The Guardian

414 16 0
                                    

TERESITA (BING) ALMONEDA POV

Isang iskandalo ang bigla na lamang sumabog sa aming pamilya na sangkot ang aking pamangkin na si Nikko at ang aking kapitbahay na si Tony Canlas. Si Tony ay nasa idad 40, isang guro sa sekondarya at an aking pamangkin ay kasulukuyang college student na nasa pangangalaga ng kaniyang ama sa ngayon. Taong 2012 ay napunta sa aking poder ang aking pamangkin na si  Nikko dahil hindi ito mabigyan ng tamang pagkalinga ng kaniyang ina. 

Si Nikko ay aking kinupkop noong 12 anyos palang ito  nang makiusap ang ina nito na ako na ang mag aalaga sa aking pamangkin. Hindi kasal ang magulang ni Nikko, apelyedo ng ina ang Natividad na gamit ng aking pamangkin. Dahil may bagong pamilya at asawa ang ina ni Nikko ay buong puso ko itong kinupkop. Papag-aralin ko ito sa private school sa aming bayan. Grade six noon si Nikko nang lumipat sa poder ko.

Ako si Bing, isang geodetic engineer at surveyor sa DENR sa regional office ako nakabase. Matandang dalaga sa idad na 44. Mag isa akong naninirahan sa aking bahay na minana ko sa aming mga magulang na katabi ng bahay ni Tony Canlas. Hanggang beywang na bakod ang pagitan ng aming bahay na magkatabi. Dalawang palagpag ang aking bahay, may rooftop na matatawag, ganundin ang bahay ng aking kapitbahay. 

Katapusan ng Setyembre, galit na tumatawag ang aking kapatid na si Polo, ang ama ni Nikko.  Si Polo, ang tatay ni Nikko at sunod sa akin. Nagkaroon ito ng asawa subalit nagkahiwalay din kalaunan. Sa ngayon ay nasa poder nito si Nikko. Gusto niya akong makausap ng personal dahil sa maselang isyu na sangkot ang aking pamangkin.  Napilitan akong magleave sa aking trabaho para kitain ito sa Maynila.  Si Nikko ay kasalukuyang nag aaral sa kolehiyo sa kursong  Mechanical Engineering, ang kapatid ko na ama nito ang nagpapaaral.  Nang makarating ako sa bahay nito ay dumiritso ako sa library na naghihintay sa akin si Polo.  

Si Polo ay palayaw ng Apollo Almoneda,  40 ang idad at sunod sa akin.  Nang makita ko ito sa  loob ng library ay makikita ko ang  galit sa mukha nito. Agad akong kinumpronta nito.

Polo:  Ate! Nabantayan mo ba ng maigi ang anak ko habang nasa poder mo ito?

Bing:  Bakit? Ano ba ang pinupunto mo? Pabaya akong tiyahin ni Nikko? For God sake Polo! Kayo ng dating mong asawa ang walang kwentang magulang kay Nikko. 

Polo:  Andun na ako! Naging pabaya ako noon at bumabawi ako sa anak ko ngayon.  Kaya nga kinuha ko na sa poder mo ang anak ko dahil gusto ko maalagaan siya at magabayan.

Bing: Teka! Teka muna! Ano ba ang pinuputok ng butse mo Polo? Nagbyahe pa ako  mula Bicol papunta dito para sa walang saysay na isyu.  Tell me kung anong problema!

Polo:  Okay.  Di mo ba alam na may sex scandal ang anak ko habang nasa pangangalaga mo siya? 17 palang si Nikko nung panahon na yun at dapat nababantayan mo.

Bing:  SEX SCANDAL!!!! Paano?  Di ko alam!

Polo:  Oo ate.  Nung panahon nasa poder mo ang anak ko ay minolestiya siya.  Ang masaklap ay may video pa nang pagsisex nila.

Bing:  Diyos ko! Wala akong alam sa nangyayari kay Nikko. Sino ang gumawa ng kahayupan sa pamangkin ko?  Patawarin ako ng Diyos, hindi ko siya mapapatawad!

Polo:  Ate!  Asan ka nung mga panahong iyon? Alam mo ba na tumatawag sa akin ang anak ko na palagi siyang nag iisa sa bahay mo dahil palagi kang wala.  Ate sayo ko pinagkatiwala ang anak ko para may makasama ka sa bahay mo. Dahil nag iisa kalang kaya pumayag ako na sayo mapunta si Nikko. Pero di mo siya nabantayan ate!

RooftopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon