OS32

46 3 0
                                    

LETTERS
-
nandito ako ngayon sa room mag Isa lang ako ngayon, balak ko kaseng ilagay ang letter na I sa table niya eh.

Eto lang kase ang way para maconfess ko feelings ko kay mark.

Sumilip muna ako sa paligid bago ko idikit ang sticky note na may nakasulat na letter I SA table niya.

Nang mailagay kona ito ay nagmadali akong lumabas ng room.

"AY PALAKA!" tili ko ng magulat ako sa biglaang pagsulpot ni ana ang aking chismosang best friend.

"Gulat na gulat sa ganda ko " pagbibiro nito kaya napairap ako saka ako nagmadaling hilahin siya papunta ng locker ni mark.

"Oh anong gagawin natin dito?" tanong niya.

Agad agad naman akong kumuha ng Sticky note saka ko ito sinulatan ng letter L pagtapos ay idinikit kona ito sa locker niya.

Letter G na codename ang nilagay ko dun. Madaming letter G ang umpisa ng name sa room at sa buong school kaya walang problema.

"tara na." saad ko kay ana saka ko siya hinila papunta ng canteen.

"Hoy gemmie ano yung ginawa mo kanina?" tanong ni ana saken.

"ayoko kaseng mag confess ng feelings ko kay mak in person kaya dinadaan ko sa letters." Sagot ko.

"Ay torpa naman neto" Kumunot naman ang noo ko.

"Torpa?" tanong ko.

"Edi torpe pashnea ang arte neto." Sabe nito kaya napairap ule ako.
--
"Aray alam mo walang araw na di mo ako hinihila." Angal ni ana ng hilahin ko siya paupo sa bench. Nagmamadali naman akong nagsulat ng letter O sa sticky note saka ko ito nilagay sa notebook ni mak/mark.

Kame kase ang inutusan na magdala ng notes sa office ng teacher namin.

"Ay gaga nagmakahirap kapa i love you lang naman sasabihin mo." Sabe nito saka ako kinotongan kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hiyang hiya ako sayo ha di ka nga makapag confess sa crush mo eh." Saad ko saka ako tumayo at binitbit ang mga notes namin.

"sabe kase ni mama dapat daw mahiya din ako minsan." Pagdadahilan pa nito.

"Sabagay minsan kalang naman magkaron ng hiya eh." Pang aasar ko pa natawa naman ako ng makatanggap ako ng hampas sakanya.
--
"Oh san mo na naman ako hihilahin?" tanong ni ana ng kapitan ko siya sa braso.

"dun sa room may ilalagay ako." Sagot ko walang nagawa si ana kundi ang magpahila nalang saken sakto walang tao sa room.

Pagkarating namin sa room ay agad agad kong nilagay ang sticky note na dalawa na may nakasulat na V and E.

Pagtapos kong maidikit ito ay hinila kona agad si ana paalis ng room.
--
Ngayon ay nandito kame sa may bench ni ana inaayos kase namin ang test papers ng mga kaklase namin na kakatapos lang check an.

Napangite naman ako ng mahanap ko ang test paper ni mak, siya ang highest samin ang talino talaga niya.

Agad agad ko namang dinikit sa test paper niya ang tatlong sticky note na may nakasulat na letter Y, O and U.

"tara na." Aya ko kay ana ng matapos ako.

Si ana kase ang pagpapanggapin ko na inutusan ni ma'am na kumuha ng mga test papers.

Pagpasok namin sa room ay napangite ako dahil wala dito si mak.
--
"hoy anong muka yan?" tanong ni ana ng makita niya na nakasimangot ako.

"Mukang maganda....aray pashnene ka ah." bulyaw ko ng hampasin ako nito.

"Korni ng joke mo eh." Sabe nito saka tumabi saken.

"gaga di ako nag jojoke." Saad ko saka ko siya inirapan.

"So baket kanga nakasimangot?" tanong niya.

"nakita ko kase si mak kausap niya si celine." Saad ko.

"Selos ka agad tandaan mo walang kayo.....ouchray." Angal niya ng hampasin ko siya.

"Alam mo pakyu ka. Ikaw kase papalit palit ka ng crush, ako kase nafocus talaga ako ke mak ewan ko ba it's hard to uncrush him.... Ano ba!" bulyaw ko ng hampasin niya ako.

"biglang english ah." Sabe nito.

"Pumasok nalang tayo." Aya ko tumango naman siya saka kumapit sa braso ko kaya naman naglakad na kame papuntang room.

Nang makarating kame ng room ay nakita ko agad si mak na seryosong seryoso ang muka habang hawak ang mga stickynote na nilagay ko sa locker at bag niya kaya naman kahit kinakabahan ako ay umupo ako sa desk ko saka ko sinubsub ang muka ko sa table ko.

"Sayo galing to diba?" nilingon ko naman ang boses na nagsalita, nanlaki mata ko ng makita ko si mak sa harap ko.

"Sayo to galing diba?" tanong niya ule, napanguso ako saka ako dahan dahan na tumango.

"isinosoli ko yan sayo." Sabe niya kaya mas lalo akong napanguso.

"Ok lang atlis na confess ko diba wala na akong poproblemahin." Saad ko.

"Arrange it and read it." utos nito kaya kumunot noo ko.

"Baket? Nabasa mona diba?" tanong ko.

"Just read it." Seryosong sabe nito kaya Naman inarrange ko mga sticky note na sinulat ko.

" I LOVE YOU." Basa ko.

Kumunot naman noo ko ng may ilagay siyang papel sa desk ko na nakatiklop pa.

"TOO,MORE?" takang basa ko.

"Yeah, you love me right? Then i love you too/more." Sabe niya habang nakangise kaya napanganga ako.

"Sabay tayong magrecess mamaya." Sabe niya saka ako biglang hinalikan sa noo na ikinagulat ko.

nang tignan ko siya ay nakatingin din ito saken, ngumiti siya saken saka tumango.

"Oh sana all" sabe ni ana kaya mas lalong namula muka ko.

ONESHOT STORIESWhere stories live. Discover now