Chapter 17: Privacy
Nicole's Pov
Nandito kami sa Hospital nina Andrea. Yes her mother and father are doctors. Pero may doctor talaga siya para sa sakit niya. She has lung cancer. Nawala na ito last year pero nanganganib na bumalik at lumala.
"Kamusta na siya Doc?"
"Kailangan lang niyang magpahinga na stress lang. Pero may bad news ako. Kung patuloy siyang na ste-stress babalik ang sakit niya at paniguradong lalala ito."
"Yes doc." Hay wag naman sanang bumalik.
"Kasalanan mo toh Kris eh. Ang bilis mo kasi magalit." Paninisi ni Allysa sa kanya. Hindi ko naman masisisi si Allysa eh nag aalala lang naman siya kay Andrea.
"Sorry sorry talaga kasi hindi ko na talaga napigila ang sarili ko." Naiiyak na siya. Ganyan talaga si Kris pag si Andrea na ang pinaguusapan.
"Wag na nga tayo mag sisihan. Ang mahalaga ok na si Andrea." Pumunta na kami sa kwarto ni Andrea. Nagbabasa siya ng libro.
"Uy guys! Kayo pala. Tara dito may pagkain ako." Ang mukha niya parang walang nangyaring masama sa kanya. Parang masaya pa nga siya eh.
"Pinag alala mo kami." Naiiyak na sabi ni Audrey.
"Wag kayong mag alala guys. Narinig niyo naman siguro ang sinabi ni doc diba na ok na ako." Well may point din si Andrea. Pero hindi naman talaga maiiwsan ang pag aalala. Malaki ang kalaban may kasama pang kamatayan.
"Andrea sorry." Naiiyak na sabi ni Kris.
"Maiwan muna namin kayo." Paalam ni Lloyd at umalis na kami para mabigyan sila ng privacy at para makapag usap din sila.
Andrea's Pov
"Andrea sorry." Naiiyak na sabi ni Kris.
"Maiwan muna namin kayo." Paalam nila sa akin.
"Para saan?" tanong ko kahit alam ko naman kung ano ang ikinahihingi niya ng sorry.
"Dahil sa akin kaya ka inatake ng sakit mo."
"Hindi ikaw ang may kasalanan nun. Ako kasi hindi ako nakinig sa doctor ko na bawal mag pagod. Eh napagod ako dun eh. Well kahit hindi naman ako sumakay sa rides pero napagod rin naman ako. Hahaha nakakatawa yung mukha mo nung nahulog ka sa kabayo dun sa Tagaytay. At talagang dumiretso ang mukha mo sa putik. Hahahahahahaha." Tumawa siya ng mahina. Hindi naman talaga niya kasalan eh. Kasalanan ko yun. Niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya.
Hindi sa lahat ng bagay sa iba mo isisisi. Hindi naman kasi kasalanan ang mag selos diba?
Napa smile ako at that thought. Nagselos? Hmm...
BINABASA MO ANG
Matalino vs. Matalino ( Attract o Repel? )
RomanceNicole Summer Perez. Siya ang pinaka matalino sa kanilang school. May magandang pamilya, mayaman, may gwapong kuya, may imaginary gang, circle of friends at maganda. May ex rin siya na hindi pa rin niya nakakalimutan. Clark John Reyes. Transferee sa...