sa binata. Buong akala niya kasi ay galit ito sa ginawa niya. Pero kahit na ganoon, hindi pa rin niya maiwasan na makaramdam ng pagkailang isipin pa lang na sa unang beses nilang pagkikita, hindi pa man din nila alam ang pangalan ng isa't isa ay nahalikan na niya ito.
"Ano? Puwede ko na bang malaman kung ano ang magiging trabaho ko?" tanong ni Michael.
Nakangiti pa rin na tumango siya dito.
"Halika, ipapakita ko sa'yo 'yong buong lugar. Well, maliit lang naman 'to, doon ko sasabihin kung ano magiging trabaho mo," sabi pa niya.
Habang tinuturo ni Lilianne ang bawat parte ng gusali ay sinasabi niya ang magiging trabaho ni Michael.
"Actually, wala naman masyadong gagawin dito. Hindi naman palaging may patay na nakaburol dito. Ang kailangan mo lang gawin ay i-assist ako sa mga trabaho dito. In short, parang helper ka. Maglilinis dito, maglilinis ng kabaong, mag-a-assist kapag may patay. Okay lang ba sa'yo 'yon?" tanong pa niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/278279147-288-k825052.jpg)
BINABASA MO ANG
The Messenger Trilogy Book 2: I Kissed An Angel
FantasyTeaser: Lilianne always believes in miracles. Minsan na niyang naranasan iyon, pero ang himalang iyon ay nag-iwan sa kanya ng isang espesyal na alaala. That handsome angel she saw in her dream when she was comatose. Simula noon, pinangarap na ni Lil...