Clark’s Pov
Bumalik na si Nicole at kasalukuyan kaming umuupo sa isang bench na makikita mo ang view.
Teka naalala ko nga pala. Diba noon uminom DAW siya ng Muriatic so dapat patay na siya ngayon diba? Pero bakit buhay pa rin siya?
“Hoy. Diba uminom ka noon ng muriatic? So diba dapat patay ka na ngayon?”
“Aah yun. Hindi naman talaga totoo na uminom ako ng Muriatic eh.”
“Huh? Paano nangyari yun?” tanong ko. Diba tama naman ako?!
“Ganito kasi yun. Sa ka depress ko nung hiniwalayan ako ni Matt napagtripan ko yung Muriatic. Isinaboy ko ito sa mga halaman namin sa bakuran. Tapos syempre namatay yung tanim hindi ako. Tapos hinugasan ko ang lalagyan, pina-sterelize at kung ano ano pang ka echosan diyan. Isang araw uhaw na uhaw na talaga ako kaso hindi pa nahuhugasan yung mga baso kaya naisip ko na yung lalagyan na lang ng Muriatic yung gagamitin ko. Kasi nga sterilized na diba so hindi delekado. Tapos nung araw ding iyon ay may sakit ako. Lagnat lang naman yun eh kaya medyo namumutla ako. Ininom ko yung tubig na malinis na nilagay ko sa loob tapos nakita ni kuya akala niya muriatic yung laman nun. Tapos dineretso agad ako sa ospital. Eh medyo may pagka baliw yung doctor ang sinabi malala daw yung kondisyon ko. Tapos sabi niya pa hindi pa niya alam kung kailan ako gigising.” Wow. So ganun pala yung nangyari.
“Sino namang nakakaalam nito?”
“Ikaw lang.” WHAT?!?!?!?! I will really have a hard time keeping her secret.
“Talagang ako lang?”
“Ikaw at yung doctor.” At least may isa pang nag tatago ng sekreto niya.
“Kailan mo to balak sabihin sa iba?”
“Alam mo ikaw ang dami mong tanong. Problema ko nay un tsaka wala namang sikretong hindi nabubunyag diba.” May point siya. “Tsaka hindi naman ako yung tipo ng taong mag su-suicide para sa isang lalake noh.”
Hahay nakaka stress naman yang Muriatic issue na yan!!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/27747792-288-k778853.jpg)
BINABASA MO ANG
Matalino vs. Matalino ( Attract o Repel? )
RomantiekNicole Summer Perez. Siya ang pinaka matalino sa kanilang school. May magandang pamilya, mayaman, may gwapong kuya, may imaginary gang, circle of friends at maganda. May ex rin siya na hindi pa rin niya nakakalimutan. Clark John Reyes. Transferee sa...