Sa school kung saan ako nagtuturo, pinatawag ako ng aking principal sa aking katrabaho dahil may naghahanap sa akin. Nasa loob ako ng aking klase nasa kalagitnaan ng aking pagtuturo sa asignaturang English sa aking mag-aaral. Nasa may pintuan ang aking kaguro na kinukuha ang aking atensyon sa pamamagitan ng pagkaway ng kamay.
Tchr. Raul: Sir Tony, excuse po. Pinapatawag ka po sa principal office. Importante po at now na po.
Me: Ok po Sir Raul. Class, I will leave you for a while. But you have to answer the activity on page 125, the Reflection Task and Venn Diagram on Page 126. Please do submit your work to Maricel, the class beadle. Did you get me?
Class: Yes Sir.
Lumabas na ako sa aking klase para puntahan ang opisina ng aking punong guro. May pagtataka dahil importante daw at ngayon mismo. Gaano ba ito kahalaga at kailangan ngayon mismo. Narating ko ang opisina ng aming principal. Nadatnan ko sa loob nito ang 3 pulis, si Principal Rose at ang aming guidance counselor.
Principal Rose: Have a seat Sir Tony. Pinatawag kita dito sa aking opisina ay para maiwasan ang malaking iskandalo. Dati kong estudyante si SPO2 Marquez na may dalang subpoena para sayo. Nakiusap ako sa kanya na iwasan na makalikha ng komosyon para mapangalagaan ka at ang school. SPO2 Marquez, maari mo ng kausapin ang aking guro.
SPO2 Marquez: Sir Canlas, naparito kami para makausap ka sa presinto. Dala namin ang subpoena mula sa korte para sa reklamong Statury Rape. You have the rights not to speak up and seek a legal assistance. For the meantime, I want you to come with us peacefully to avoid commotion.
Me: Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito. Mam Rose, believe me po wala po akong nirape na bata. Sir, allow me to go with using my car. I will meet you in the precinct.
SPO2 Marquez: Okay Sir Tony. We will follow you. Ma'am Rose, thank you for your cooperation. Gentlemen, balik na tayo sa presinto.
Lumabas kami sa school na magkasunod ang mobile car at ang aking kotse. Kahit walang ingay o komosyon na nangyari sa pagitan namin ng mga pulis ay hindi pa rin maiwasan na magtaka ang mga kasama kong guro sa paaralan na magtanong at magtaka. Nakarating kami sa presinto, deritso kami sa opisina ng COP (chief of police) na aking kaibigan at classmate noong nasa high school palang kami si Joseph Corpuz.
COP Corpuz: Classmate Tony! Ano ang nangyari at may subpoena ka? I am worried sayo pare, kaya gusto kitang makausap ng personal. Sinabihan ko si SPO2 Marquez na sunduin ka sa school ninyo na walang gulo at malumanay na paraan. Baka pwede nating pag usapan pre.
Me: Classmate, alam mo naman simula noon pa bakla ako. Alam mo rin na disente akong tao at takot sa mga iskandalo. Ako man ay nagtataka kung bakit may asunto akong rape sa aking kapitbahay na binata. Sa pagkakaalala ko pre, wala akong pinilit o puwinersa para makatalik ko.
COP Corpuz: Nandoon na ako Tony. Kilala kita. Kahit ganyan ka di ka naman balahurang bakla. Pinagtataka ko lang kung bakit may ganitong reklamo sayo. Pare, nasa likod mo ako at hindi kita pababayaan sa problema mong ito subalit kailangan namin sundin ang proseso. Trabaho lang ito Tony. Promise gagawa kami ng imbestigasyon sa kaso mo. Kailangan mong maghanap ng legal counsel at di ko alam kung makakapagpiyansa ka dahil rape ang reklamo sayo.
Me: Salamat Joseph. Di ko deserve ang kasong ito. As far as I remember wala akong nirape lalo't bata ang biktima. Natatakot ako pre na makaladkad ang pangalan ko dahil sa maling bintang na ito.
COP Corpuz: May proseso tayo pare. Lalabas din ang totoo. Basta sa ngayon tawagan mo ang lawyer mo para maayos ang gusot na ito.
Ako si Tony Canlas, 40 years old, single, isang discreet gay. 15 years na nagtuturo sa isang sekondaryang paaralan sa aming bayan. Ako ay bunso sa aming magkakapatid. Lahat ng kapatid ko ay may kanya kanyang trabaho at pamilya. Lahat sila ay may sariling bahay. Ang aking bahay na tinutuluyan ay namana ko sa aking magulang bilang bunsong anak sa aming pamilya. Ako lamang ang nakatira sa ancestral house.

BINABASA MO ANG
Rooftop
RomanceHi! Hello readers. Another story of mine na nais kong ishare sa inyong lahat. Sa kwentong ito ay magdudulot ng aral sa mga katulad ko na nagmahal ng tao sa maling pagkakataon na halos ikasira ng aking buong pagkatao.