Fun Facts:
1. The named Lilianne came from my deceased older sister whom I never met in my life. She died at the age of 9 months old, 2 years before I was born.
2. The Messenger's Trilogy is the story of the parents of Justin/Raguel, James/Jeremiel, Hans/Haniel, and Sander/Samuel of Heaven's Warriors Series.
***********************************************************
HINDI AGAD nakasagot si Michael matapos marinig ang sinabi ng kanyang Supremo.
"Sigurado po ba kayo? Maaari naman ako magbantay simula dito," katwiran pa niya.
"Kailangan mong bumaba sa lupa para mahanap mo kung sino ang taong sinaniban ni Lucio. Kailangan mong mabantayan ng mabuti ang kilos niya, dapat ay alerto ka sa lahat ng oras at maging matalas ang paningin mo. Kapag naramdaman mo na ang kapangyarihan ni Lucio sa isang tao. Kapag nakasigurado ka na doon nagtatago si Lucio, kailangan mo rin proteksyunan ang mga tao sa paligid ng sinaniban niya. Ang kaligtasan pa rin ng sangkatauhan ang isa pang importanteng bagay na hindi mo dapat pabayaan.
Nasugatan mo siya ng malalim, ang mga espiritung gaya niya ay madalas nagpapagaling sa loob ng katawan ng isang tao may matinding galit sa puso. Ang negatibong ugali ng isang tao ang nagbibigay ng sapat na lakas sa kanila para manumbalik at lalong lumakas ang kapangyarihan nila. Sa kalaunan, kapag bumalik na ang lakas ng isang espiritung nasugatan ng anghel. Gagamitin niya ang taong sinaniban para maghasik ng kaguluhan na maaaring ikapahamak ng taong iyon. Pero habang sugatan at mahina pa rin siya, mababa pa ang kapangyarihan ni Lucio. Hindi mo siya basta mararamdaman, kaya mas makakabuti na bumaba ka ng lupa at magbantay ka doon," utos ng Daniel.
"Pero Supremo, paano ako mabubuhay doon sa lupa? Paano ang mga dapat kong gawin dito sa Langit?" nagdadalawang isip na tanong.
"Paano mo mararamdaman ang kapangyarihan ni Lucio kung narito ka?" tanong pa ni Daniel.
Napabuntong-hininga si Michael.
"Huwag mo munang alalahanin ang maiiwan mong responsibilidad dito. Si Gabriel na muna ang bahala sa pansamantalang maiiwan mo, ang importante ay tuluyan natin mapigilan si Lucio. Masyado ng babad sa kasalanan ang sangkatauhan, huwag natin hayaan na gamitin sila ng kasamaan para mas malubog pa. Ang kailangan ng tao ay tulong natin para makilala at tanggapin ang Diyos sa kanilang buhay," paliwanag ni Daniel.
"May nakausap na akong kasama natin na dating anghel na naging tao. Si Andrew, siya ang tutulong sa'yo," sagot ni Gabriel.
Marahan tumango si Michael. "Salamat," aniya, tapos ay bumaling kay Daniel.
"Masusunod po Supremo," sagot niya.
Paalis na si Michael ng muli siyang tawagin ni Daniel. Huminto siya at muling humarap dito.
"Mag-iingat ka, tandaan mo na palagi kaming nakasubaybay sa'yo," ani Daniel.
"Salamat po," sagot niya.
NAKITA NI Michael sa mukha ng kaibigan ang saya ng makita siya, maging sa asawa nitong si Angelina. Sinundan siya nito ng tingin hanggang sa mailapat niya ang mga paa sa lupa, pagkatapos ay mahigpit siyang niyapos ng kaibigan.
![](https://img.wattpad.com/cover/278279147-288-k825052.jpg)
BINABASA MO ANG
The Messenger Trilogy Book 2: I Kissed An Angel
FantasyTeaser: Lilianne always believes in miracles. Minsan na niyang naranasan iyon, pero ang himalang iyon ay nag-iwan sa kanya ng isang espesyal na alaala. That handsome angel she saw in her dream when she was comatose. Simula noon, pinangarap na ni Lil...