Third Person
Nakasisilaw na liwanag ang unang nakita ni Steinhart nang magmulat ito ng mga mata. Amoy mula sa iba't ibang uri ng bulaklak na nasa maliit mesa sa tabi ng kaniyang kama, humalo rin sa hangin ang amoy ng mga sariwang prutas na nakapatong din sa maliit na mesa. Dahan-dahan itong bumangon at nang maka-adjust ang paningin ay rumehistro sa isip nito ang lugar kung nasaan siya—sa kwarto nito sa bagong apartment na tinutuluyan.
Nang tuluyan na itong makabangon ay tumayo na ito at inayos ang higaan. Lumapit na rin ito sa malaking bintana kung saan may mahahabang kurtina na may asul tulad ng kulay ng langit sa labas. Tuluyan nang nakapasok ang sumisilip na liwanag mula sa haring araw. Sa tabi ng bintana ay may maliit na paso na may tanim na mga bulaklak, nakasabit ang mga ito railings ng veranda na tinutuluyan. Matatanaw sa ibaba ang abalang kalsada, kaliwa't kanan na ang pagbiyahe ng mga sasakyan sakay ang mga pasahero nila na papasok sa mga sari-sariling mga trabaho.
Nag-inat sandali ang binata at nakahanda nang lumabas sa maliit na kwarto para ihanda ang cereals, gatas na nasa kahon, dalawang pirasong hinog na saging, at isang chicken sandwich. Matapos kumain ay naligo na ito sa banyo. Tanging shorts na lamang ang suot nito at nag-umpisa na itong maligo. Habang sinasabunan nito ang sarili ay napatigil ito nang makita niya ang repleksyon sa salamin na nakasabit sa pader sa maliit nitong banyo. Saglit niyang binanlawan ang sarili at lumapit nang maigi sa salamin. Iniangat nito ang palad hanggang sa mahaplos nito ang sariling leeg, sa kaliwang banda ng kaniyang leeg matatagpuan ang isang peklat mula sa isang hiwa, may haba itong three inches.
"Do I really have to forget what happened then? Or do I need to know everything that happened to have an answer to all the questions in my mind right now?"
Ilang beses na sinubukan ni Steinhart na alalahanin ang lahat, ngunit tanging malalabong mga alaala ang nakikita nito sa isipan. Nagtanong na rin ito sa mga kaibigan at kasama nito sa pangyayari, pero hindi nila masagot ang hinihiling nito. Tinanggap iyon ng binata dahil alam din nito ang pakiramdam ng hirap na naranasan nila. Ang sugat sa leeg ang nagpapatunay na hindi biro ang pinagdaanan nila sa dating eskwelahan. Isang bangungot ang nangyari na hinihiling na lang nila na maalala pa, pero nananatiling misteryoso ang mga iyon hanggang ngayon sa isipan ni Steinhart.
"I guess I'll just wait for the right time. There will also be an answer to all the questions that don't want to leave my mind."
Tatlong katok ang bumasag sa katahimikan sa loob ng inuupahan na kwarto ni Steinhart. Kaagad niya itong nilingon at lumapit dito para mapagbuksan ang kumatok. Abala kasi si Steinhart sa pag-aayos ng polo na napili niyang isuot ngayong araw.
"Ang aga mo yata?" bungad na tanong ni Steinhart nang makita nito sa pagbukas ng pinto ang childhood friend na si Nimrod.
"Sabi na, bibilhan na talaga kita ng batteries para mapalitan mo na 'yang baterya ng wall clock mo. 'Yun na lang kaya iregalo ko sa 'yo?" Dire-diretso pumasok sa sala si Nimrod at naupo sa maliit na sofa.
"Anong oras na ba?" Humarap muli sa full length na salamin si Steinhart at nagsuklay ng buhok na bahagya nang natuyo. Natagalan ito sa paghahanap ng maisusuot kanina kung kaya't halos pagpawisan na siya kahit katatapos pa lang niyang maligo.
"Nasa baba na sina Neiza at Malorie, bakit hindi ka tumitingin sa cellphone mo?" Kanina ay nakaupo lang si Nimrod sa sofa, pero nang lingunin siya ni Steinhart ay nakahiga na ito at pinagkasya ang sarili sa maliit na sofa, nakataas pa sa armrest ang magkabilang binti nito.
'Ako 'tong nahihirapan sa kaniya.'
"Ito na nga nag-aayos na." Sinigurado muna ni Steinhart na nakasarado ang lahat ng bintana, nakaalis ang plug ng appliances, at nakapatay lahat ng ilaw bago lumabas ng bahay at i-lock ito.
Kailangan pa nilang bumaba mula sa fifth floor hanggang sa ground floor. Sumakto sa araw ang paghinto ng elevator dahilan para mag-under maintenance ito. Kinailangan nilang gumamit ng hagdan pababa. Kaya pala pagod na pagod ang kaibigan nito nang makarating sa kuwarto na tinutuluyan at hindi na sumama pa ang dalawa pang kaibigan.
"Happy birthday!" bati ng dalawang dalaga nang makita na lumabas na sa building sina Steinhart at Nimrod.
Napakamot na lang sa batok si Steinhart nang marinig ang pagbati ng dalawa. Ang totoo ay hindi nito alam kung totoo nga bang kaarawan niya ngayon. Isang papel ang pinanghahawakan nito galing pa sa kumupkop sa kaniya mula sa simbahan. Ang nakalagay na pangalan ng mga magulang ay ang mga taong nag-ampon sa kaniya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kilala ng binata ang mga totoong magulang nito.
Sa isang restaurant malapit sa isang mall nagpunta ang magkaibigan. Malapit nang magtanghalian kaya't maraming mga tao na ang nasa restaurant.
"Ako na bibili—" Napatigil sa pagsasalita si Steinhart nang itaas ni Neiza ang palad nito.
"Ayos na, birthday boy. Naayos ko na lahat, relax ka lang." Ilang sandali pa lang ang lumipas ay inihanda na ang mga pagkain, hindi mawawala ang cake ng celebrant.
Makalipas ang kalahating oras ay isa-isa na nilang inabot ang mga regalo nila kay Steinhart. Sa una ay ayaw pang tanggapin ng binata ang mga iyon, pero sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang abutin at magpasalamat.
Mga pares ng damit pantulog ang ibinigay ni Malorie sa kaniya. Isang journal at mamahaling ballpen ang ibinigay ni Neiza, at ang kay Nimrod ay pabango mula pa sa ibang bansa.
"Sevilla, Steinhart. August 12, 1999. Contact number—wireless? Anong wireless?" nagtatakang tanong ni Neiza at napatingin kay Steinhart na abala sa pagkuha ng litrato ng four-layer chocolate cake niya.
"Hindi naman kasi ma-contact kapag tinatawagan, parang wala ring cellphone. Pagbigyan na natin, birthday naman niya," si Nimrod na ang nagpaliwanag sa tanong ni Neiza.
Nagpatuloy na lang sa pagbabasa ang dalaga sa isang slambook na isa rin sa iniregalo ni Nieza sa binata. Pinasagot niya rin kaagad ito nang mabuksan niya ang regalo.
"Dapat kayo rin sumagot, ang unfair." Umayos ng upo si Steinhart at hinarap ang mga kasama. Kinuha niya ang manipis na slam book kay Neiza at ibinigay ito kay Nimrod na hanggang ngayon ay kumakain ng carbonara.
"Patapusin mo muna kaya ako sa pagbabasa?" singit ni Neiza at kinuha pabalik ang notebook.
"Okay, so nasa, personality na tayo." Inilipat ni Neiza ang page ng slam book, ngunit maging sa kabilang page ay malinis ito at wala ring nakasulat.
"Hindi mo tinapos? Ang daya mo, hays," dagdag ng dalaga at ibinalik na kay Steinhart ang notebook.
"Ako na lang ang sasagot, tutal secretary naman ako ni Steinhart." Mabilis na umayos ng upo si Nimrod at nagpunas muna ng kamay gamit ang table napkin.
"Ayusin mo, baka ikaw pagbayarin ko rito sa mga pagkain," banta ni Steinhart nang makita na desidido na sumagot sa papel ang kaibigan.
"Actually, siya ang nagbayad lahat ng ito, si Malorie ang nagpa-reserve ng table natin, at ako naman, kuwento lang ang ambag ko sa grupo." Bahagya pang natawa ang dalagang si Neiza sa tinuran nito.
"Mawawalan ng pera ang mga bangko, pero 'yang si Nimrod, hindi" dagdag ng dalaga.
"Thank you, nag-abala pa talaga kayo," ang tanging nasabi ni Steinhart at napangiti na lang nang hindi namamalayan.
Hindi inaasahan ni Steinhart na mananatili sa tabi niya ang mga taong akala niya ay tatalikuran na siya matapos mangyari ang insidente. Pinili man niyang ilayo ang sarili ay hindi pa rin sila umalis sa kaniyang tabi. Kung ano man ang rason ay wala ng tanong para doon. Malaking palaisipan pa rin ang pagtulong sa kanila ng principal ng Arch Academy, ang pag-aayos ng mga document nila para makapasok sa Medalion University noong nakaraang taon.
Minabuti na lang nilang mag-umpisa muli, kahit na may mga bagay na magiging kakambal na nila sa panibagong buhay sa kasalukuyan. BA Criminology ang kurso na kinuha ni Nimrod tulad ng ama na isang pulis na si inspector Galvin. BA Political Science ang napili ni Steinhart na kurso. Education ang kinuha ni Malorie, at Bachelor of Science in Accounting Information System ang napili ni Neiza.
#
BINABASA MO ANG
Mark The Code [ COMPLETED ]
Детектив / Триллер"Do you want to follow me silently or do you want me to make a big fuss about it as well? But if you really want to stir things up, just go ahead. It's your decision to choose whether or not sacrifice your lives." "Be careful what you tell people. A...