OS33

40 2 0
                                    

Nandito kameng magkakaibigan ngayon sa likod ng school which is garden. Boring na boring kame kanina kaya umalis kame sa ground at sa pila namin.

Foundation day kase ngayon at ang daming ganap, mahaba din ang program.

Marami ding games at booths na ginawa pero di namin ma enjoy kase ang pabebe ng mga babae na sumasali sa mga games at booths parang mga tanga.

"kanina pa tayo dito Shane akala ko ba lalabas tayo ng school?" tanong ni carmin na buryong buryo na din sa buhay.

"Easy lang pinapaalis kolang mga tao dun sa likod. Dun kase tayo sa pader dadaan." Saad ko

"Gaga ka ang taas nun at medyo may bubog pa." Sabe ni Kira.

"Hindi yan mag ingat nalang tayo." Saad ko.

"Mamaya sumabit panty natin don eh." Carmin.

"Hindi ah wag lang tayong tatanga tanga. Tara na tumayo na kayo jan mamaya mag ikot ikot pa ang bebelabs kong si kenzo." Saad ko tumayo naman ang dalawa at sumunod saken.

Maingat na maingat kame habang naglalakad dahil baka mamaya may makakita samin.

"Mauna kana Carmin since ikaw pinaka maliit." Saad ko.

"kaya ba talaga natin yan?" tanong ni kira habang lumilingon lingon sa paligid.

Siya kase ang pinapa check ko kung may tao bang pupunta din dito.

"Kaya yan sige na carmin sumakay ka sa balikat ko." Saad ko.

Sasakay na sana si carmin ng mapatigil ito na ikinataka ko.

"Hoy anyare?" tanong ko.

"Where do you think you're going?" napatingin naman ako sa taong nagsalita.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko na si kenzo ito kaya naman nanigas kameng tatlo sa kinatatayuan namin.

"Ah eh ah hinahanap ako ni jake sige bye " sabe ni carmin saka kumaripas ng takbo.

"CARMIN!!" sigaw ko pero nakalayo na ito.

"Ako din hinahanap ako ni yuno." Sabe ni kira.

"HOY KIRA!!" sigaw ko ng tumakbo din ito paalis.

Nakakabwiset baket kase wala akong bf? Wala tuloy akong maidahilan dito kay kenzo.

Napalunok naman ako ng makita ko na kunot noo itong nakatingin saken.

"K-kenzo wag mona ako idetention please?" saad ko saka ako nagpuppy eyes sakanya.

"You're so stubborn kelan kapa natutong mag ditch? Hindi mo ba alam na kapag umakyat ka sa pader na yan ay maaari kang masugatan or mahulog? Napaka tigas ng ulo mo." Sermon nito saken saka ako pinitik sa ilong kaya napahawak ako sa ilong ko. Napanguso naman ako. Enebeeee kenzeee beket ke genyeeeeen heeee.

"Sorry na please wag mona ako idention." Saad ko saka ako nag please sakanya using my both hands.

Bwiset na mga kaibigan ko eh palibhasa kase mga takot ma detention ng 8 hrs.

"Wag kang ngumuso at magpacute jan pasaway na bata." Sabe nito kaya napasimangot ako.

Baket ganun? Sa mga boybestfriend ko naman natalab pagpapakyut ko, baket dito sa crush ko hindi? Bwiset na yan ayoko ma detention ng walong oras mas nakakaboring yon.

"WAAAAH KENZO IBABA MO NGA AKO WAAAAH HUHU AYOKO SA DETENTION ROOM!" tili ko ng bigla nalang niya akong hilahin ng pa bridal style.

"Maglikot kapa, ihuhulog na kita dito sige." Pagkasabe niya nun ay agad agad akong humawak sa leeg niya.

"Baket ba kase binuhat mo pa ako? Lakas maka bagong kasal neto ah." Saad ko.

"You're so talkative." Sabe nito saka ako inirapan.

Attitude neto eh.

"Sige na kase kenzo ayoko sa detention room pero kung sasamahan mo ako ok lang." Pagbibiro ko saka ako mapang asar na ngumiti sakanya

"Don't tease me Shane i'm not in the mood." Sabe nito kaya napanguso ako. Napayuko naman ako ng pagtinginan kame ng mga tae este tao sa may hallway. Mga chismosa at chismosong talaga sila eh.

"Don't mind them." bulong saken ni kenzo

Pulang pula ang muka ko dahil ingat na ingat niya akong binuhat WAAAH shet sana palagi nalang ganto. Magaan naman ako kaya walang problema si bebe kenzoq.

"kenzooooo ayoko talaga sa detention room huhu" Saad ko ng pumasok kame sa isang room.

Nang makapasok kame ay buhat niya pa din ako.

Nagulat naman ako ng may isang lalake na nasa gitna.

"Kenzo detention room ba to? Nabago na? Waaaah kenzo wag mo ako iiwan sa lalakeng yan ha." bulong ko.

"no wala tayo sa detention room." Sabe nito.

"Eh nasan tayo? Saka wala kabang balak ibaba ako?" Tanong ko.

"Read" tinignan ko naman ang tinuro niya saka niya ako binaba.

"Marriage booth?" gulat kong basa nang tumingin ako sakanya ay nakangite na ito saka ako nilagyan ng bulaklak sa gilid ng tenga.

Lumapit din ito saken saka ako nilagyan ng isang singsing.

Napakaganda ng singsing na'to at mukang mamahalin.

"Anong meron?" tanong ko.

"Papakasalan na kita." Sabe nito at inaya ako sa harap nung lalake.

"Hoy trip ba'to?" tanong ko.

"I'm serious tch." pagsusungit pa nito.

"Umpisahan mona." utos niya dun sa lalake.

"Will you take kenzo mariano as your husband?" tanong nung lalake.

"Ay yes tapos i do din." Sagot ko.

"Will you take--"

"Yes." Sabe ni kenzo nagulat naman ako ng hapitin ako nito sa bewang saka ako hinalikan.

Napaka bastos ng lalakeng to di pinatapos yung sinabe ng pari

Nang matapos niya akong halikan ay binuhat niya ule ako ng pa bridal style.

"Kenzo seryoso kaba talga?" tanong ko ng makalabas na kame ng marriage booth.

"Yeah sa susunod sa totoong simbahan na tayo ikakasal." Sabe nito saka ako hinalikan sa noo na ikinapula lalo ng muka ko.

"San tayo pupunta?" tanong ko ng maisakay niya ako sa Lamborghini niya.

"Honeymoon?" pasagot niyang tanong kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi pa tayo totoong kasal " Saad ko.

"Pero yung singsing totoo yan you're engaged to me." Sabe nito na ikinalaki ng mata ko

"TOTOO B--"

"totoong totoo." Sabe nito at kumindat pa

ONESHOT STORIESWhere stories live. Discover now