Someone's Pov

29 7 0
                                    


Note: Warning: This story is R18, every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.


SOMEONE'S POV


Mula sa administrators' building ay bumaba ako sa ground floor at pumunta sa auditorium. Naramdaman ko kaagad ang pagbalot ng malamig na hangin sa katawan ko na tumagos hanggang sa kalamnan ko. Tiningnan ko ang oras sa suot kong wristwatch.

6:45 p.m. Napahinga ako nang malalim at umaktong normal ang lahat.

Palabas na ng academy ang mga estudyante, marahil ay hindi na sila makapaghintay na makauwi. Habang ako ay may gagawin pa sandali. Tuluyan nang naghari ang dilim sa paligid, maririnig na rin ang tinig ng mga kuliglig at iba pang mga insekto.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko. I texted him to meet me at the auditorium.

Nang makarating ako sa auditorium, umakyat ako sa stage, itinago ko sa gilid ang malaking baseball bat sa tabi ng mga naglalakihang mga speaker. Kinapa ko rin ang nakatago na hindi kalakihang manipis na kutsilyo sa aking likuran. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng lugar upang masigurado na walang tao o estudyante pa ang nasa loob.

"Mabuti na ang nag-iingat."

Bumaba ako sa stage at naupo sa isa sa mga upuan sa unahang parte habang hinihintay ang bisita ko. Ilang sandali pa ay may narinig akong mga yapak na bumasag sa katahimikan ng buong auditorium.

"Nandito na siya."

Pumunta siya sa stage at sinipat pa kung may tao. Umakyat na rin ako para hindi na magtagal pa ang mission ko. Gulat ito nang lumingon sa kinatatayuan ko. Tumingin ito sa hawak niyang cellphone at muling bumaling ito sa akin.

"A-Are you . . . t-the one w-who texted m-me?"

Tumango lang ako bilang sagot. Nararamdaman ko na unti-unting siyang nakararamdam ng takot. Palihim akong ngumiti.

"Pero—" Napahinto siya sa pagsasalita nang mabilis akong lumapit sa kaniya at itinapat sa mukha nito ang manipis at matalim ko na kutsilyo.

Siya ang lalaking tumawag ng mga pulis noong nakaraang linggo. Kung hindi lang siya nangialam, siguradong magiging mahaba pa ang buhay nito. Hindi tulad ngayon na ilang minuto na lang ang natitira ay malalagutan na siya ng hininga. Hindi niya lang alam kung ano ang gagawin ko nang maglibot ang mga pulisya sa academy. Sa oras na makita nila ang mga plano ko ay mawawala ang lahat ng pinaghirapan ko.

"Huwag po! Nagmamakaawa po ako! Huwag n'yo po akong patayin!'' he pleaded while his whole body was shaking in fear. His irritating voice was making me want to slash his throat.

"Kung na nanahimik ka lang, wala ka sana rito ngayon! Pero hindi! Ikaw ang gumawa ng sariling mong hukay kaya tanggapin mo ang parusa!" I hissed while pointing at the ground to give emphasis to what I was saying. I shouted with so much anger in my voice while his head was still facing the floor, begging for mercy.

Itinago kong muli ang kutsilyo sa likuran ko. Pumunta ako sa mga speaker at kinuha ang baseball bat. Maingat ko itong hinawakan gamit ang magkabilang kamay ko para hindi makagawa ng kakaibang ingay. Akmang babangon ang binata nang walang sabing hinampas ko ang hawak ko sa ulo nito. Tuluyan nang humandusay sa sahig ang binata na ngayon ay wala ng buhay.

His head was smashed, his thick blood spilled on the polished floor, his head was crushed, and his eyes were wide open. Blood was flowing out of his mouth and his white polo shirt turned bloody red.

Kinuha ko ang cellphone nito at mabilis na binura ang text message ko sa kaniya. Hindi na ako nagtagal pa at iniwan ko na ito sa malamig na sahig.


#

Mark The Code [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon