OS54

35 2 0
                                    

"Antagal naman." Angal ko dahil kanina pa ako dito nakapila sa bilihan ng mga libro, may libro kase ako na gustong bilhin. Di ko naman alam na madami palang bibili dito.

"Anong muka yan?" natatawang tanong saken ng kaibigan ko.

"Wala nakakainis kase ang tagal." Saad ko. Nakarinig naman ako ng mga impit na tilian at bulungan pero di ko iyon pinansin dahil nabubugnot ako.

Antagal kase pisteng yawa.

"Janic---"

Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko nalang na may labing dumikit sa labi ko halos maging kamatis ang muka ko ng malaman ko na magkadikit ang labi namin ng lalakeng nasa may likod ko.

"WAAAAAH!" tili ko saka ako napahawak sa labi ko, ngumise naman ang lalake.

Ang iba naman ay nagtilian at ang iba naman ay pinapatay na ako sa isip nila.

"PASENSY--"

"Sorry for my girlfriend attitude. Di niya kase ako pinapansin kanina pa kaya i kissed her." Sabe nito na ikinalaki ng mata ko.

"Pinagsasabe mo ja--"

"I'm sorry na baby. Wag kanang magalit, eto na yung librong gusto mo." Sabe nito saka ako hinalikan sa noo na ikinagulat ko.

Ibinigay naman niya saken ang librong hawak niya na ikinalaki ng mata ko. Eto yung libro na gustong gusto kong bilhin.

"Ano bang sinasabe m---"

"Please mag bati na tayo." Sabe nito at nagpacute pa, kamot ulo naman akong tumingin sa mga taong nakapalibot samin.

"Please " sabe nito at ngumuso pa. Naka shabu ata ang lalakeng ito ay.

"Sige baby." Pagsakay ko nalang sa trip niya, ngumiti naman ito saka ako niyakap na ikinagulat ko.

"Ano bang sinasabe mo kanina?" tanong ko sa lalake na'to. Nandito kase kame sa isang upuan, hinila ko siya dahil nga gusto kong itanong sakanya kung baket niya sinabe yon.

"Niligtas lang kita. Since kalat na sa lahat na girlfriend kita. Totohanin ko nalang. No more buts." Sabe nito at kumindat pa na ikinanganga ko.

"AN---"

"Iloveyoutoo" sabe nito saka ako kinurot sa pisnge kaya napanganga ako.

ONESHOT STORIESWhere stories live. Discover now