A/Note: Warning: This story is R18, every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.
Disclaimer: This is a work of fiction.
Someone's Pov
Sa tuwing sasapit ang hell week sa university—sa ibang tawag ay ang quarterly exam o final examination—may mga matiyagang nag-aaral at ang ilan ay nagsusunog ng kilay para makapasa sa pagsusulit. Ngunit may pagkakataon sa isang klase ay mayroong nandadaya. Hindi na nila kailangan pang mag-aral magdamag para malaman at masaulo ang mga leksyon nila sa klase. Ang tanging gagawin lang nila ay ang magbayad ng malaking halaga ng pera.
Makailang ulit na niyang naaktuhan na may kakaibang kilos na ginagawa ang isang estudyante na kaniya ring matalik na kaibigan. Malinaw sa paningin niya ang pandaraya na ginawa nito, ngunit takot siyang isumbong sa mga guro. At dahil kaibigan niya ito, hindi rin niya ito gustong mapahamak.
Naging bulag at bingi siya sa tuwing mahuhuli ang kaibigan. Tatahimik at hinahayaan na lang niya ang kaibigan sa maling gawain. Natatakot siyang ilantad ang katotohanan sa mga guro dahil sa oras na malaman ng kaniyang kaibigan na isinumbong niya ito ay hindi niya kakayanin ang magiging kapalit.
Hindi niya kayang magsumbong kung kaya't may isang tao siyang nilapitan para humingi ng tulong. Kailangan nang matigil ang ginagawang pandaraya sa tuwing examination sa university.
***
Medalion University.
Papasok pa lang sa university ang mga estudyante ay abala na ang mga ito sa pagtingin sa kanilang hawak na notes, reviewers na gawa sa itinuping mga bond paper na puno ng highlights; ang iba ay kausap ang mga sarili, tila may minememoryang mga salita, at pawang may mga kapangyarihan ang mga ito na kahit tutok sila sa pagtingin sa kanilang mga hawak ay hindi sila natatapilok, hindi sila nababangga sa ibang estudyante, at alam nila kung saan sila maglalakad. Sa kabila ng konsentrasyon ng mga estudyante ay pasipol-sipol lang ang isang binata na nagngangalang Austin Guzman.
Five hundred pesos ang isang subject.
Isang text message ang natanggap niya na dahilan para maging malapad ang ngiti niya sa labi.
Ano pa'ng mga hawak mo? Nakahanda akong magbayad, tugon nito sa natanggap na text message.
Ibinulsa niya ang touchscreen cellphone at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makapasok na sa university.
***
"Hell week is real!"
Ramdam niya ang bigat nang umakbay si Nimrod sa balikat ni Steinhart. Muntik pang mabitiwan ni Steinhart ang hawak na reviewer na buong gabi niyang ginawa. Mabuti na lang at hawak-hawak niya ito nang maayos. Mabilis niya itong inirolyo at nang makasigurado na ito puwedeng nang ipanghampas ay walang sabing sinampal niya si Nimrod na walang kamalay-malay.
"What the—" Hindi natuloy ang pagmumura ng binata nang ambahan pa siyang muli ni Steinhart.
"One profanity, Nimrod. Say it or else," seryosong sabi ni Steinhart, natahimik ang huli at umakto pa na tila may zipper ang bibig nito at isinara upang hindi makapagsalita.
"Why so serious?" Umayos na sila ng tayo at nagpatuloy sa paglalakad.
"May pangarap pa ako sa buhay. Ikaw? Puro kagwapuhan na lang?" Itinuon ni Steinhart ang atensyon sa pagre-review. Napahinto siya kaagad sa narinig at tiningnan nang seryoso ang kaibigan. Binalingan naman siya kaagad ni Nimrod.
"Nag-review na ako, kahapon pa. Basic my friend!"
Nakarolyong muli ang reviewer ni Steinhart at inihampas muli iyon kay Nimrod na sobra ang confidence sa sarili.
"Tapos ako ngayon ang guguluhin mo? Respeto naman, kaibigan!" Ipinagdikit ni Nimrod ang magkabilang palad at nag-bow pa sa tapat ni Steinhart upang humingi ng tawad.
Nilagpasan lang ni Steinhart ang kaibigan. Kailangan pa niyang mag-aral dahil ilang oras na lang at mag-uumpisa na ang examination sa university.
***
Twenty students ang mayroon ang bawat section. Ten persons muna ang papasok sa loob ng kwarto at may isang oras sila para sumagot ng exam sa unang mga subjects. Nakaayos na rin ang mga upuan. Two seats apart ang agwat at tanging ballpen at isang pirasong papel ang dala ng isang estudyanteng sasagot ng exam. Ang ganitong paraan ng pagsusulit ng mga estudyante ay upang maiwasan ang kopyahan sa kapwa estudyante. Sa paraan ding ito ay madali ring mahuhuli ang sinumang magtatangkang mandaya. Ngunit gaano at kahit ano pang paghihigpit ang gawin ng isang guro ay may makalulusot sa mga ito. Ito iyong mga tipo ng estudyanteng walang kinatatakutan, nakahanda ang mga ito na kumilos nang hindi naaayon kahit na mahuli sila o siya ng guro. Iyon ay kung kaya silang mahuli ng kanilang mga guro.
Nasa isang sulok si Steinhart at tahimik na nakayuko na animo'y natutulog na. Nasa loob na ang ibang kaklase niya upang makapagsimula na. Kailangan pang maghintay ng iba dahil bente katao muna ang puwedeng pumasok.
Bukod sa pagsasaulo ng mga leksyon, dumagdag pa ang isang mensahe na iniabot sa kaniya ng isang kamag-aral na lalaki.
"Linkages."
Napabuntonghininga na lang ang binata. Ang dami na niyang iniisip at dumagdag pa ang isang problema.
May mga tao talagang dapat itumba sa mga panahong ito para magtanda sa mga maling ginagawa nila.
"Ako bahala. Relax lang kayo, makakapasa tayo." Sinundan ito ng mahihinang pagtawa ng grupo ng mga estudyante.
Nahagip iyon ni Steinhart at nagsimula nang magduda. Rumehistro sa kaniyang isipan ang itsura ng lalaking nagsalita. Nahagip ng lente ng mata niya ang mga kasamahan niya at nakita niya si Frost, ang nag-abot sa kaniya ng secret code. Nagpalitan sila ng makahulugang tingin at nagpatuloy sa paglalakad kasama ang kanilang suspect.
Ang pangalan ng lalaki ay Austin Guzman. College of Computing Studies. Their newly elected PIO. Kilala ng mga estudyante sa university. Friendly, humble, talkative, at iba pa. Hinahangaan ng iba dahil sa pagiging mabuting modelo nito sa university, ngunit may isang tumututol doon—si Steinhart. Sa kabila ng magandang impresyon ng mga estudyante sa lalaki ay may hindi kaaya-aya itong itinatago sa suot na maskara.
Hindi na nag-abala pa na sabihin ang natanggap na mensahe sa kaniyang mga kaibigan. Alam niyang mas importante ang araw ngayon at kailangan nilang makapasa sa bawat exam.
Sana lang talaga ay hindi maapektuhan ang magiging grado ko habang may iba akong dapat gawin.
Students even choose to make money out of cheating by selling tests and answers.
#
BINABASA MO ANG
Mark The Code [ COMPLETED ]
Misterio / Suspenso"Do you want to follow me silently or do you want me to make a big fuss about it as well? But if you really want to stir things up, just go ahead. It's your decision to choose whether or not sacrifice your lives." "Be careful what you tell people. A...