Tunog ng doorbell ang pumukaw sa aking atensyon na busy sa pagluluto. Agad akong humangos palabas ng bahay para tumungo sa gate at matingnan kung sino ang dumating.
Si Apollo. Nakatayo sa labas ng gate habang nakasuot ito ng sunglasses. Agad ko itong nilapitan.
"Polo, ano ang sadya mo?" tanong ko rito na may pagtataka. "Anong ginagawa mo rito?" dagdag kong tanong.
"Pwede bang pumasok muna?" tanong nito. Alas 6:30 ng umaga halos wala pang tao sa kalsada kaya naman pinapasok ko ito.
Dinala ko ito sa sala habang nagtitimpla ako ng kape namin. Pagkatimpla ko ay binigyan ko ito ng isang tasa. "Ano ang sadya mo sa akin?"
"i might file withdrawal ng kaso laban sayo Tony. Nakiusap sa akin si Nikko na iurong ang kaso laban sayo dahil wala ka namang ginawang masama sa kanya." lahad nito. Sa pagkarinig ko ay agad akong nabuhayan at nagalak.
"Salamat kung ganun Polo. Alam ko naman talaga na kailanman ay hindi ko pinilit ang anak mo. Minahal ko si Nikko bilang anak mo." wika ko rito.
"Oo alam ko. Ipinagtapat ng anak ko ang lahat. Lahat." tugon ni Polo.
"Kung gayon ay tatawagin ko si Perf para sa bagay na iyan." wika ko rito akmang aalis na sana para puntahan si Perf. Hinawakan ako ni Polo sa aking kamay.
"Tony, gusto kong bumawi sayo. Sa lahat ng kasalanan ko at pagkukulang ko sayo." wika nito sa akin habang matamang nakatuon ang mata sa aking mata.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kailanman Tony ay hindi kita nakalimutan. May nararamdaman pa rin ako sayo." tugon nito.
"Polo, we are not young anymore para sa bagay na iyan. May pamilya ka na at anak at ako ay maayos na ang kalagayan ko. Bakit mo sinasabi ang mga bagay na iyon ngayon?"
Hindi agad makapagsalita si Polo sa tinuran. Nakita ko ang pagbitaw niya sa kamay ko.
"Okay....yung sinabi ko sayo kanina, yung abogado namin maaring ayusin ang pag aatras ng kaso mo ngayong araw o bukas...hintayin mo nalang ang tawag ng judge. Paano alis na ako." tanging nawika ni Polo bago tumalikod na sa akin.
"Polo, salamat. Pakisabi kay Nikko na maraming salamat at gusto ko siyang makasama ng matagal" wika ko rito. Humarap sa akin si Polo sabay tango. Nauna itong lumabas nakasunod ako. Nang nasa may gate na kami ay hinawakan ko ang kamay nito.
"Ingat ka Polo. Salamat." paalam ko rito bago ito sumakay ng kotse niya.
POLO's POINT OF VIEW
Kagabi ay hindi ko inaasahan ang pagpunta ni Tony sa bahay. Marahil habang nasa byahe kami ni Nikko ay tinext na nito ang Tito Tony niya na pauwi na kami. Sa pakiusap ni Nikko na iurong ang kaso ay napilitan kong samahan ito.
Pagkadating namin sa bahay ay agad akong lumipat bahay para puntahan si Tony subalit ang mga pamangkin nito ang humarap.
"Tito Polo, wala po ang Tito Tony dito sa bahay. Pansamantalang nakatira sa kaniyang abogado po." nakilala ko ang lalaking kausap ko, anak ng matandang kapatid ni Tony. "Salamat, Teve...mamaya magkikita nalang kami. Sige alis na ako." Paalam ko. Habang palabas ako ng bakuran ay napatingin ako sa balkon ng ikalawang palapag ng bahay at ang rooftop na naging saksi na aming pinagsamahan ni Tony.
"Ano dad, andiyan po ba si Kuya Tito Tony?" tanong sa akin ni Nikko pagkapasok ko sa aking kwarto. Iyon din ang kwarto ni Nikko.
"Sabi ni Steve ay nasa abogado niya raw nakatira pansamantala." tugon ko.
BINABASA MO ANG
Rooftop
RomansaHi! Hello readers. Another story of mine na nais kong ishare sa inyong lahat. Sa kwentong ito ay magdudulot ng aral sa mga katulad ko na nagmahal ng tao sa maling pagkakataon na halos ikasira ng aking buong pagkatao.