College intramurals was the time for students to somehow have a break after embarking in bloody class activities, exams, and requirements that must be passed to the instructors.
Naisipan ni Steinhart na lumabas at i-treat ang sarili. Matagal na rin siyang naging abala sa mga business nila sa school at ang pagbibigay tuon sa club. Wala rin maman siyang interes sa pagsali sa mga sport sa university.
Ilang beses na siyang napabuntonghininga dahil makailang ulit na niyang tinawagan si Nimrod, halos mapudpod na ang daliri niya sa pag-dial ng numero ng kaibigan. Gusto niyang imbatahan ang kaibigan na samahan siyang gumimik ngayong araw, ngunit malabo yatang mangyari ngayon dahil mukhang may pinagkakaabalahan ang kaibigan niya. Tumayo na si Steinhart nang maayos at lumabas na sa café kung saan sana ang meetup nila ni Nimrod.
Nasa hawak na cellphone ang atensyon niya na seryosong inilalagay sa bulsa ng suot na jeans. Nakaporma pa man din siya ngayong araw, suot ang navy blue na long sleeves, jeans, at puting rubber shoes. Hindi namalayan ni Steinhart na may babae na kamuntikan niyang mabangga, gayumpaman ay humingi pa rin ito ng pasenya. Ngunit laking pagtataka ng binata na nanatiling nakalapit sa kaniyang tabi ang dalaga. Nadagdagan pa ang pagtataka niya dahil sa mga mata na mayroon ang babae. Nangingilid ang mga luha nito at hindi nakaligtas sa paningin ni Steinhart ang mga kahulugan ng mga mata na iyon. Takot. Takot ang mababakas sa mga mata ng babae.
"Ayos ka lang?" kaagad na tanong ni Steinhart. Humakbang muli ang babae sa kaniyang tabi, hindi makagalaw sa kinatatayuan si Steinhart kahit gustuhin niyang humakbang paatras.
"P-Puwede mo ba akong tulungan?" mahinang tanong sa kaniya ng dalaga. Base sa itsura nito ay tila magkasing-edad lamang silang dalawang at isa ring estudyante sa university.
Hindi mapakali ang babae at maya't maya ang tingin ito sa paligid.
"May problema ba—" Muntik nang mapatalon sa gulat si Steinhart nang kumapit ang babae sa laylayan ng long sleeves niya.
"K-Kung ayos lang . . . may humahabol kasi sa akin. Puwede . . . puwede bang magpanggap kang boyfriend ko?"
Kunwari ay napaubo si Steinhart sa narinig. Hindi niya inasahan na may lalapit sa kaniya at sasabihang magpanggap siyang boyfriend.
Ilang segundo rin natuod si Steinhart dahil sa pagkagulat. Binasag lamang ang katahimikan sa pagitan nila nang may lumapit na isang lalaki. Walang sabi nitong hinablot ang braso ng babae na nakahawak sa damit ni Steinhart.
"Kung kanino ka na naman lumalapit! Halika na! Umuwi na tayo!" galit na singhal ng lalaki sa babae.
Sa kabilang banda ay nanatiling nakayuko ang dalaga na nakakapit pa rin sa damit ni Steinhart.
"Break na tayo, Arjay! Please, layuan mo na ako!" Umiyak na nang tuluyan ang dalaga. Hindi na nakapagpigil pa si Steinhart at hinawakan niya ang braso ng dalaga na hawak ng lalaki upang ihiwalay ito. Pumagitna siya at maingat na hinawakan sa palad ang babae upang mabawasan ang takot na nararamdaman nito. Pinili ni Steinhart na itago sa likuran niya ang babae na tila itinatago.
"Excuse me, mister? You two are separated, why are you still approaching her?" Steinhart asked calmly.
He swallowed his own saliva because the man suddenly looked at him like he just stabbed him. Based on his clothes, the man looked decent. But this was not the reason because based on his words and actions, it made the man seem out of his mind.
"At sino ka naman? Pakialamero ka! Hindi ako pumapayag na maghiwalay kami! Kaya halika na, umuwi na tayo, Zandra!" galit na galit ma singhal ng lalaki at halos tumalsik na ang laway sa mukha ni Steinhart.
Naramdaman ni Steinhart ang paghigpit ng hawak ng babae sa palad niya. Napabuntonghininga na lang si Steinhart at hindi na inisip ang magiging kahihinatnan ng desisyon.
"Wala kang karapatang sigawan Zandra. Gusto kong ipaalam sa 'yo na girlfriend ko siya at boyfriend niya ako."
May ilang mga tao sa paligid na kanina pa sila pinagtitinginan. Sino ba naman ang hindi maaagaw ang atensyon sa ginawang iskandalo ng lalaki? Maging si Steinhart ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.
***
Nasa isang coffee shop muna sila tumuloy. Nakabalik na mula sa counter si Steinhart dala ang mga in-order na mga pagkain at inumin para sa kanila ng dalaga.
"Pagod na ang magkabilang tainga ko sa pagsasabi mo ng sorry. 'Wag mo nang isipin 'yun, basta mag-iingat ka na lang sa susunod." Umayos na ng upo si Steinhart at nagsimula nang kumain.
"Pasensya na talaga—" Saktong nakabuka ang bibig ni Zandra kung kaya't diretso na ring pumasok sa bibig nito ang bun ng hamburger.
"Ang kulit, kumain ka na nga."
Napilitan tuloy si Zandra na nguyain ang pagkain na nasa bibig. Napatingin naman si Steinhart sa touchscreen cellphone niya kung tumugon na ba sa text message o call si Nimrod, ngunit dismayado siya dahil ni tuldok ay walang natanggap ang binata mula sa kaibigan.
Itinuon na lang niya ang atensyon sa dalaga, tutal ay wala naman siyang gagawing importante ngayong araw. Kinlaro muna niya ang lalamunan bago magsalita.
"Hindi sa nangingialam ako, pero may itatanong lang ako. Ilang araw na ba kayong hiwalay no'ng lalaki kanina? 'Yung ex-boyfriend mo?" Sumimsim siya sa milktea matapos magbato ng tanong. Panatag na ang loob niya ngayon hindi tulad kanina na halos mangatog ang magkabilang binti niya dahil sa kaba. Nangangamba siya dahil baka bigla siyang ambahan ng lalaki dahil nagpakilala siyang bagong boyfriend ng dalaga.
"Last three months. Gusto ko nang lumayo, pero hindi ko magawa. Kailangan ko pang ayusin mga requirement na kakailanganin sa university."
Palihim na napakamot sa noo si Steinhart dahil umiiyak na naman ang dalaga. May ilang tao sa coffee shop ang pinagtitinginan na sila, baka pagkamalan pa na pinaiiyak niya ang kasama.
"Pasensya na. Ito panyo, oh. Huwag ka na umiyak." Inabot naman kaagad ni Zandra ang panyo mula kay Steinhart. Nang mahimasmasan ito ay nagpatuloy sa pagtanong ang binata.
"Kung tatlong buwan na pala kayong hiwalay, bakit sinusundan—"
"Hindi ko rin alam, ayaw ko na talaga sa kaniya, pero hindi niya maintindihan. Noong una, maayos naman siya, pero nang tumagal, parang nag-iiba na ang ugali niya, parang ang possessive niya. Nakipaghiwalay agad ako kasi nasasakal na ako sa relasyon namin."
Naikuwento ng dalaga na madalas na nasusunod dapat ang gusto ng lalaki. Tila kinokontrol siya nito sa mga gagawin at kilos niya. Minamanipula ang mga desisyon na gagawin ng dalaga. May mga araw na halos manakit na ito sa sobrang selos, kahit na magpaliwanag si Zandra na ang mga kasama niya ay mga kaklase niya sa department, nagiging mainit ang ulo ng lalaki kapag may kasamang iba ang dalaga. The woman also felt the man's frequent flirting with her, unspoken caresses, and even the kissing her body which was what worried Zandra.
Inilapag ni Steinhart ang malaking cup sa mesa. Nakuha na niyang maubos ang laman ng malamig na milktea sa pakikinig kay Zandra at dahil doon ay napagdugtong niya ang mga ideyang nakalap nito.
"He doesn't really love you. The truth is, he is obsessed with you."
#
BINABASA MO ANG
Mark The Code [ COMPLETED ]
Misterio / Suspenso"Do you want to follow me silently or do you want me to make a big fuss about it as well? But if you really want to stir things up, just go ahead. It's your decision to choose whether or not sacrifice your lives." "Be careful what you tell people. A...