I'm The Killer II

24 7 0
                                    

Note: Warning: This story is R18,  every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.


Neiza Tuazon Pov

I felt like bathing in cold water. I didn't want to see Steinhart in that condition. He saved me earlier, but now, I didn't know what to do. I couldn't save him. I couldn't figure out the killer's face. It was dark here, but his presence was familiar to me.

My eyes widened when Steihart lay down on the tiled floor, red blood ran out at his slashed neck. My sight got blurred, there were tears forming again in my eyes. I couldn't utter any words. When I saw Steihart's eyes with tears while looking at me at the same time, I confirmed my thoughts before, the thought of where I had met him. And I remembered when I was on my way back then when I abruptly bumped into someone, and that someone was Steinhart. That was why he seemed like I had met him before. I was right, he was the guy I needed to look and find and memories flashed in my mind.



FLASHBACK



Matalik na magkaibigan ang mga magulang namin ni Steinhart, sina Tito Xaijan at Tita Faida. Mula pa noong nag-aaral sila sa high school ay magkaibigan na sila ng mga magulang ko. Kahit na pamilyado na sila ay nanatiling matatag ang relasyon nila bilang magkakaibigan.

Isang gabi, pagkatapos kong makauwi galing sa paaralan, elementarya pa lang ako noon, paakyat na ako sa kwarto ko at nadaanan ko ang maliit na kwarto kung saan nagsisilbing opisina ng papa ko sa bahay. Hindi ko intensyon na marinig ang usapan nila ng kausap nito sa kabilang linya ng telepono, ngunit dahil sa kuryosidad ko noon ay nagtago ako sa likod ng pinto.

"Xaijan's family is in danger. They need to go and hide. Much better if they just go abroad!"

Napatakip ako ng bibig sa narinig mula kay Papa noon. Hindi ako makapaniwala na nasa panganib ang buhay ng mga taong itinuturing kong pangalawang pamilya. Itinuring akong anak nina Tito Xaijan at Tita Faida, hindi ako makapapayag na malagay sa alanganin ang buhay nila. Kailangan ko silang masabihan.

Nagmadali akong makarating sa kabilang subdivision malapit sa tinitirhan namin. Tanging liwanag sa buwan ang nagbibigay gabay sa akin sa madilim na kalsada. Nang makarating na ako sa tapat ng kanilang bahay, pakiramdam ko'y nawalan ako ng pandinig sa sobrang tahimik ng lugar. Sinubukan kong pumasok at dumiretso sa secret door kung saan madaling makapupunta sa second floor ng bahay kung saan ang master's bedroom na itinuro sa akin noon ni Tito Xaijan nang bumisita kami kasama sina Papa at mama. Papasok pa lang ako ng kwarto ay nagkalat na ang mga basag na vase at picture frame sa sahig at kung ano-ano pang figurines. Halos mapaluhod ako sa takot at pangangatog ng tuhod dahil may malalapot at mapupulang dugo ang nagkalat sa sahig at pader. Patay sindi ang mga ilaw at ilang minuto na lang ay tuluyan na silang mawawalan ng sindi.

"Huli na ako," sabi ko sa aking sarili at tahimik na umiyak.

Nilakasan ko ang loob ko na pumasok na sa kwarto nina Tito at Tita. Nakita kaagad ng mga mata ko si Tita Faida na nakaluhod at magkalapat ang magkabilang palad, tila nagmamakaawa. Nanginginig ang mga kamay nito at balot ang mukha ng pawis, luha, at sariling dugo.

"Tita . . . Faida."

Lumingon sa direksyon ko si Tita Faida nang marinig nito ang pagtawag ko sa kaniya. Kaagad ko siyang nilapitan, wala na akong pakialam pa kung yumakap rin ang malapot na dugo sa aking katawan. Umiyak ito nang sobrang sakit sa balikat ko. Minabuti kong humiwalay sandali at hinawakan ang pisngi nito.

SEARCHING STUDENT X [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon