False Story

35 7 0
                                    


Steinhart Sevilla Pov

The long night began and the mess was getting more difficult to solve. I was standing behind Neiza who was sitting on a chair facing the computer screen. She pulled out her phone and looked at something. I also tried to peek without her noticing. I saw that she was reading cryptographs, which were basically messages that were written in codes. Nimrod gave a ballpen to her and she picked up a piece of paper from the table, then she began to decode it.

Abala ito sa pagsagot. Maingat kong kinuha ang cellphone nito para pag-aralan din ang Caesar cipher na sinasabi nito. Nang matapos niya itong masagutan ay naguguluhan pa rin ito sa nakita niyang sagot mula sa mga code. Nang tingnan ko ito ay may mga bagay akong naisip. Mabilis kong kinuha ang ballpen sa kamay nito at isinulat ang mga ideya sa isip ko bago pa ito mawala at maligaw sa isipan ko.

Akmang ibabalik ko na ang cellphone nito nang aksidente kong mapindot ang back button, nag-flash sa screen ang home screen nito at ang wallpaper ay si Neiza kasama ang isang estudyante rin na lalaki na kasing-edad rin nito.

"Sirius."

Wala akong ideya na nasa tabi ko na pala si Nimrod. Nagtaka ako sa pangalang binanggit nito.

"Ha?" I asked with a hint of annoyance in my voice. I turned to him and found him smiling at me. I raised my right eyebrow because he suddenly snatched the phone in my hand.

"This guy is Sirius Feliciano." Kahit na hindi ko itanong kung sino nga ba ang kasama ni Neiza ay sige pa rin si Nimrod sa pagsasalita.

"Bagay sila, 'no?" Ngumiti pa ito nang nakaloloko, mapang-asar talaga.

Biglang nagbago ang ihip ng hangin sa mga nangyari at natuklasan ko. Napansin na rin ni Neiza ang kakaiba sa pagkilos ko kung saan naiirita na rin siya. Kasalanan ito ni Nimrod, kung hindi niya lang ako inasar kay Neiza simula pa noong una ay walang emosyon na mabubuo sa loob ko, sa puso ko.

I was talking to Neiza with a tone that got her irritated. She was talking about how my life was in danger, that I had to stay here 'cause it was safer, but I quickly cut her off. I didn't want to sit and wait in the office and my decision was final, she had nothing to do about it.

I didn't know why I wanted to keep her away from harm, that even if my life was at risk, I'd sacrifice it for her safety.

Neiza walked over the door and I swiftly followed her. I noticed that I was a bit taller than her, and suddenly, there was a man who was holding a bucket and a mop. I think he was the janitor.

I got this feeling about him, he looked very suspicious, and seemed like he was hiding something.

Lumabas na ako ng opisina at nakita ko na tiningnan ako ni Neiza. Itinaas ko lang ang kaliwang kilay ko na parang itinatanong ko kung ano ang tinitingnan niya. Sumandal na lang ako sa pader at hinintay sila matapos sa pag-uusap ng matandang lalaki. Bahala na kung tuluyan na itong mainis sa pakikitungo ko sa kaniya.

Walang ibang umiikot sa isip ko kundi ang lalaking nabanggit ni Nimrod kanina. Sirius.

Who's that Sirius guy?

My eyes caught a red spot on the janitor's sleeve. I was about to open my mouth to ask what it was when Neiza beat me to it.

Nagsimulang magkuwento ang matandang lalaki. Nabanggit niya na may nakita itong tao na pinaghihinalaang suspek, may bitbit daw ito na baseball bat nang papunta ito sa cafeteria para maglinis. Nagsimula na akong magtaka kung totoo ba ang mga pinagsasasabi niya. Maaaring siya mismo ang suspect at nililito niya lang kami para hindi namin siya panghinalaan.

Telling us a false story to lead us in the wrong direction.

After their conversation with the janitor, Neiza just walked past me and I followed behind her like a lost puppy. We were heading to the cafeteria and until now, she remained quiet.

I breathed deeply and opened my mouth to start a conversation with her. "I smelled something strange, I can't explain the feeling with that man earlier," I told her.

She stopped and looked around.

"I didn't know that the rumors about the ghost here in the school are real! Gosh! I can feel the shivers creeping up on me!" she sarcastically said.

Napalunok na lang ako ng sarili kong laway sa sinabi nito at natahimik. Bumalik na lang kami sa paglalakad. Tanging mga pagtapak namin sa sahig ang maririnig, maging ang sarili kong paghinga ay hindi ko na rin marinig. Dala na rin siguro ng dilim sa buong paligid. At dahil gabi na ay kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko. Lalo ko lang tinatakot ang sarili ko. Para ilihis ang atensyon ko ay nilakasan ko ang loob ko para magsalita at kausapin siya.

"Neiza? Gusto mo bang pumunta tayo sandali sa auditorium? Baka sakaling may naiwang clues doon mula sa suspect o victim na makakatulong sa atin para mahanap ang may gawa no'n kay Liam."

Dahil doon ay napatigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Muli ay nagtagpo ang mga mata naming dalawa, mga tingin na puno ng pagtataka. Huminga ako nang malalim at umayos ng tayo.

"Do you know who the killer is? I have this feeling . . . but it's just a hunch, don't be offended. It's about your uncle, if you observed him earlier, he acts . . . suspiciously. Remember he left us three there at the office? He told us that he looked for the teachers outside, right? What if he went to the auditorium and killed Liam? Then after that, he came back looking so anxious about something."

She was just looking blankly at me.

"What if that's only an act? He showed us a photo and told us that the janitor saw Liam's body, too. What if your uncle asked for help from the janitor? Then the janitor has no choice but to refuse at the order of the principal. Also, what if the janitor told us a false story to lead us in the wrong direction?"

Naguguluhan ito sa mga narinig niya mula sa akin, bakas na bakas iyon sa mga mata nito na seryosong nakatingin sa akin.

"Naalala ko mga binanggit ni Nimrod sa akin noon tungkol sa insidente sa gymnasium. Si Liam ang estudyante na tumawag ng pulis para maimbestigahan ang nangyari. Hindi ba't ayaw ng uncle mo na may pumuntang mga awtoridad sa school? Kaya ang ginawa nila, pinatay—"

Isang malutong na sampal na tumagos sa pisngi ko. Kumalat kaagad ang hapdi doon at nabaling pa ang ulo ko sa lakas ng pagsampal nito. Pakiramdam ko ay mababali na ang ulo ko at mahihiwalay sa katawan ko ano mang segundo. Marahan kong hinawakan ang kaliwang pisngi ko na kumikirot at hinarap si Neiza. Hindi nakaligtas ang mga mata nito sa akin na may namumuong luha na ilang minuto na lang ay babagsak na, ngunit pinipigilan niya ang mga ito.


#

SEARCHING STUDENT X [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon