Bakasyon sa Elyu

307 11 0
                                    


Nakagayak na ako para umuwi ng Bicol. Hinihintay ko lang ang aking dalawang pamangkin dito sa hotel dahil meron itong ipapakilala sa akin.

Alas 10 ng umaga hinihintay ko sila sa lobby ng hotel. Sabi ng pamangkin ko na medyo matatagalan sila dahil sa traffic. Si Dani ang aking panganay na pamangkin sa panganay kong kapatid. Isa itong computer animator ng GMA Network at kasama nito si Reylan, pamangkin ko na anak ng pangalawang kong kapatid na babae. Ang tatay nito ay Rey at ang nanay nito na kapatid ko ay Melanie. Si Reylan ay architect na connected sa National Housing. Nasa idad 26 na ito at si Dani ay 24. Masasabi ko na matagumpay sila sa chosen career nila dahil may sariling condo ang dalawa at may sariling sasakyan. Ang dalawa ay malapit sa akin dahil pareho ang sexuality namin.

Alas onse ng umaga nang makarating ang dalawa at may kasama silang kaibigan. Agad nagbeso ang dalawa kong pamangkin at ipinakilala sakin ang mga kasama nila.

Dani: Tito, meet my boyfriend Alex. Isa po siyang print ads model.

Nakipagkamay sa akin si Alex, infairmess sosyal ang taste mg pamangkin kong si Dani. Sunod na nakipagkamay at humalik sa aking pisngi ay si Dex. Isa itong engineer na katrabaho ni Reylan.

Dex: Nice meeting you po Tito. Dex po. Boyfriend ni Rey.

Nagyaya si Dani na sumama sa kanila kaya nagcheck out na ako sa hotel. Kinuha ko ang aking gamit sa kwarto at sumama nang lumabas sa kanila.

Kita ko ang closeness ni Dani at Reylan bilang magpinsan. Sila ang magkakampi dito sa Manila. Kita ko rin ang sweetness ng mga boyfriend nito sa kanila.

Dani: Tito, sa myerkules ka na bumalik ng Camsur. Birthday ni Rey sa martes. Plan namin mag out of town, sama ka na lang sa amin habang bakasyon ka sa school.

Alam ng mga pamangkin ko ang kasong nakasampa sa akin. Dahil meron kaming GC sa aming pamilya. Si Dani ang isa sa pamangkin ko na nagpahayag ng tulong sa akin kung kailangan ko ng lawyer sa kaso ko. Meron itong kaibigan na maaring niyang tawagan. Subalit si Perf na kaibigan namin ni Joseph ang nahanap namin.

Me: Saan ba ang plano ninyong puntahan?

Reylan: Tito, gusto ko  sa Elyu. Maganda ang beach doon.

Dani: Tito, mamayang gabi tayo aalis para bukas nasa La Union na tayo. Si Dex na bf ni Reylan ang bahala sa atin, taga Elyu si Dex, Tito.

Wala akong choice kaya sumama nalang ako sa mga pamangkin ko. Nakarating na kami sa condo ni Dani. Magkatabi ang room ng condo ng dalawa. Si Alex ay bumaba muna para abangan ang grab food dahil hindi pa kami nananghalian.

Habang nasa sala ay inusisa ako ni Reylan tungkol sa kaso ko.

Reylan: Tito, ano na po amg development ng kasong isinampa sayo?

Me: wala pa ring linaw. Kaya andito ako sa Manila para sana makausap si Nikko. Nakakapagtataka kasi na kinasuhan ako ni Nikko kung saan maayos naman ang usapan namin.

Dani: Nakausap niyo po ba ang Nikko, Tito?

Me: Hindi. Ang tatay niya ang nakausap ko.

Reylan:. Si Tito Polo? I mean yung ex mo Tito?

Alam ng pamangkin kong si Reylan ang buhay pag ibig ko dahil nung nasa idad 15 sila ni Dani, nakita nila ang photo album namin ni Polo. Compilations ng mga larawan na magkasama kami ni Polo.

Me: Oo Rey. Wala ring saysay na nagkita at nagkausap kami dahil ayaw nitong ipakiusap ang anak sa akin.

Pumasok si Alex dala ang pagkain mula sa Grab. Napapansin ko ang palaging pagtitig sa akin ni Alex. Hindi ito palakibo. Marahil ay nahihiya pa ito. Kumain na kami ng lunch. Nagpahinga ako sa isang kwarto sa condo ni Dani. Kasama ni Dani si Alex sa kwarto nito at sina Reylan at Dex ay pumasok sa  unit ni Reylan na katabi ng unit ni Dani.

RooftopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon