OS73

44 1 0
                                    

nakasimangot ako habang nakatingin sa mga books na kailangan kong reviewhin, ako kase ang napagtripan ng mga kaklase ko na isali sa math quiz.

Ako ang panlaban porket alam nilang bobo ako sa math, ampanget nila kabonding kainis.

nagitla naman ako ng may maglapag ng notebook sa tabi ko. Inangat ko ang tingin ko para tignan kung sino ito.

"axell, anong ginagawa mo dito?" tanong ko siya ang ssg president namin.

tumingin siya sa relo niya saka saken.

"Class hours, yann. Why are you still here?" seryosong tanong nito, napatingin ako sa wrist watch ko saka ako napatampal sa noo ko

Shuta, ma d-detentiom na naman ako. Hindi ko namalayan ang oras.

"s-sorry nag r-review kase ako para sa math quiz." sagot ko saka ako ngumuso kinuha niya ang ni r-review ko saka ito binasa

"Do you understand what you're reading?" tanong nito habang diretsong nakatingin saken.

dahan dahan naman akong umiling.

"I see, pano mo maiintindihan kung sa timeline ko ikaw naka tingin. Stop stalking me yanna you should prioritize what you're reviewing now. Pano ka mananalo niyan." Sermon niya.

Napansin pala niya na ini-stalk ko siya.

Nag piece sign ako saka ako ngumiti ng pilit.

"Sa detention room nalang ako mag r-review. Akina yung detention card." saad ko.

kinunutan niya naman ako ng noo.

"Hindi kita id-detention. Listen to me, i'll teach you how to solve all the problems." sabe niya saka kumuha ng ballpen napa kurap kurap naman ako.

Omg engineering pala siya edi magaling siya sa math! omggggggg.

"totoo?" tanong ko. Tumingin siya saken.

"Do i like look i'm joking?" masunget nitong tanong kaya napanguso ako.

"Sabe ko nga." saad ko at nakinig nalang sa mga sinasabe niya.
----
"KAYAAAAAAAAAAAAH!" tili ng mga kaklase ko ng marinig nila na in announce ang name ko bilang first place.

napanganga naman ako.

tumayo ako sa kinauupuan ko saka ko tinignan ang result na hawak ng president namin.

"OMG!!!!" tili ko saka ako nagtatatalon.

natigil ang pag congrats nila saken ng tumunog ang speaker.

"Calling the attention of Yanna Santos." kumunot ang noo ko ng marinig ko ang boses ni axell.

"Congratulations my girl, you did a great job." dinig kong sabe niya. Dinig na dinig ko naman ang tilian ng mga klasmeyt at ka batchmate ko.

meron pang iba na hinampas ako dahil sa kilig.

"I put a letter in your notebook kung saan ko sinulat yung mga math problems na tinuro ko sayo kung pano isolve when i teach you in math in the library. Open it and read it, after you read what is written in that card, come here." sabe nito kaya agad agad akong tumakbo sa bag ko saka ko hinahanap yung notebook ko.

Agad agad kong nakuha ang notebook ko binuklat ko iyon at may isang yellow card na nakalagay doon.

Dinampot ko iyon.

"that's my girl." basa ko sa nakasulat sa labas ng card.

binuklat kopa iyon at binasa ang nakasulat.

pagtapos kong basahin ay tatakbo na sana ako paalis ng makita ko siyang nakatayo sa pintuan habang nakapamulsa.

lumapit siya saken saka ako nginisihan.

"Now, what's your answer?" tanong nito.

napakamot ako sa ulo ko.

"No need to answer, alam kona isasagot mo." sabe niya saka kinuha ang kamay ko.

Napatingin ako sakanya

"Let's celebrate." sabe niya saka kumindat, hinila naman niya ako palabas ng room.

Ang mga kaklase ko ay nagtilian dahil sa nasaksihan.

ok lang maging bobo ako sa math kung matalino naman sa math yung magiging boyfriend ko.

ONESHOT STORIESWhere stories live. Discover now