Chapter 6: The Newbie
Nicole's POV ^___^
Hay! Nandito ako ngayon sa classroom. Kasalukuyang naghihintay sa prof naming lagging late! At ayun sa wakas dumating na si professor late!
"Goodmorning class! I'm sorry to be late because of your new classmate." Sabi ni prof tapos tumingin sa may pintuan. "Mr. Matthew delos Reyes come in."
So siya pala yung sinabi ni sir na new classmate. Ang gwapo niya Napatingin ako sa dako ni Clark at ayun nakatingin ng masama kay Matt at sa AKIN? Bakit naman ang sama ng tingin niya sa akin! Baka nabakla siya sa kagwapuhan ni Matt at ayaw niya mag patalbog sa beauty ko! O///O
"Mr. delos Reyes, you sit beside miss Perez." Sabi ni Prof! Thank you prof ang bait mo! (Note the sarcastic tone there.) And by the way prof paano ako makakamove-on kung katabi ko si Matt?
Naghands-up ako para hindi na mahirapan sa paghahanap si Matt sa akin! Nakita niya agad ako. Tumingin ako kay Clark at ang tingin niya sa amin parang gusto nang kumitil ng buhay!.
"Sa wakas nakalipat na rin ako sa school niyo at sinadya ko talaga na sa section niyo." Pabulong na kwento sa akin ni Matt. Kahit kailan talaga ang daldal nitong si Matt. Kitang bawal magchismis dito eh.
"Tss. Ang daldal mo talaga." sabi ko.
"Cousin ko nga pala si Clark"
"Talaga? Siya yung pinagmamalaki mong cousin mo? Nga pala bakit hindi kayo sabay ni Clark mag transfer!" tanong ko.
"Yun kasi ang sabi niya hindi raw dapat kami sabay mag transfer. Ewan ko nga sa kanya kung bakit ang init init ng dugo niya sa akin eh."
"Kaya pala ang talim ng mga titig na binabato sayo!" paliwanag ko sa kanya.
"Sabay tayo mag lunch mamaya!" suhestiyon niya
"Sige! Saan mo gus—" hindi na natuloy kasi
"Prof ang ingay po nila Matt at Nicole! Nakaka disturbo!" sigaw ni Clark
"Mr. delos Reyes first day mo palang pero lumalabag ka na ng rules! At ikaw Ms. Perez diba alam mo ang rules dito bakit mo pa papatulan sa pag daldal itong si Mr. delos Reyes? Dahil hindi ko naman kayo na nakita 1 hour detention lang aabutin niyo! Maliwanag!" sigaw ni prof. Gusto ko ng umiyak. Nag smirk lang si Clark.
Bago lumabas tiningnan ko si Clark at sakto na tumulo ang luha ko mula sa mata. First time ko kasing mapalabas ng room at magkaroon ng detention. Lumabas agad ako baka kasi may iba pang makakita na umiyak ako. Madali lang akong umiyak.
CLARK'S POV >.<
Alam kong may masamang balak si Matt sa kanya. Kilala ko si Matt. Tauhan siya ni mama. Sigurado akong sasaktan niya si Nicole. Malaki ang galit ni mama sa pamilya nila Nicole kaya gagawin niya ang lahat mapalayo lang si Nicole sa akin kahit saktan niya ito wala siyang takot. Alam din ni mama a may gusto ako kay Nicole. Oo aaminin ko may gusto ako sa kanya athabang tumatagal lumalala na ang sitwasyon.
—-
Tapos na ang 1 hour detention nila pero hindi pa rin sila bumalik. Uwian na lang hindi pa rin sila nagpapakita. Nag aalala na ako.
"Hahahaha nakakatawa yung itsura ni Nicole!" sabi nung babae
"Oo nga first time niya kasing ma-detention. Sayang running for validectorian pa naman siya!" sabi nung isang babae
Ako pa talaga ang nakasira sa record niya.
"Trending sa facebook at twitter ang pag iyak ni Nicole at ang First 1 hour detention niya!" sabi nung babae
"Talaga! Ayan kasi ang landi!" sabi naman nung pangit na tsismosang babae
Kinuyom ko na lang ang kamao ko sa pagpipigil ng galit. Hinanap ko kaagad ang mga co campus royalties ko. Nakita ko naman agad si Andrea.
"Andrea alam mo ba kung nasan si Nicole?" tanong ko sa kanya.
"Nandoon sa rooftop umiiyak kasama si Matt. Ano ba kasi ang dahilan kung bakit ginawa mo yun?" tanong ni Andrea sa akin.
"Mamaya ko na lang sasagutin ang mga tanong mo! Sige una na ako!" tumakbo agad ako papunta sa rooftop. Sumilip lang muna ako upang maka sigurado na nandoon nga siya. At tama nga ako nandoon nga siya umiiyak habang yakap-yakap siya ni Matt hindi na lang ako lumapit baka itulak lang ako nun. Umalis na ako dahil sa matinding inis sa sarili.
![](https://img.wattpad.com/cover/27747792-288-k778853.jpg)
BINABASA MO ANG
Matalino vs. Matalino ( Attract o Repel? )
RomanceNicole Summer Perez. Siya ang pinaka matalino sa kanilang school. May magandang pamilya, mayaman, may gwapong kuya, may imaginary gang, circle of friends at maganda. May ex rin siya na hindi pa rin niya nakakalimutan. Clark John Reyes. Transferee sa...