A/Note: Warning: This story is R18, every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.
Disclaimer: This is a work of fiction.
One day, Steinhart lost consciousness. That whole day was a time when the images he saw in his mind became clear. Did he have to be thankful for the incident he was involved in? Because of the blow of something on his head was the reason why the ideas gradually formed in his mind.
Naging malinaw na sa kaniya ang nakaraan niya kung kaya't nagkaroon siya ng lakas ng loob upang harapin na ang mga ito.
Hindi muna siya pinayagan ng mga pangalawang magulang na makapasok sa paaralan. Minabuti ni Steinhart na magpahinga sa sariling kwarto. Matapos maibalita ang nangyari sa kaniya ay kaagad siyang pinuntahan ng mga magulang at dinala sa bahay ng mga ito upang doon magpagaling at maalagaan. May kalayuan lang sa apartment na tinutuluyan niya.
Gayumpaman ay napagpasyahan ni Steinhart na gamitin ang oras upang puntahan ang mga lugar na nakita sa panaginip niya. Inumpisahan niyang alamin ang dating tirahan ng mga yumaong magulang. Isa ito sa mga bagay na lagi niyang nakikita sa panaginip. Nasa isang bayan siya kung saan may matatagpuan na mataas na kapatagan at ang dulo nito ay may napakalalim na bangin. Matapos magkaroon ng mga ideya na naisulat niya sa isang malinis na papel ay nagpaalam muna siya sa mga itinuring na bagong pamilya, na magiging huli na rin nilang pagkikita.
Alam ni Steinhart na maiintindihan ng mga ito ang pag-alis niya. Naniniwala siya na magkakaroon ng kasagutan ang mga nawawala sa pagkatao niya.
Gamit ang lumang motorsiklo na iniregalo sa kaniya ng stepfather niya, sinimulan na niyang bumiyahe. Ilang kilometro man ang layo ng lugar na kaniyang pupuntahan ay matiyaga siyng nagpatuloy. Halos isang oras na rin siyang babad sa araw at hindi pa rin humihinto sa pagbiyahe. Naniniwala si Steinhart na magkakaroon ng sagot ang mga imahe na nanatiling misteryo.
Makailang beses na siyang nagtanong sa mga tao na nasa bayan. Ang ilan ay nagtataka kung bakit naitanong niya ang lugar na iyon. Napag-alaman ni Steinhart na pribado ang lugar na iyon at matagal na iyong nakasarado. Maging ang napakalaking bahay na nakatayo roon ay tuluyan nang nawasak. Balita na kung sino man ang magpunta roon ay buhay ang magiging kapalit. Takot ang mga tao na lumapit sa nasabing lugar dahil mainit na balita ang kumalat noon na ilang pamilya ang nabalitaan na pinatay at inilibing doon.
"Maraming salamat po sa impormasyon." Nahuli ng kaniyang paningin ang pag-aalala sa mga mata ng mga nakausap.
Sa kabila ng mga paalala ng mga taong napagtanungan ni Steinhart ay lalo pa siyang nagkaroon ng lakas ng loob upang magpatuloy. Napahinto siya nang mapansin na hindi na sementado ang daan na dinadaanan niya. Nang ilibot niya ang paningin sa paligid ay tila isang gubat na ang kaniyang papasukan kung itutuloy niya ang pagsunod sa daan. Nagtataasan ang mga matatandang puno ang nasa paligid, maging ang mga ligaw na damo ay tila itinatago ang lugar.
Muling binuhay ni Steinhart ang motorsiklo. Sa layo ng biniyahe niya ay aatras pa ba siya? Nagpatuloy siya hanggang sa makapasok sa masukal na gubat. Kinailangan na niyang gamitin ang ilaw ng motor upang makita ang nasa harapan. Lamig kaagad ang nararamdaman niya marahil sa napakaraming halaman at puno sa paligid. Hindi na kaya pang tumagos ng sinag ng araw sa loob gawa ng mayabong na mga dahon mula sa iba't ibang mga punong kahoy.
Kalahating oras na si Steinhart sa loob ng gubat. Tila walang katapusan ang daan na tinatahak niya. Kung ano-ano na ang kaniyang naririnig na tunog mula sa mga insekto. Hanggang sa may kaunting liwanag siyang naaninag sa hindi kalayuan. Hindi inaasahan ni Steinhart ang biglaang pagtirik ng motor na sinasakyan. Ginawa niya ang lahat para mapaandar muli ang motor, ngunit hindi na ito gumana pa. Marahil ay sa layo ng biniyahe niya ay hindi na nito nakayanan pa at sumuko na.
BINABASA MO ANG
Mark The Code [ COMPLETED ]
Mistério / Suspense"Do you want to follow me silently or do you want me to make a big fuss about it as well? But if you really want to stir things up, just go ahead. It's your decision to choose whether or not sacrifice your lives." "Be careful what you tell people. A...