Nakaalis na si Dave ng isara ko ang pinto ng aking kwartong tinutuluyan. Pagod ako sa ginawa naming pagpapaligaya ni Dave.
Nakahiga na ako sa kama ng maisipan kong icheck ang aking cellphone. Ako kasi ang tao na bihira magdala ng cellphone. Hindi ako updated sa social media lalo na sa facebook. Call and text lagi ang gamit ko sa aking telepono.
May ilang text mula kay Apollo at ilang miscalls at texts ay mula kay Perf. Nangungumusta si Perf.
Perf: Musta ka diyan Tony? May update ako sa kaso mo.
Tatlong oras na ang nakararaan kaya marahil tulog na si Perf kung tatawagan ko pa ito.
Alas sais nang umaga ng ako ay magising. Ngayon ang kaarawan ng aking pamangkin na si Reylan. Naisip ko na bilhan ito ng gifts dahil napaksweet naman ng dalawang magpinsan sa akin. Tuwing birthday ko ay nagpapa LBC ng package ang dalawa kahit malayo sila.
Bumaba ako ng kusina para tingnan kung anong pagkain ang pwedeng mailuto. Naratnan ko ang tagaluto ni Greg nagsasangag ng lumang kanin.
Me: "Manang, ano po ang lulutuin ninyo maliban sa sinangag?
Manang: "Sir, sabi ni Sir Greg pork chop at scrambled egg nalang daw po. Saka iinitin ko nalang po yung bulalo kahapon para may sabaw."
Sa tingin ko ay perfect naman ang agahan dahil may sabaw naman na iinitin si manang.
Me: Masarap pag may sabaw kasi nalasing kagabi ang mga pamangkin ko at maging si Dex. Lasing na lasing din ang Sir Greg mo. Maiwan na kita manang.
Umakyat na ako sa itaas para tunguhin ang kwarto ko. Nadaanan ko na medyo bukas ang kwarto ni Greg. Dahan dahan kung pinasok ang aking ulo sa nakasiwang na pinto. Shock ako sa aking nakita. Si Greg at si Dave parehong hubad sa kama. Dali dali akong umalis ng kwarto nito at tinutungo ang aking kwarto. Isang boses sa likod ko ang nagwika. Si Dex nagtataka at nagtanong.
Dex: Tito, galing po ba kayo sa kwarto ni Tito Greg?
Me: Ah ehh papasok sana ako sa kwarto niya kaso tulog pa. Nakaawang kasi ang pinto ng kwarto niya.
Dex: Sandali Tito gigisingin ko po.
Agad itong pumasok sa kwarto ni Greg at agad din lumabas. Kita ko ang pag aalala sa mukha nito.
Dex: Tulog pa nga po sila. Si Reylan at Dani tulog pa rin.
Wika ni Dex habang palapit sa akin. Sinabi ni Dex na pupuntahan niya ang kusinera para tanungin sa breakfast kaso nakita niya ako galing sa kwarto ni Greg.
Me: Galing ko sa kusina, gusto ko ipagluto kayo ng breakfast dahil nalasing tayo kagabi. Nakahanda na ang lulutuin ni manang at iinitin nito ang bulalo. Okay na yun importante may sabaw.
Nakapasok na kami ni Dex sa kwarto ko. Pinaupo ko ito sa sofa.
Dex: Ahmm Tito Tony, nakita ninyo po siguro si Dave at Tito Greg sa kwarto. Ano po kasi ah ahmm...
Nahihiyang wika ni Dex nakayukong nagsasalita. Alam kong nahihiya ito sa nalaman ko.
Me: Okay lang yun Dex. Sa tanda kong ito marami na akong nakitang ganyan. Saka pareho naman lalaki ang Tito Greg mo at si Dave na kapatid mo.
Dave: Alam ko po na nagtataka kayo kung bakit pareho hubad ang dalawa sa kama at magkayakap pa. Ako na po makikiusap na sana wag magbago ang pagtingin ninyo sa akin, sa kapatid ko at kay Tito. Sana di na po ito malaman ni Reylan at Dani.
Hinging paumanhin ni Dex sa akin. Kaya nilapitan ko ito at inakbay. Inamin ko sa kanya na may namagitan sa amin ng kapatid niyang si Dave kagabi.
Me: Dex ok lang yun. Ako nga ang dapat may aminin sayo. Saka wag kang mag aalala, kung lihim ito, asahan mo na mananatiling lihim ito.

BINABASA MO ANG
Rooftop
RomanceHi! Hello readers. Another story of mine na nais kong ishare sa inyong lahat. Sa kwentong ito ay magdudulot ng aral sa mga katulad ko na nagmahal ng tao sa maling pagkakataon na halos ikasira ng aking buong pagkatao.