Chapter 11: Hello Tagaytay! (Edited)
Nicole's Pov
Excited na talaga ako. Ngayon na kasi kami pupunta ng tagaytay. Yeah. I know na nababaliw na ang school dahil ang layo layo ng Tagaytay sa Laguna but well as expected darating kami sa Laguna mga bandang malapit ng mag gabi..
Well simple lang naman ang get up ko ngayon pero I really look gorgeous. Yep pinaghandaan ko talaga toh. I want the world to see that I am beautiful. Char too much self confidence can kill you. Hindi ko nga rin alam ung ano ang dahilan kung bakit ako nag ayos as in.
Hay tama na ang drama.. Lumabas na ako sa bahay at nag pahatid kay kuya Robert papuntang school kasi doon kami mag kikita lahat. Sige i-fast forward na natin. Ok nandito na ako sa school at katulad nga ng sinabi ko. EXCITED AKO. Kaya eto ako palang ang nandito.. Early bird eh.
"Hindi ka naman masyadong excited noh?" sus parang hindi rin excited si Steph. Chance na nila yan ni Kris na mag date.
"Sus parang hindi ka rin excited.."
Nagsi dating na rin ang mga classmate namin hanggang sa wakas at kumpleto na rin kami. Dumating na rin yung bus na sasakyan namin papuntang Tagaytay at Laguna.
"Hoy hindi ka ba sasakay?" tanong ni Clark. Aalis na pala yung bus masyado akong na spaced out..
"Aah.." sumabay na kami paakyat sa bus..
Matagal tagal ang byahe kasi ang layo pala ng tagaytay. Maganda naman ang mga views papunta doon. Ewan ko lang sa place kung maganda.. Dahil sa sobrang layo nakatulog ako.
.
.
.
.
.
.
"Elocin nandito na tayo." Si Clark yun ah.
Unti unti kong iminulat ang mata ko.. Nakatulog pala ako sa balikat ni Clark.. Hmmm—-
SA BALIKAT NI CLARK?????
Parang hindi naman kapani paniwala yun.
"Saan mo naman nakuha yung elocin.."
"Binaliktad ko yung pangalan mo."
"Elocin at Nicole. Hala oo nga noh. Ang galing mo."
"Tara na nga konti lang ang oras natin dito kasi malayo ang papuntang Sta. Rosa, Laguna."
Bumaba na kami sa bus at nag simula na kaming mag lakad. Nandito kami ngayon sa People's Park in the Sky. Yeah ang taas ng pangalan. Kasing taas ng lugar. Ayun picture picture lang ang naganap. Selfie here selfie there. Video here video there.
"Video tayo." Sabi ko kay Clark.
"Sige."
In-on na namin ang camera. Alangan namang hindi. Diba!? Itinutok sa akin ang camera.
"Hi guys here at Tagaytay. Ang ganda talaga dito. Ang taas. Ang ganda.."
BINABASA MO ANG
Matalino vs. Matalino ( Attract o Repel? )
RomanceNicole Summer Perez. Siya ang pinaka matalino sa kanilang school. May magandang pamilya, mayaman, may gwapong kuya, may imaginary gang, circle of friends at maganda. May ex rin siya na hindi pa rin niya nakakalimutan. Clark John Reyes. Transferee sa...